Nikki Gil wins against Nora, Ai-Ai, Iza in Star Awards for TV: "Ang kapal ng mukha ko, di ba?"

Bagamat naka-move na raw si Nikki Gil mula sa breakup nila ni Billy Crawford, hindi pa raw siya handang maging kaibigan muli ang dating kasintahan. Sabi ni Nikki, "Huwag na po muna. I just want to be real. Siguro sa takdang panahon po.”


Overwhelmed pa si Nikki Gil sa pagkapanalo niya, sa 27th PMPC Star Awards for TV, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, kagabi, November 24.

Nanalo si Nikki sa kategoryang Best Single Performance by An Actress para sa pagganap niya sa “Ilog” episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya.

Gumanap siya rito bilang babaeng pinagtaksilan ng kanyang asawa at kapatid.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Sabi ni Nikki tungkol sa kanyang panalo, "Sino naman ang mag-aakala? E, pakanta-kanta lang ako, tapos mauuwi sa ganito.

“I really don’t deserve it… Maraming deserving, and I’m so blessed na ako ang napili ngayon.”

Sa tingin niya, panahon na talaga para makilala siya bilang isang aktres?

Sagot ni Nikki, “Ay, siyempre, I’m just very thankful na sa industriya po natin, e, marami talagang magagaling—maraming-marami po talaga.

“Kaya para mapansin ako ng PMPC, napakalaking karangalan po talaga."



MORE INSPIRED. Mas inspirado raw ngayon si Nikki na gumawa pa ng mga dekalibreng proyekto.

"Oo naman, lagi, matagal naman na akong… yun ang pangarap ko.

“I found out na ang pag-arte ay isang bagay na mahal na mahal ko.

“And ipinagdarasal ko talaga na marami pang pagkakataon ang maibigay sa akin."

Pagkatapos manalo ng acting award, mas tataas na ang expectation sa kanya pagdating sa pag-arte. Handa na ba siya rito?

"Ay, grabe naman!" bulalas ng ngayo’y award-winning actress na.

“Huwag naman yung pressure. Hindi naman po.

“Ako naman po e gusto ko lang magtrabaho.

“Gusto ko lang maging effective storyteller dahil yun naman talaga ang pag-arte.

“At kung ano po ang dumating, kung ano po ang ibigay, kung pinaniniwalaan ko po ito, gagawin ko naman po talaga ang best ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam na nakasama at natalo niya sa kategoryang Best Single Performance By An Actress ang ilan sa pinakamahuhusay na aktres sa bansa?

Nakalaban ni Nikki sa kategoryang ito sina: Ai-Ai delas Alas (MMK, “Kulungan”), Boots Anson-Roa (MMK, “Kamison”), Iza Calzado (MMK, “Ilog”), Jane Oineza (MMK, “Bimpo”), Krystal Reyes (Magpakailanman, “Batang Ina: The Tintin Ng Story”), at ang Superstar na si Nora Aunor (Untold Stories, “Tukso Ng Pag-Ibig”).

"Ang kapal ng mukha ko, di ba?" napabungisngis na sabi ni Nikki.

Dagdag niya, “Yun nga lang po na mapabilang doon sa mga kinilala na mga kasama kong nominado, yung mga iniidolo ko lamang…

“Mga idol ko silang lahat, kaya it’s such an honor na mapahalo ako sa roster ng mga pangalan na ’yon."

Ngayon ba ay magiging mapili na siya sa pagtanggap ng role?

"Ano po, basta po naniniwala ako sa proyekto, sa kuwento, sa karakter, at nakikita ko naman na kaya ko itong trabaho at aralin, tatanggapin ko naman po."



REWARD. May ilang nagbiro na magandang pambawi raw ang pagkapanalo ni Nikki ng acting award sa sakit na dulot ng breakup nila ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford.

Read: Billy Crawford on breakup with Nikki Gil: "It all boils down to me."

Natatawang sagot ni Nikki, "Sabi ni Lord, ’Sakit? Eto’ng reward.’ Thank you!"

Speaking of Billy, nanalo rin ito sa 27th Star Awards for TV bilang Best Male Host para sa It’s Showtime.

"Yes, congratulations din," sabi ni Nikki tungkol sa pagwawagi rin ng ex-boyfriend niya.

Naniniwala ba siya na kapag hindi suwerte sa pag ibig, maganda naman ang career?

Natatawang sagot ng actress-singer, "Parang ganoon, e!

“Pero hindi. Ako, naniniwala ako sa kasabihang ’hard work pays off.’

“And if you are faithful with the little things, God will bless you with bigger things."

Ibig bang sabihin nito ay hindi muna siya magbo-boyfriend ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na muna, ’wiz na muna,” sabi niya.

“Pero siyempre, hindi naman ako… hindi ko naman kinukontra.

“Kapag dumating, andiyan, of course, I will embrace it.

“Pero hindi ko siya hinahanap sa ngayon dahil marami namang ibang biyayang ibinibigay na distractions si Lord sa akin."

Sa hiwalay na panayam ng Buzz Ng Bayan kay Nikki ay inamin nitong may idini-date siya ngayong young businessman.

Read: Nikki Gil on rumor linking ex-boyfriend Billy Crawford to Coleen Garcia: "That’s really none of my business..."



BILLY CRAWFORD. Tatanggap ba siya ng project na pagsasamahan nila ni Billy?

Sagot ni Nikki, "Ayoko naman po kasing… hindi po ako yung ganoong klase ng tao.

“I’m very real. I want to be very honest siyempre sa press at sa mga sumusunod sa ginagawa ko, sa career ko.

"Parang hindi naman po necessary.

“Parang puwede naman pong hindi.”

Kumusta sila ni Billy? Nakapag-usap na ba sila pagkatapos ng breakup nila?

"Ako po, okey po ako,” sabi ni Nikki.

Pero pag-amin niya, “Hindi kami nag-uusap.

“Masaya naman po ako.

“I’m very busy and very thankful sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko.

“Nakapag-ano na po… back to normal.

“Ano na po tayo, business as usual.”

Hindi pa sila okey ni Billy, kahit man lang bilang magkaibigan?

"Huwag na po muna. I just want to be real.

“Siguro sa takdang panahon po,” aniya.

Nasasaktan pa rin ba siya kapag nakikita si Billy?

"Ay, grabe naman po ang tanong na yun! Hindi naman po kasi kami nagkikita!” tawa ni Nikki.

Hindi naman sila nag-iiwasan?

"Hindi naman po dahil maliit lang naman po ang industriyang ginagalawan nating mundo, maliit lang talaga."

Kapag nagkita sila at nag-hello sa kanya si Billy, babatiin din ba niya?

"O, sige po!” tawa na naman ni Nikki.

“Pero okey na po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung magkita, ganoon naman po talaga, bakit naman kailangang mag-iwasan, di po ba?"

Mami-miss ba niya si Billy ngayong Kapaskuhan?

"E, ano naman po, e, for the past Christmases, lagi ko naman po kasama ang pamilya namin. Ganoon naman po.

“So, hindi naman masyadong maiiba.

“Ganoon po talaga ang buhay… patuloy ang agos," pagtatapos ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN