Vice Ganda, Luis Manzano stand by Anne Curtis amidst controversy: "We are all here behind you."

Luis Manzano (left) tweets an encouraging message to Anne Curtis (right), who has been getting flak after word got out about her recent scandal in a posh bar in Taguig City. "We are just human and we all have our moments of weakness Nippy. We are all here behind you... It takes guts to admit our mistakes and apologize to parties involved and you did. Learn and rise from the experience. We love you! :)"


Hanggang sa kasalukuyan ay inuulan ng batikos si Anne Curtis matapos lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa “drunken, slapping incident” na kinasangkutan ng aktres sa isang high-end bar sa The Fort, Taguig City, noong November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all in the same day

Inamin ng aktres na may ganun ngang insidenteng nangyari sa inilabas niyang official statement sa kanyang Twitter account kagabi, December 1.

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Anne, lalo na sa kanyang fans, dahil sa inasal niya.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Kaninang tanghali, December 2, inabangan ng marami kung magbibigay ng pahayag si Anne sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, kung saan isa siya sa mga host nito.

Ito ay sa kabila ng pahayag niyang hindi na siya magsasalita pagkatapos ng kanyang tweet.

Sa kabuuan ng programa ay walang direktang pagbanggit si Anne at ang kanyang co-hosts sa nangyaring insidente.

Ngunit kapansin-pansin ang kakaibang aura ni Anne kumpara nung mga nakaraang araw.

Imbes na short shorts ay naka-pantalon siya, imbes na very sexy blouse ay naka sleeveless covered top siya.

Ngunit ang masiglang bati ng aktres sa simula ng programa ay: “Isang masaya at moving on na tanghali sa inyo my super-sexy madlang people!”



VICE GANDA TO THE RESCUE. Todo-suporta naman kay Anne ang mga kasamahan niya sa noontime show, sa pangunguna ng malapit niyang kaibigan na si Vice Ganda.

Bago sumalang sa stage si Vice ay nag-post pa siya ng mensahe sa Twitter, kung saan inihayag niya ang pagsuporta para sa aktres.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Vice ngunit malinaw na si Anne ang kanyang tinutukoy sa tweet na ito:

Sa programa, ipinaliwanag ni Vice na hindi siya dapat papasok ngayong araw, dala ng sobrang pagod sa sunud-sunod niyang trabaho kahapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sorry po, masama kasi ang pakiramdam ko. Sobrang pag-aabuso ng katawan ang ginawa ko kahapon.

“Nag-perform ako sa Enchanted [Kingdom], nag-shooting, tumakbo ako ng Bulacan… nangarag po ako talaga.

“I’m not supposed to be here today, but I have to be here,” sabi niya.

Walang anumang binanggit si Vice tungkol sa insidenteng kinasangkutan ni Anne.

Ngunit kapansin-pansin na todo-alalay at mahigpit na niyakap ng comedian si Anne, bilang tanda ng pagsuporta niya sa aktres.

“Uy, love ko ‘yan!” ang simpleng sabi ni Anne patungkol sa pagsugod ni Vice sa It’s Showtime, sa kabila ng dapat sana’y leave of absence nito.

KIND WORDS FROM KUYA KIM. Maging si Kim Atienza—o mas kilala bilang Kuya Kim—ay nagpahayag din ng pag-alala para sa co-host na si Anne.

Ni-retweet pa ni Kuya Kim ang apologetic tweet ni Anne kagabi.

Sinabi rin nitong hindi nagbago ang pagtingin niya kay Anne kahit pa marami ang nadismaya sa ginawan ng aktres.

BEST FRIEND LUIS. Ang itinuturing namang best friend ni Anne na si Luis Manzano ay hindi rin nakapagpigil na magpaabot ng mensahe para sa aktres, via Twitter.

Hanga raw ang actor-TV host kay Anne dahil sa lakas ng loob nitong harapin ang kanyang pagkakamali at humingi ng tawad mula sa mga taong nasaktan nito.

Iginiit din ni Luis na ang mahalaga ay natuto ang aktres mula sa karanasan nito.

NO WORDS FROM JL AND PHOEM. Samantala, wala pang naririnig mula sa kampo ng aktor na si John Lloyd Cruz at sa model-TV host na si Phoemela Baranda kaugnay ng insidenteng ito.

Kabilang sina John Lloyd at Phoemela sa pinagbuntunan ng galit ni Anne noong madaling-araw ng November 30.

Sinampal ni Anne si John Lloyd, at pinagsalitaan naman nito nang masakit si Phoemela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN