David Beckham visits Manny Pacquiao before Filipino boxer’s bout against Rios; says he is a "huge fan" of Pacman

Alam daw ni international football superstar David Beckham na mahalaga para kay Manny Pacquiao ang mapanalo nito ang kanyang laban kay Brandon Rios. "I know how much this fight is going to mean to him this weekend because of everything that is happening in the Philippines."


Ang international football superstar na si David Beckham ang isa sa mga kilalang personalidad na lumipad patungong Macau, para suportahan ang Filipino boxing champ na si Manny "Pacman" Pacquiao, sa laban nito kay American boxer Brandon Rios ngayong araw, November 24, Linggo.

Hindi naman nabigo si Beckham sa pagsuporta niya kay Manny dahil nanalo ang Pambansang Kamao ng Pilipinas laban kay Rios via unanimous decision.

Read: Manny Pacquiao wins fight against Brandon Rios

Ayon sa report ng www.larrybrownsports.com, inamin ni Beckham na isa siyang "huge fan" ni Manny.

Inilarawan pa nito ang Filipino boxer bilang "truly inspirational."



Nagsalita si Beckham sa ginanap na press conference para sa kanya sa The Venetian Macao Resort Hotel, sa Macau, China, noong November 22—dalawang araw bago ang paghaharap sa boxing ring nina Manny at Rios.

Ito rin ang venue kung saan ginanap ang laban nina Manny at Rios kanina.



PACMAN FAN. Sa nasabing presscon, very vocal si Beckham sa pagsasabing suportado niya si Manny.

Ani Beckham, “It’s obviously one of the reasons why I’m here and why I’m really excited being here. I’m a huge fan of Manny’s.

"I met him a couple of years ago in the Philippines, when I was on tour there with the Galaxy and also there with UNICEF.

"And he truly is an inspirational person."

Dagdag niya, “I haven’t spoken to him, but I know how much this fight is going to mean to him this weekend because of everything that is happening in the Philippines.

"The eyes of the world have been on the Philippines the last couple of weeks, and I know how much this is going to mean to him.

"He’s not just loved around the world of sport or just around the world of boxing, but the way that people love him and are inspired by him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This fight will mean so much to him because, for a slight moment, this fight is going to put a smile on the people’s faces in the Philippines.

"And we all send out love and our hopes to the people in that part of the world."

Ang pamilya ni Beckham ay nag-donate din umano ng designer clothes sa Red Cross shop sa London upang makalikom ng pera para sa Pilipinas.

Ang asawa ni Beckham, na si dating Spice Girls member Victoria Beckham, ay nagpahayag din ng suporta sa Pilipinas, via Twitter, pagkatapos manalasa ng bagyong Yolanda.



PACMAN AND BECKHAM MEET AGAIN. Samantala, lumabas din ang larawan kung saan nagkita sina Beckham at Manny ilang sandali bago ang laban ng huli kay Rios.

Pumunta si Beckham sa dugout ni Manny upang bigyan ito ng suporta.

Ang larawan ay naka-post sa www.larrybrownsports.com, kung saan makikitang parehong nakangiti sina Beckham at Manny, habang nakatingin ang coach ni Manny na si Freddie Roach at iba pang miyembro ng Team Pacquiao.

Matatandaang bumisita sa Pilipinas si Beckham noong December 2011 para sa Major League Soccer Asian tour, at nagkaroon ng friendly football match sa pagitan ng koponan ni Beckham, ang Los Angeles Galaxy, laban sa Philippine football team na Azkals.

Nanalo ang LA Galaxy laban sa Azkals sa score na 6-1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN