PEP EXCLUSIVE. Ariella Arida denies alleged favoritism in Miss Universe

Ariella Arida on lessons that she learned from joining Miss Universe: "Siguro, thankful ako, yun yung mga natutunan ko na kumportable ako sa sarili ko, confident ako sa sarili ko, sa kung ano ako. Na alam ko na hindi ako yung prettiest girl, hindi ako yung sexiest girl, pero alam ko kung papa’no dalhin yung sarili ko na, for me, nakatulong sa ’kin."


Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula nang manalo si Ariella Arida bilang 3rd runner-up sa Miss Universe 2013, na ginanap sa Moscow, Russia.

Read: Ariella Arida is third runner-up in Miss Universe 2013; Miss Venezuela wins crown

Ayon kay Ara (palayaw ni Ariella), naging mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapwa Pilipino kahit hindi niya naiuwi ang pinakaaasam na korona.

Kagabi, November 21, ay nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas Tree Lighting sa Gateway Foodpark, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Tungkol sa pag-welcome sa kanya ng ating mga kababayan, wika ni Ara, “Siyempre mas overwhelming siya compared nung nanalo kami ng [Binibining Pilipinas].

“And sobrang happy ko dahil iba yung feeling na nakapagbigay ka ng pride sa country mo.

“Tapos, parang lahat ng natatanggap kong comments, kahit third runner-up ako, sobrang happy sila... sobrang proud sila para sa kin.

“I mean, alam mo yun, okay lang kasi sa akin na...

"Parang hindi lang yung family ko yung proud, kahit yung hindi ko kakilala, ganun yung napi-feel nila sa ’kin.

"Kaya yun, yung feeling na yun, ang saya-saya ko.”

THE TRUE MISS UNIVERSE. Ano naman ang pakiramdam na marami ang nagsasabing siya raw ang deserving manalo ng titulong Miss Universe 2013?

Tugon ni Ara, “Ayun din. Yun din yung isang nakakapagpasaya sa ’kin na, feeling lahat nila, kahit hindi Pinoy, na parang gusto nila sana ako, ganun.

“Sobrang nakaka-proud and sobrang happy rin.

"Pero ako naman, naniniwala ako na ibinigay ’to ni God sa akin, e.

"So, may reason siya kung bakit ito yung ibinigay niya sa akin."

Ang iniisip daw na dahilan ni Ara kung bakit 3rd runner-up ang naiuwi niya ay para makabalik agad siya sa Pilipinas, at matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda.

“[Kung] nanalo ako, parang feeling ko, ang helpless ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano ako makakatulong sa mga kababayan ko na nasa ibang bansa ako, di ba?

“Parang, mas iba pa rin yung feeling na ikaw mismo yung nandito sa Pinas, ikaw mismo yung tumutulong sa kung anumang means na makatulong sa mga kababayan.”

May balak ba siyang bisitahin ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo sa Visayas?

Sabi ng beauty queen, “Ako, open naman ako dun.

"Like dati, before, nung Ondoy days, nagpunta akong Laguna para ako mismo yung magbigay nung mga relief goods.

“And now, sinasabi ko naman sa Binibini, ready ako anytime nila… Kasi sa kanila din naman nakadepende yung sked ko.

“Kahit gusto kong pumunta, kailangan i-approve nila yung pagpunta ko dun, anywhere sa Visayas.”



MISS UNIVERSE CONTROVERSY. Isang blog entry, na nagsiwalat ng mga anomalya diumano sa Miss Universe pageant, ang kumalat ngayong linggo.

Ayon sa blog na ito, may special treatment daw na natatanggap ang candidates mula sa malalaking bansa, tulad ng USA at Venezuela, sa Miss Universe Organization.

Bukod pa dito ay hina-"handpick" daw ni Donald Trump, may-ari ng Miss Universe franchise, ang pumapasok sa Top 16 ng kumpetisyon.

Read: http://missosology.info/forum/viewtopic.php?f=0&t=216482

November 18 naman nang lumabas sa online site na International Business Times ang pahayag ni Miss Universe Colombia na si Lucia Aldana, na tila sumusuporta sa nilalaman ng blog.

Sinabi ito ni Lucia sa interview niya sa W Radio, kung saan sinabi rin niya na tila may favoritism ngang nagaganap sa kumpetisyon.

Read story: http://au.ibtimes.com/articles/522890/20131118/miss-colombia-2012-luc-aldana-exposed-trump.htm#.Uo8Y6tJaXxt

Tinanong ng PEP si Ara tungkol sa isyung ito.

Sagot niya, “I don’t think so.

"Hindi, hindi ako naniniwala dun.

“Parang, sinabi talaga ni Lucia yun?

"Kilala ko siya, sobrang ang sweet niyang girl, ha.

“Isa siya sa mga gusto kong girl, sobrang sweet niya. Oo, sobrang sweet ni Lucia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka hindi, e. Depende talaga sa girl yun.

"Depende sa kung paano mo dadalhin yung sarili mo.

"Wala sa franchise, wala talaga. Wala talaga.

“Kasi sa experience ko talaga, ikaw, ikaw nagdadala kung ano yung magiging kakahinatnan mo in the end. Nasa sa ’yo lahat.

“It’s not about the name of the country. Hindi, e. Hindi.”

LESSONS FROM MISS UNIVERSE. Marami ang nangangarap na maging tulad ni Ara, at maging kinatawan ng Pilipinas sa isang beauty pageant.

Ano ang mga natutunan ni Ara matapos ang once-in-a-lifetime experience niya sa Miss Universe?

Aniya, “Ako, from the start talaga, yung trainings ko pa lang, dun na ako parang... parang mas namulat ako. Mas naging mature ako na tao.

“I mean, mahirap kasi na parang, pag beauty queen ka, expect nung tao, parang perfect ka na tao.

"Like, they expect you to talk like a queen, act like a queen, ganun.

“Ako, natutunan ko, you can be that, pero at the same time, ikaw pa rin yung taong yun, alam mo yun?

“So, especially nung nandun ako sa Russia, parang thankful ako sa lahat ng trainings ko.”

Dito raw natutunan ni Ara kung gaano kaimportante ang kumpiyansa sa sarili para mag-standout sa kumpetisyon.

Sabi niya, “Hindi mo mapi-feel na parang, ‘Ay, mas maganda siya! Ay, mas sexy siya!’ Wala, e.

“Kasi pagpunta mo dun, siguro yun din, proud ka kasi na Philippines yung dala mo.

"Pag proud ka sa country mo, hindi ka madaling ma-down. Kahit makakita ka ng mas maganda sa ’yong girls.

“Kasi dun, e, mate-test din yung personality mo dun, e.

“Siguro thankful ako...

"Yun yung mga natutunan ko na kumportable ako sa sarili ko, confident ako sa sarili ko, sa kung ano ako.

“Na alam ko na hindi ako yung prettiest girl, hindi ako yung sexiest girl, pero alam ko kung papa’no dalhin yung sarili ko na, for me, nakatulong sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi masasabi ko, hindi ko alam kung paano ka mapapansin ng tao pagpunta mo dun sa international pageant, dahil sobrang dami niyo.

“Lahat ng country andun, lahat competitive.

"Siguro, ano talaga, tama yung... yung inner talaga yung nakikita nila. Dahil pare-pareho kayong maganda, e.

“So, kapag na-feel nila, kumportable ka sa sarili mo, hindi ka fake, pag genuine ka, sincere ka, especially sa mga kasama mo, mas, feeling ko, dun ka din napapansin ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN