Sam Milby on drunken, slapping incident involving ex-girlfriend Anne Curtis: "I admire her courage for admitting her fault."

Sam Milby on ex-girlfriend Anne Curtis: "She’d done what she can—ask for forgiveness. At ang daming nagmamahal sa kanya. She has many supporters, so many people that love her. And I think, yes, it would pass.”


Bagamat halos limang taon na ang nakalilipas mula nang mag-break sila, hindi pa rin maiwasang matanong sina Sam Milby at Anne Curtis tuwing may isyu ang isa sa kanila.

Kagaya na lamang sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Anne.

Lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 1, ang insidente kung saan gumawa ng eksena si Anne sa isang luxury bar sa The Fort, Taguig City, noong madaling-araw ng November 30.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Inamin naman ni Anne, sa kanyang Twitter account, ang insidente kung saan nalasing at nanampal siya.

Kasama sa tatlong taong sinampal ni Anne ang kapwa niya Kapamilya star na si John Lloyd Cruz.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

NO COMMENT. Kaninang tanghali, December 2, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Sam, sa presscon ng Metro Manila Film Festival 2013 entry na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Ginanap ang press conference sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang press sa pagtatanong kay Sam kung ano ang reaksiyon nito sa insidenteng kinasangkutan ni Anne.

Ayon sa Fil-Am actor-singer, kaninang umaga lang niya nalaman ang tungkol dito.

“Kanina lang, narinig ko yung balita… kung ano ang nakalagay sa Internet, yun ang nakita ko.”

Ngunit naging maingat si Sam sa pagsagot sa mga tanong ng press.

Aniya, “Honestly, I don’t wanna give a comment. Wala ako dun sa event.

“And, you know, all I know is what you guys know.

“I don’t think it’s right for me to comment on the issue, kasi hindi naman ako kasali.

“It’s better to… no comment na lang.”

Ngunit hindi pa rin tinantanan ng mga tanong si Sam tungkol sa dating kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-alala ba siya para kay Anne?

Natatawang sagot ni Sam, “Like I’ve said, I only heard it kanina.”

Noong nalaman niya ang isyu, ano ang kanyang naging reaksiyon?

“Ayoko nang mag-comment, e,” iwas pa rin niya.

“I’d rather not comment kasi, yun nga, I know how showbiz is.

“If you make a comment, they may blow it out of proportion.

“So, for me, it’s better not to be part of it at all.

“I’d rather not comment.”

THE ANNE HE KNOWS. Bilang ex-boyfriend ni Anne, isa si Sam sa nakakakilala nang husto sa aktres.

Kaya tinanong si Sam kung may tendency bang maging pisikal ni Anne kapag nakakainom ito ng marami. O kung kaya nitong magbitiw ng mga salitang tulad ng “I can buy you…”

Sabi ni Sam, “Yung past namin, I wouldn’t want to share din.

“The things that we’ve been through, matagal na rin kami, but sa amin yun.

“I mean, whatever I experienced, whatever we experienced, that’s a long time ago naman.

“And sa amin yun. I’d rather not share.”

Pero masasabi niya bang nahusgahan agad ng iba si Anne dahil sa nangyari?

“I think that’s what always happens.

“I’m not just talking about this incident. I think, with anything, especially yung status niya and people that are with high status, I think the people are quick to judge.

“I mean, that’s how it always is.”

Giit pa rin ni Sam, “But I don’t want to comment.

“Wala ako dun. I’m not involved. I didn’t see it. I don’t know.

“I just learned about it kanina. So, ayoko munang mag-comment.”

Na-shock ba siya?

“Of course, yes… I was shocked.”

THIS TOO SHALL PASS. Kung bibigyan niya ng advice si Anne, ano ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sam, “I don’t think I can give advice.

“You know, she’s been in this business even longer than me.

“Obviously, it’s something that would pass.

“With all the support that she has with all her friends, all her followers, I’m sure it’s something Anne will go through.

“And I admire her courage for admitting her fault din.”

Bilang isang artista, aminado si Sam na kailangan niyang maging maingat sa mga ginagawa niya, lalo na kung nasa pampublikong lugar siya.

“You’re always aware naman.

“Siyempre, lalo na kapag maraming bata that are looking up to you.

“But, yun nga, I think, there’s a lot of people that hold an image about you.

“And when you make a mistake, they are quick to judge.

“And people should remember that we’re all human and we make mistakes.”

Hindi naman naniniwala si Sam na ang pangyayaring ito ay makakaapekto sa imahe o sa magandang takbo ng career ni Anne ngayon.

“Ako, hindi,” sabi niya.

“I think, like I said, I think that, you know, she admitted her mistake.

"She’d done what she can—ask for forgiveness.

“At ang daming nagmamahal sa kanya. She has many supporters, so many people that love her.

“And I think, yes, it would pass.”

PAST IS PAST. Natawa naman si Sam sa tanong kung noong sila pa raw ba ni Anne ay umiinom din sila at kung ano ang madalas nilang inumin.

Sabi niya, “Kung anuman ang past namin, that was a long time ago—four years ago.

“Parang hindi naman kailangang i-bring-up ang past namin.

“Whatever happened then, yung mga personal na relationship namin, hindi naman kailangang i-share ngayon.”

Diretsuhan namang tinanong si Sam kung nasampal na ba siya ni Anne, kahit pabiro lang, at kung ano ang pakiramdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “No… sa teleserye taping lang.

“Sa totoong buhay, hindi pa.”

Okay naman daw sila ni Anne ngayon at may pelikula nga raw silang gagawin na magkasama sila.

Ayon pa kay Sam, hindi naman niya nakikita na kailangan niyang i-text o tawagan ang ex-girlfriend para kumustahin.

“Well, we’re not close. We don’t text, we don’t…

“Siyempre, I mean, we have a movie together.

“We don’t keep in touch. Pero pag start ng movie, doon kami magkikita.

“We don’t keep in touch, like kamusta ka, wala.”

May mga pagbabago ba siyang nakikita ngayon kay Anne kumpara noong sila pa?

Sagot ni Sam, “I saw lots of changes in the last years—in a good way.

“We both matured. She really matured and grown as a person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN