Matteo Guidicelli supports fun run to help typhoon victims

"May isang isla dun sa Bantayan, sa likod ng Bantayan, ninety families meron dun. Pagkatapos ng bagyo, nawala… nawala lahat! Sobrang ano… at kailangan talaga nila ng tulong," kuwento ni Matteo Guidicelli tungkol sa isang isla sa Cebu na tinamaan ng bagyong Yolanda.


Nakilala sa larangan ng sports si Matteo Guidicelli bago pa man siya sumabak sa showbiz.

Iba’t ibang klaseng sports ang kinahiligan ng Filipino-Italian racer turned model-actor.

Kaya hindi na nakapagtataka na isa siya sa sumuporta sa fun run event ng Star Magic at Sun Life Financial noong Sabado, November 23, sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Sabi niya sa PEP.ph (hilippine Entertainment Portal), “It’s a very nice cause.

"It’s my second time of doing it.

“Last year, with Piolo [Pascual] and Sun Life, partner din with Star Magic.

“It’s a good cause, it’s helping out a lot.

"Especially sa mga Yolanda victims now, maraming matutulungan. So, yun.”

Palagi ring sumasali sa duathlon at triathlon events si Matteo, pero break daw muna siya rito.

Aniya, “Yeah, palagi naman, ngayon lang, kasi off-season naman kami.

“Medyo palagi lang kami nagti-taping, ganun, pero next...

“Simula next year, magsisimula na talaga ang training namin.

“Pero whenever there’s a charity event, especially running, fitness, I always join.

“I’ll make it a point that I join.”



HELPING THE VICTIMS. Tubong-Cebu si Matteo. Italyano ang kanyang ama at Cebuana naman ang kanyang ina.

Sunud-sunod ang trahedyang yumanig at bumayo sa ilang bahagi ng Queen City of the South.

Una ay ang lindol noong October 15, at sumunod naman ang super typhoon Yolando noong November 8.

Kuwento ni Matteo sa PEP tungkol sa nakaraang bagyo, “Oo, natamaan yung Cebu.

“Yung city mismo, hindi masyado, okay lang.

“Pero yung maliliit na island sa labas, halimbawa Bantayan, Bogo... Mama ko galing Bogo, taga-Bogo—‘yan natamaan nang masama.

“At sa sobrang liit ng mga lugar na ‘to, parang matagal yung relief goods, kumbaga.

“So, ang ginawa namin ng pamilya ko, friends, we gathered group of friends, group of doctors.

“Personally na lang, we go there… not me personally, but my family members go there and they helped out talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, they send me pictures and nakikita ko talaga na kawawa talaga.

“Talagang, example, may isang isla dun sa Bantayan, sa likod ng Bantayan, ninety families meron dun.

“Pagkatapos ng bagyo, nawala… nawala lahat!

“Sobrang ano… at kailangan talaga nila ng tulong.”



SINGLE FOR NOW. Sa kabilang banda, ang isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Matteo ay ang taping ng afternoon series ng ABS-CBN na Galema, na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Bukod dito, may mga kasunod daw siyang proyektong malapit nang magsimula.

Saad ni Matteo, “Galema pa rin, nagti-taping kami palagi ng Galema.

“And Biggest Loser, mag-eere na kami soon.

“At yung Saturday Night Chills, kasama kami ni Rayver [Cruz] na nanalo kami ng Best Actor dun.

“So astig, astig!”

Ang Saturday Night Chills ay isa sa mga entry sa Cinema One Originals 2013, kung saan bida sina Matteo, Rayver, at Joseph Marco.

Sa awarding ceremony na ginanap noong November 16, itinanghal na Best Actor ang tatlo sa “Currents Category.”

Read: Angelica Panganiban and Joel Torre win top acting honors at 2013 Cinema One Originals awards night

Pagdating naman sa kanyang lovelife, single daw si Matteo ngayon dahil sa trabaho.

Aniya, “Wala e, puro trabaho muna.”

Napagod na ba siyang umibig muli?

Natatawang sagot niya, “Hindi naman, hindi naman sa napagod!

“Wala, straight lang sa trabaho, kasi halos araw-araw kami nagti-taping e.”

Nauugnay ngayon si Matteo sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa, ngunti wala rin silang direktang pagtanggi na silang dalawa na nga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN