Iwa Moto wants to settle breach-of-contract case with GMA; plans showbiz comeback in 2014

Gusto nang makipag-ayos ni Iwa Moto kaugnay ng kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng GMA Network. Sabi niya, "Siguro mag-iipon lang ako ng lakas ng loob. Gusto ko, handa rin ako sa matatanggap ko sa kanila. Gusto ko na rin itong maayos, kasi ayoko ng may masamang tinapay dahil yung GMA-7, pamilya ko ‘yan.”

.


Magpapayat na lang nang kaunti at maaari nang bumalik sa showbiz si Iwa Moto.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Iwa sa The Library Comedy Bar, sa Malate, noong November 26, sinabi nitong 40 lbs. na ang nawala sa kanya at tuluy-tuloy pa rin ang pagpapapayat niya.

Matagal-tagal ding nagpahinga sa showbiz si Iwa mula nang magbuntis at isilang niya ang anak nila ng kasintahang si Pampi Lacson.

Nanganak si Iwa noong September 23 ng taong kasalukuyan.

Read: Iwa Moto and Pampi Lacson welcome their baby girl Eve



PROBLEM WITH GMA. Inaasahan ng StarStruck alumna na early 2014 ay makakabalik na siya sa showbiz dahil nami-miss na raw niya ang pag-arte.

Ang problema lang, wala pa siyang siguradong network na mapupuntahan dahil ongoing pa ang kasong breach of contract na isinampa laban sa kanya ng GMA.

Read: PEP EXCLUSIVE: Iwa Moto hurt by breach of contract case filed against her by GMA-7; claims she has no contract with TV5

Sabi ni Iwa tungkol dito, “Di ba, ‘yan yung lumabas ako sa TV5?

“Remember, eight months nila [GMA] akong hindi binigyan ng trabaho?

“So, for survival lang, nagtrabaho ako sa iba.

“Pero nung sinabi nilang tumigil ako, tumigil naman ako.

"Pero itinuloy pa rin nila yung demanda.

“That time, parang patapos na rin yung kontrata ko, mga three months na lang yata tapos na.”

Paano siya babalik sa showbiz kung mayroon siyang demanda?

Sagot ni Iwa, “Hopefully, maayos lang sana. Kasi misunderstanding lang naman.

“Three months na lang, tapos na yung contract ko.

“Hindi pa lang ako nare-release nang pormal nung lumabas na ako sa kabila [TV5], kaya parang sumama ang loob nila sa akin.

“Maybe, time will tell kung kailan maayos. Hopefully, maayos.

“Ngayon, kung hindi, e, di housewife.”

TURNING HER BACK ON SHOWBIZ. Handa siyang talikuran ang showbiz kung hindi maaayos ang kaso niya sa Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktres, “So far naman, kahit nung may case ako, lumalabas naman ako sa TV5…

“So, sana lang nga maayos para makapagtrabaho na ako.”

May mga kaibigan pa rin naman daw si Iwa sa GMA na nakakausap niya.

Gusto rin daw niyang makausap ang higher executives ng network para makipag-ayos siya sa mga ito.

Sabi ni Iwa, “Wala ako dito kung hindi dahil sa kanila.

“Kung utang na loob lang ang pag-uusapan, sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila.

“I wouldn’t be who I am today kung hindi dahil sa kanila.

“Pero hindi ko lang alam kung kailan.

“Siguro mag-iipon lang ako ng lakas ng loob. Gusto ko, handa rin ako sa matatanggap ko sa kanila.

“Gusto ko na rin itong maayos, kasi ayoko ng may masamang tinapay dahil yung GMA-7, pamilya ko ‘yan.”



ACTING IS HER PASSION. Napag-usapan ba nila ni Pampi ang posibilidad na pagbabalik ni Iwa sa showbiz?

Tugon ni Iwa, “Oo… actually, ayaw na niya.

“Kasi nga raw, magulo yung buhay doon [showbiz].

“Kaya lang, sabi ko sa kanya, parang it’s a part of me na hindi puwedeng tanggalin.

“Habang buhay ko nang yayakapin itong mundong ito dahil passion ko talaga ang umarte.

“Sabi niya, basta iba na ngayon. Siyempre, iba na ngayon.

“Yung mga priorities ko, dapat i-set ko raw.

“So, kung lalabas ako, baka guesting-guesting lang muna.

“Ang liit pa ni Baby, so hindi pa siya talaga puwedeng iwan.”

Tatlong buwan pa lamang ang anak nina Iwa at Pampi na si Eve.

Hindi kaya maging dahilan ng misunderstanding o problema sa pagsasama nila ni Pampi ang pagbabalik ni Iwa sa showbiz?

Sabi ng StarStruck alumna, “Hindi. Sabi naman niya, naiintindihan naman niya, e.

“Kasi nga, passion ko na ito, e.

“Parang hindi mo na puwedeng tanggalin ito sa akin dahil eto na ang nakasanayan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang gawin ko na lang, mag-adjust na lang ako, not for him…

“Hindi naman siya humihingi para sa kanya, kundi para raw sa mga bata.”

Sa kanyang pagbabalik, hindi na ba siya magpapa-sexy?

Nakangiting sabi ni Iwa, “Actually, nasabi ko na rin ‘yan.

“Sabi naman niya sa akin, okey lang na mag-FHM ako or mag-sexy ako, basta magpapayat lang daw ako.

“Sabi nga niya, ‘Magpapayat ka kung gusto mong bumalik doon. Paano ka babalik kung hindi ka babalik?’

“Supportive naman siya sa lahat. Okey lang naman sa kanya.

“Pero kung siya nga lang daw ang tatanungin, gusto niya plain housewife na lang daw ako.

“Pero kung gusto ko raw talaga, hindi niya ako pipigilan.

“He is not that guy na… siya ang tipo ng lalaki na kahit anong desisyon mo, as long as nakikita ka niyang masaya ako at wala akong ginagawang masama, okey lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN