Anne Curtis and Privé co-owner JM Rodriguez "hug and make up"

"My good friend, Anne Curtis." This was how Privé co-owner JM Rodriguez introduced actress Anne Curtis in a corporate event earlier tonight, December 3. Anne made a scene at Privé last week when she slapped three people, including actor John Lloyd Cruz.


Tila naayos na ang gusot sa pagitan ng aktres na si Anne Curtis at ng host na si JM Rodriguez.

Sa Twitter ngayong gabi, December 3, may mga nag-post ng litrato nina Anne at JM, habang magkayakap, sa Dealer’s Night ng ineendorso ng aktres na Cherry Mobile.

Ayon sa kuwento ng nag-post ng larawan, isa si JM sa hosts ng event at siya ang nagpakilala kay Anne.

Ganito raw ang pagpapakilala ni JM kay Anne: "My good friend, Anne Curtis."

Pagkatapos daw ay mahigpit na nagyakapan ang dalawa sa stage.

Si JM ang part-owner ng Privé Luxury Club, ang lugar kung saan nangyari ang slapping incident na kinasangkutan ni Anne noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Tumangging magbigay ng detalye si JM tungkol sa insidenteng kinasangkutan din ng aktor na si John Lloyd Cruz at ng model-host na si Phoemela Baranda.

Sabi ni JM sa official statement na inilabas niya sa media kahapon, December 2:

"Privé is a club that respects the privacy of all the celebrities, models, VIPs that patronize our establishment. This is why we are called PRIVÈ. So this is the last we will comment on the matter. Because as mentioned the incident happened almost half a month ago and all parties have settled their issues privately."

Isang araw pagkatapos maglabas ng statement ni JM ay nagkita nga sila ni Anne sa isang event ngayong gabi.

At bilang patunay ng pagkakaayos nila, ibinahagi ni JM ang larawan nilang ito ni Anne na kuha mula sa event:

May caption ito na: “Celebrating Cherry Mobiles success with my friend Anne Curtis!”


Tinatantiya namang natutuwa ang Viva, ang management company na namamahala sa career ni Anne, sa nangyaring corporate event.

Isa sa dalawang pinakamalaking celebrity endorsers ng Viva si Anne—ang isa pa ay si Sarah Geronimo—at alam ng kumpanya na ang kinasangkutang slapping incident ni Anne ay maaaring makalamat sa endorsement attractiveness ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



APOLOGY ACCEPTED. Sa report na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, December 1, idinetalye ni JR Isaac, editor at publisher ng Circuit Magazine, ang mga kaganapan sa Privé noong madaling-araw ng Sabado, November 23.

Dito ay sinampal ni Anne si JR, ang kaibigan nitong si Leah de Guzman, at ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Nakatikim naman ng masasakit na salita si Phoemela Baranda mula kay Anne: "I can buy you, your friends, and this club!"

Sa isang punto ay sinabihan din ni Anne si JM ng: “You know, this is the worst club to have a party!”

Sagot naman ni JM: “We took care of you here. We took care of your party. How dare you say this!”

Sa VIP area ng Privé idinaos ang bacholerette party na inorganisa ni Anne para sa isang kaibigan niyang ikakasal.

Noong November 23 ng hapon, o ilang oras pagkatapos ng insidente, nagpadala ng text message si Anne sa ilan sa mga taong naperhuwisyo niya at humingi ng paumanhin.

Isang linggo ang nakalipas bago unang lumabas ang balita tungkol sa insidenteng ito dito sa PEP noong December 1.

Noong araw ding iyon, naglabas ng official statement si Anne sa kanyang Twitter account.

Dito ay inamin niya ang nangyaring insidente at humingi ng pang-unawa sa inasal niya.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN