Former Governor Chavit Singson defends his killing of wild animals at the Kalahari Desert: "Kung hindi ko babarilin, babarilin rin ng iba, e."

Nagsalita na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson tungkol sa natanggap niyang mga batikos sa pamamaril at pagpatay niya sa leon at antelope, sa Kalahari Desert, upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong June 21, 2013. Rason ng pulitiko, legal ang ginawa niyang pangangaso.


“Legal lahat…”

Ito ang depensa ni dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa pagbatikos sa kanya dahil sa pamamaril at pagpatay niya sa leon at antelope upang ipagdiwang ang kanyang ika-72 kaarawan.

Naging viral sa social media ang mga larawan ni Singson kasama ang dalawang wild animals na kanyang napatay sa hunting expedition nito sa Kalahari Desert, sa southern Africa, noong June 21, 2013.

Unang nailathala ang mga larawang ito sa website ng Philippine Times of Southern Nevada noong June 23, 2013.

Read: Former Governor Chavit Singson kills lion and antelope on his birthday; gets flak from netizens

Umani ng batikos sa social media at mula sa animal rights groups ang ginawang pangangaso ni Singson sa Africa.

“KUNG HINDI KO BABARILIN, BABARILIN RIN NG IBA...’ Sa ulat ng 24 Oras ng GMA ngayong gabi, November 25, pinalagan ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang ginawang ito ni Singson.

Ayon kay Jana Sevilla, spokesperson ng PETA, “Kung talagang binibigyan niya ng halaga at mahal niya yung mga hayop, sana ay ang mga kinuha na lang niya ay yung mga litrato nung mga hayop, hindi yung mga buhay nila.”

Ngunit katuwiran dito ni Singson, legal ang animal hunting sa Africa.

Aniya, “Legal lahat. Gobyerno ang nagbibigay ng lisensiya.

"Kung hindi ko babarilin, babarilin rin ng iba, e.

"So, kailangan ko lang sa Baluarte is additional attraction sa mga tao.”

Ang mansion ni Singson sa Ilocos Sur, na tinaguriang Baluarte, ay punung-puno ng mga hayop na makikita lamang sa zoo.

Ang pinaka-main attraction dito ay ang kanyang mga alagang tigre.

Ayon sa PETA, may mga bansa talagang pumapayag sa ganitong klaseng aktibidad.

Pero bilang dating opisyal ng gobyerno, sana raw ay naging mabuting ehemplo si Singson sa mga tao.

Dapat din daw ay matuto itong gumalang hindi lang sa karapatang pantao kundi maging sa karapatan ng mga hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Sevilla, “Yung pagpatay kasi, nagiging hobby na lang, which is hindi dapat.

"Kung nagkakaroon man ng overpopulation yung mga lion dun sa Africa, dapat po ay natutugunan siya nang mas humane way para ma-control ng government nila, hindi yung pagpatay.”



FATHER–DAUGHTER HUNTING. Bago pa man ang pamamaril niya ng leon at antelope sa Africa, binatikos na si Singson nang mag-post naman ang anak nitong si Richelle Singson ng larawan nilang mag-ama kasama ang kanilang mga nahuling wild ducks.

Sa naturang post, may hashtags itong "#Hunting #fatherdaughter #bonding #whatsfordinner? #wildduck #adobo"

Pero depensa ng mag-ama, wild ducks naman daw ang mga ito.

Binura na ang post na ito ni Richelle matapos umani ng maraming batikos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN