Rayver Cruz keeps mum about what Sarah Geronimo calls her most painful breakup

Halos isang taon na ang nakalilipas mula nang huling magkaroon ng girlfriend si Rayver Cruz. Naging mapili na ba siya pagdating sa babaeng liligawan? Sagot ni Rayver, “Hindi naman, kaso wala pa namang dumarating, e. Hindi ko naman hinahanap yun e, darating na lang yun.”


Matapos ang breakup nila ni Cristine Reyes noong late 2012, wala pang nababalitang bagong nililigawan o kahit man lang nali-link kay Rayver Cruz.

Si Cristine ay nagkaroon ulit ng boyfriend sa katauhan ni Derek Ramsay, bagamat matapos ng halos isang buwan lamang ay naghiwalay rin ang dalawa.

Sa kaso ni Rayver, "single" pa rin daw siya hanggang ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa SunPiology Run noong Saturday, November 23, sa Bonifacio Global City.

Tinanong namin kung bakit hindi pa siya nanliligaw ulit. Naging mapili na ba siya sa bagong mamahalin?

Sagot ng Kapamilya young actor, “Hindi naman, kaso wala pa namang dumarating, e.

"Hindi ko naman hinahanap yun e, darating na lang yun.”

SARAH GERONIMO. Bago naging sila ni Cristine, mainit na pinag-usapan ang relasyon ni Rayver noon sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Pero matapos ang isang taong pagtatago nila ng kanilang relasyon, nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2010.

Sinabi ni Rayver sa kanyang panayam sa YES! Magazine, na lumabas noong early 2011, na hindi normal na maituturing ang naging relasyon nila ni Sarah dahil sa text at skype lang sila nagkaroon ng komunikasyon.

Sa exclusive interview naman kay Sarah ng YES! Magazine, na lumabas rin noong early 2011, sinabi nitong ang hiwalayan nila ni Rayver ang kanyang kauna-unahang "real heartbreak."

Pero sa November 10, 2013, interview ni Sarah sa Buzz ng Bayan, inamin nito na ang kanyang "second breakup," sa lalaking hindi pa rin niya pinangalanan, ang pinakamasakit.

Hindi man tinukoy nang tuwiran, marami ang naniniwalang si Gerald Anderson ang tinutukoy ni Sarah. Si Gerald ang boyfriend ngayon ni Maja Salvador.

Read: Sarah Geronimo reveals second breakup was more painful than the first.

Ano ang reaksiyon ni Rayver dito?

Natatawang tugon niya, “A, teka lang. Wala akong masasabi, e!

“Hindi ko na kasi iniisip yun e.

"Si Matteo yung dapat tinatanong sa mga ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nang sumunod pang sinabi si Rayver at itinuro niya sa PEP si Matteo Guidicelli, na nasa kabilang dulo ng mesa ng aming interview area.

Pero ngumiti lamang ang racer-model turned actor sa amin, hudyat ng pagsasabing ayaw niyang magsalita.

Si Matteo ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Sarah, at bagamat hindi pa nila ito inaamin sa publiko, sinabi na ng ilang mapagkakatiwalaang sources ng YES! Magazine na sila na nga ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN