Marian Rivera to attend Asian TV Awards in Singapore without any expectations from acting nomination

Marian Rivera on winning Best Drama Actress in Star Awards for Television: "Ang sarap ng pakiramdam talaga na binibigyan ka ng ganitong karangalan sa mga ginagawa mo."


Aminado si Marian Rivera na hindi niya nabanggit ang lahat ng mga dapat niyang pasalamatan nang manalo siya bilang Best Drama Actress sa 27th PMPC Star Awards for Television.

Ginanap ang awards night noong Linggo, November 24, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo, sa Quezon City.

Nasungkit ni Marian ang tropeyo para sa pagganap niya sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Temptation of Wife.

Read: Marian Rivera wins Best Drama Actress, Coco Martin and Richard Yap tie for Best Drama Actor at 27th Star Awards for TV

Sabi ng Kapuso Primetime Queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, “Naku, pag nandun ka pala talaga [sa stage], mawawala talaga sa isip mo!

“Siyempre, yung mga boss mo sa GMA, yung mga taong tumangkilik sa Temptation of Wife… so ang dami.

“Minsan, kapag nandun ka na, nasa stage ka na, makakalimutan mo talaga, e.”

Ayon pa kay Marian, magsisilbing inspirasyon ang napanalunan niyang award upang mas pagbutihin ang pagganap sa kanyang mga susunod na proyekto.

Dagdag niya, “At ang sarap ng pakiramdam talaga na binibigyan ka ng ganitong karangalan sa mga ginagawa mo.”



ASIAN TV AWARDS. Bukod sa pagwawagi niya sa Star Awards for TV, nominado rin si Marian sa Asian Television Awards 2013 sa kategoryang Best Actress, para pa rin sa Temptation of Wife.

Gaganapin ang awards night nito sa December 5, Huwebes, sa Resorts World, Singapore.

Ito ang kauna-unahang international acting nomination ni Marian.

Read: Marian Rivera, Lorna Tolentino, Kris Aquino, Michael V. score nominations at Asian TV Awards 2013

Sabi ng Kapuso actress tungkol dito, “Yun ang sinasabi ko, e.

“Tama lahat ng mga nominado at umakyat sa entablado. Sinasabi nila, ma-nominate ka lang ay malaking karangalan na bilang isang artista.

“Alam naman natin na napakaraming artista at depende sa ginagawa mo, doon ka nano-nominado.

“So, ako, agree ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga na-nominate, matalo man o manalo, para sa amin, panalo kami.”

Ano ang pakiramdam na ang mga kalaban niya sa Asian TV Awards ay mga kilala ring mga aktres sa kani-kanilang bansa?

Kasama na rito ang kapwa niya Pinay na si Lorna Tolentino, na napansin para sa pagganap nito sa Pahiram Ng Sandali.

Ang iba pang mga nominado ay sina: Jade Chou (Falling, Taiwan); Debbis Goh (Mining Magnate, Malaysia); Kate Tsui Tsz-shan (Highs and Lows, Hong Kong); at Wen-Lin Fang (Go, Hula!, Taiwan).

Sagot ni Marian, “Pupunta ako doon para i-experience kung paano ba maranasan… kung ano ang Asian TV Awards.

“Pupunta ako doon na wala akong iisipin. Alam mo yun?

“Basta, gusto ko lang pumunta para maranasan.

“Matalo, manalo, ang importante, nominado.”

Ibig sabihin, sinunod niya ang payo ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes na dumalo sa awards night?

Si Dingdong ay na-nominate na rin sa Asian TV Awards, noong 2010, sa kategoryang Best Drama Actor para sa pagganap niya sa Stairway To Heaven.

“Oo, a-attend ako,” sagot ni Marian.

Sasamahan ba siya ni Dingdong?

“May taping siya, e. Ako lang.”

SUPERSTAR IN VIETNAM. Sunud-sunod ang biyahe ni Marian sa ibang bansa na may kaugnayan sa kanyang pagiging TV actress.

Noong first week ng November ay nagtungo siya sa Vietnam para sa meet-and-greet sa kanyang fans doon.

Dito napatunayan na sikat na sikat siya sa Vietnam dahil sa dami ng Vietnamese fans na sumalubong sa kanya sa airport at um-attend ng kanyang fan meet.

Read: Marian Rivera mobbed by fans in Vietnam

Nakangiting sabi ni Marian, “Actually, nakakataba ng puso.

“Kasi, ang unang tanong ko ay kung yung mga tao ba doon ay mga Pinoy… so, hindi pala mga Pinoy.

“Kaya mas lalo akong… parang napakapalad ko para mahalin ako ng mga tao sa Vietnam.”

Ang akala kasi ni Marian ay mga Pinoy na nakatira sa Vietnam ang mga tagahanga niya doon, pero mismong mga Vietnamese pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano ba talaga ng kanyang management team na makilala siya sa international TV scene? O nagkataon lang?

Sagot ni Marian, “Siguro nagkakataon lang na na-nominate ako sa Asian TV Awards.

“Tapos, ayun… hindi ko alam.

“Basta, masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN