Jenny Miller on friend Claudine Barretto: "Sana malagpasan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon."

Jenny Miller on dealing with Claudine Barretto’s mood swings: “Mahirap… mahirap yung mood swing. Kaya kailangan, kapag kasama mo siya, titimplahin mo. Pero napakisamahan ko naman. Nakaya ko naman for, like, ten years.”


Hindi nakaiwas ang character actress na si Jenny Miller sa mga tanong ng press tungkol sa kanyang kaibigang si Claudine Barretto.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jenny sa taping ng afternoon soap ng GMA na Pyra: Babaeng Apoy, noong November 16, sa Quezon City Memorial Circle.

Bagamat nagkaroon na ng pahayag si Jenny tungkol kay Claudine—na lumabas dito sa PEP—ay muli pa rin siyang inusisa tungkol sa kaibigang aktres na patuloy na nasasangkot sa iba’t ibang kontrobersiya.

Read: Jenny Miller on Claudine Barretto-Raymart Santiago split: "Hindi na ako na-shock."



THE BACKGROUND. Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jenny at Claudine nang magkasama sila sa fantaserye ng ABS-CBN na Marina (2003).

Mula noon, nagsanga-sanga na ang buhay nilang magkaibigan.

Si Jenny ang isa sa bridesmaids sa engrandeng Christian wedding nina Claudine at Raymart Santiago, noong March 27, 2006, sa exclusive na Tagaytay Highlands, Tagaytay City.

Naging ninong at ninang naman ni Jenny ang mag-asawa nang ikasal siya sa negosyanteng si Cupid Feril, noong October 22, 2010, sa Santuario de San Jose, Greenhills, San Juan.

Ninang din si Jenny ng dalawang anak nina Claudine at Raymart—sina Sabina at Santino.



THE LAST COMMUNICATION. Ngunit pag-amin ni Jenny, sa kabila ng pagiging malapit nilang magkaibigan, matagal na raw siyang walang komunikasyon kay Claudine.

Aniya, “Last year pa, I think, na last time ko siyang nakita… I think, birthday nila.”

Parehong buwan ng July ang kaarawan nina Claudine at Raymart.

Ano ang nangyari at nawalan sila ng komunikasyon?

Sagot ni Jenny, “Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

“Basta wala, walang communication.

“Hindi naman kasi ako yung… siguro naging busy lang din ako sa work.

“Pero hindi kasi ako yung tipo ng friend na yung ipiprisinta ang sarili.

“Nandito lang naman ako, alam naman nila yun.”

Sino sa kanila ang hindi na sumagot sa text o hindi na tumatawag?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako kasi, hindi ako ma-text, hindi ako matawag na tao.

“Before, ganoon kami.

“Kaya lang, simula nga noong medyo may something sa pagkakaibigan naman…”

May nangyari sa pagkakaibigan nila?

“Meron din, pero hindi na kailangang i-elaborate pa.

“I mean, normal naman na nangyayari sa kaibigan yun, di ba?” sabi ni Jenny.

Hindi rin daw sila aksidenteng nagkikita o nagkasalubong man lang.

Nakikibalita na lang daw si Jenny sa common friends nila tungkol kay Claudine.



REACHING OUT. Ayon kay Jenny, wala siyang tampo kay Claudine. Masaya pa nga raw ang huling pagkikita nila sa party noong isang taon.

Ang tanong: Si Claudine ba ay may tampo sa kanya?

Sagot niya, “Hindi ko alam… sana wala.

“Ako naman, nandito lang for her.”

Sinubukan ba niyang mag-reach out kay Claudine, bilang marami itong pinagdaraanan ngayon?

Ayon kay Jenny, “Kasi, unang-una, nang magkaroon pa lang ng problema ang mga Barretto family, wala pa yung Santiago...

"Mahal ko silang lahat. At saka, ayoko…

"Gulo ng pamilya, ayokong ma-involve as much as possible.

“Umano ako sa isyu, dumistansiya ako.

“Lalo na yung mga bata... sila Julia [Barretto, Marjorie’s daughter], love na love ko yung mga batang yun.

“Tapos, sumama pa itong Santiago family, di ba?”

Kumusta naman sila ni Raymart?

Ayon kay Jenny, “Kami ni Raymart, okay naman.

“Nakasama ko na siya once sa isang party ng common friend namin. Nagkakuwentuhan, pero hindi na ine-elaborate pa.

“Mga patama lang na, ‘O, ano, kumusta na? Tuloy pa ba diyan?’

“’Oo.’ ‘O, bakit hindi na nami-media?’

“’Huwag na, kami-kami na lang,’ sabi naman niya.”

Naramdaman ba niya noon na darating sa ganitong punto ang pagsasama nina Claudine at Raymart?

Sagot ni Jenny, “May mga times na magulo sila, pero siyempre, nagpi-pray ako na sana hindi.

“Siyempre, bakit ka naman mag-iisip ng masama sa kaibigan mo, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE CLAUDINE SHE KNOWS. Ayon kay Jenny, sampung taon na ang pagiging magkaibigan nila ni Claudine, kaya masasabi niyang kilala na niya ito.

Ano ang pagkakakilala niya kay Claudine?

“Mabait na kaibigan—yun ang sasabihin ko.

“Sobrang bait na kaibigan, lahat ibibigay niya sa ‘yo.

“Wala akong masabing nega nga.”

Sa mga lumalabas na isyu ngayon kay Claudine, dapat bang paniwalaan ang mga ito o hindi?

“Kayo!” natatawang pag-iwas ni Jenny.

Inamin mismo ng ina ni Claudine na si Mrs. Inday Barretto na “bipolar” ang aktres.

Nasaksihan ba ni Jenny ang kundisyon na ito ni Claudine?

Sabi niya, “Mahirap… mahirap yung mood swing.

“Kaya kailangan, kapag kasama mo siya, titimplahin mo.

“Pero napakisamahan ko naman. Nakaya ko naman for, like, ten years.”

Napagod na ba siya?

“Hindi sa napagod, pero may ibang priorities na ako ngayon, like married na ako.

“Siyempre, yung oras ko, hindi katulad dati na isang tawag lang niya, nandiyan na agad ako. Ibinibigay ko ang oras ko sa kanya.

“E, ngayon, may asawa na akong kailangang asikasuhin. May asawang nagbabawal na.

“Pero ako, mahal ko siya. Sana alam niya yun.

“At sana, malagpasan niya ang lahat ng pinagdadaanan niya ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN