BIR claims Manny Pacquiao’s frozen bank deposits only amount to P1.1 million.

Panlaban ni BIR Commissioner Kim Henares, hindi raw nakikipag-usap sa kanila si Manny Pacquiao (in photo) kaugnay ng isyu sa pagbabayad ng buwis ng Pambansang Kamao. Saad ni Henares: "Kasi nga ho, dalawang taon na namin siyang inaantay na ipakita niya sa amin yung dokumento ng pagbabayad sa America."


Ang boxing icon na si Manny Pacquiao ang itinuturing na pinakamayamang kongresista ngayon sa Pilipinas.

Nahalal si Manny sa kanyang pangalawang termino bilang representative ng lone district ng Sarangani noong May 2013 elections.

Base sa kanyang nai-file na statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) noong 2012, ito ang mga pagmamay-ari ng Pambansang Kamao:

May kabuuang net worth na nagkakahalaga ng P1,770,566,772; may ari-ariang nagkakahalaga ng kabuuang P2,028,566,772; at may utang na umabot sa P258,000,000.

Sa talaan naman ng celebritynetworth.com, nakuha ni Manny ang ika-walong puwesto bilang pinakamayamang atleta sa buong mundo—sa total net worth na aabot sa US$100M, o halos P4 billion.

Hindi pa kabilang sa naturang datos ang kinita ni Manny sa katatapos lang nitong laban kay Brandon Rios sa Macau, na tinatayang aabot sa $30 million.

Read: Manny Pacquiao to earn as much as $30 million after bout with Brandon Rios, says Arum



MANNY HAS ONLY P1.1M IN TWO BANKS. Ngayong araw, November 26, lumutang ang balitang na-freeze na raw ng mga bangko ang mga pera at ari-arian ni Manny, alinsunod sa utos ng Court of Tax Appeals (CTA).

Hindi raw kasi ito nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) records, umabot na sa halos P2.2 billion ang unpaid taxes ni Manny.

Read: Manny Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court

Kinumpirma naman agad ni Manny na may freeze order nga sa kanyang bank accounts.

Sa pamamagitan ng isang press conference kanina, sinabi ng Pambansang Kamao na dahil sa pagpi-freeze ng kanyang pera sa bangko ay nahihirapan siyang maisakatuparan ang pangakong pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Hindi raw kasi siya makapag-withdraw ni singkong sentimo sa mga bangko.

Sinabi rin niyang mangungutang na lang daw siya upang matupad pa rin ang kanyang pangako.

Read: Manny Pacquiao rues sudden move of gov’t to freeze his bank deposits: "Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ayon sa BIR, P1.1 million lang ang pera ni Manny sa bangko na na-garnish ng ahensiya.

Ang “garnishment,” ayon sa thefreedictionary.com, ay “drastic measure for collecting a debt."

Sa live phone-patch interview ng Aksyon—ang primetime newscast ng TV5—ngayong gabi, November 26, sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares na, bukod sa P1.1 M cash deposit ni Pacquaio sa dalawang bangko, matagal nang inaabisuhan ng BIR ang mambabatas tungkol sa kanyang unpaid taxes.

Maaari kayang i-lift na ang freeze order sa bank accounts ni Manny?

Tugon ni Commissioner Henares, “Noong July pa ho sinulatan namin yung bangko, ‘no.

"At yung mga bangko na sumulat pabalik ay dalawa lang ho.

"Ang sabi nila, may P300 thousand at P800 thousand na pera lang ho si Manny Pacquiao dito sa kanyang bank account.

"So, ang pinag-usapan natin ay 1.1 million pesos.

"So, ibig sabihin, yun lang po ang pera ni Mr. Pacquiao—P1.1 million."

Dagdag pa niya, “So, yun lang ho yung na-garnish, wala na hong ibang amount.

"Ibig sabihin… di ko siya maintindihan—ito lang ho ba yung pera niya, 1.1 million pesos?”

Ayon kay Manny, na-freeze ang kanyang bank accounts at ilang ari-arian. May katotohanan ba ito?

Sabi ni Commissioner Henares, “Meron ho kaming warrant of distraint sa mga ari-arian niya, ‘no.

"Ngayon, dun sa mga bank account, nung July pa ho ito nangyari.

"Hindi na ito bago, July pa ho ito nangyari."

Ayon sa www.ask.com, ang distraint warrant ay "type of warrant which is issued by local governments to secure properties on which back taxes are owed...."

Paliwanag pa ni Henares, “Nagsulat kami sa mga bangko, yung mga bangko lahat, a… thirty-plus yung sinulatan namin, twenty-plus ang sumagot.

"Out of twenty-plus, dalawa lang hong bangko ang nagsabi na may pera siya sa kanila.

"At ito ay P300 thousand at P800 thousand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang pinag-uusapan po natin ay 1.1 million pesos.”

Ito lang ba ang gina-garnish ng BIR?

Sagot ng BIR commissioner, “Yun lang ho, yun ho yung naka-garnish ngayon—1.1 million pesos.”



BIR: "HINDI SILA NAKIKIPAG-USAP SA AMIN." Tanong pa kay Commissioner Henares, baka hindi lang nagkaintindihan ang magkabilang kampo tungkol sa usaping ito?

Depensa naman ng tagapamuno ng ahensiya ng pagbubuwis, “Ay, hindi naman ho sila nakikipag-usap sa amin, e.”

Natatawa pa niyang paliwanag, “Alam niyo ho, yung assessment namin sa kanya is... matagal na ho na inaantay namin ang isa lang hong dokumento na kailangan niyang ipakita sa amin.

"Yun hong dokumento na ipinayl niya sa IRS [Internal Revenue Service] ng Amerika.”

Totoo bang original copy ang hinihingi ng kanilang opisina?

Ayon kasi sa panayam kay Manny, hawak ng IRS ang original copy ng naturang tax payment at kopya lang ang ibinabalik sa taxpayer.

Saad ni Commissioner Henares, “Yung IRS, like everything else, pag-file mo, may stamp naman ’yan.

"Puwede ka namang humingi ng certified true copy, di ba ho?

"Like us, di ba ho kayo, kung kailangan niyo ng dokumento ninyo sa amin, hihingi kayo ng certified true copy sa amin, di ba ho?”



BIR: "SHOW US THE DOCUMENT." Ayon sa kampo ni Manny, may ibinigay naman daw silang photocopy, pero ayaw raw itong tanggapin ng BIR.

Tugon ni Commissioner Henares, “Alam niyo ho, ang ibinigay niya sa amin, e, sulat ni Top Rank.

"E, ano ba ang silbi ng sulat ng Top Rank?"

Ang Top Rank ang boxing company na nangangasiwa ng mga laban ni Manny sa ibang bansa. Ito ay pag-aari ni Bob Arum.

Patuloy pa ng BIR commissioner, "Ang kailangan namin, yung ipinayl niya sa IRS.

"At kung sulat lang din ng ninuman, e, ako, puwede rin akong magsulat na nagbabayad ako ng buwis. Tatanggapin ko ba yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maski kayo, puwede niyo ring sulatin na nagbayad siya ng buwis, tatanggapin ba ng BIR yun?”

Walang katotohanan ang pag-freeze ng P2.2 billion at ilang ari-arian ni Manny?

Tugon ni Commissioner Henares, “May P2.2 billion kaming in-assess sa kanya.

"Kasi nga ho, dalawang taon na namin siyang inaantay na ipakita niya sa amin yung dokumento ng pagbabayad sa America.

"Lahat naman ng ibang tao, meron naman hong nag-earn ng income sa America, bakit sila nakakapag-produce, di ba ho, ng dokumento na nagbayad sila sa America?"

Dagdag pa nito, “E, hindi ko naman maintindihan, e, kung ibang tao nakaka-produce niyan, bakit si Mr. Pacquiao, hindi siya maka-produce?

"Hindi lang naman ho siya ang may income sa America, marami naman na dito sa Pilipinas na may income sa America, na nakakuha sila ng tax credit.”

Ang tinutukoy na tax credit ni BIR Commissioner Henares ay nakasaad sa bilateral tax treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ibig sabihin, ang income tax na binayaran ng isang Pilipino sa U.S. ay maaaring ma-credit sa kanyang income tax liabilities dito sa bansa.



JINKEE’S BANK ACCOUNTS ALSO FROZEN. Ayon sa huling ulat ng Aksyon ngayong gabi, na-stress din daw nang sobra ang maybahay ni Manny na si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao.

Ito ay dahil pati raw ang bank accounts nito ay nai-freeze na rin ng BIR.

Limang buwang buntis si Jinkee sa pang-limang anak nila ni Manny, na magiging bagong kapatid nina Jimuel, Michael, Princess, at Queenie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN