KC Concepcion on being dragged into Anne Curtis controversy: "Next time, please get the facts straight before you disturb someone else’s peace."

Pati si KC Concepcion ay nadawit na rin sa slapping incident ni Anne Curtis. Ito ay matapos mag-post ni KC sa kanyang Instagram ng larawan ng iniinom niyang juice bilang bahagi ng kanyang juice cleanse diet. Hinala ng ilan, patama raw ito sa sinabi ni Anne. Ngunit mariin itong pinabulaanan ni KC sa kanyang tweets kaninang madaling-araw, December 4.


Binuweltahan ni KC Concepcion ang ilang netizens na nag-uugnay sa kanyang Instagram post tungkol sa juice cleanse diet sa kinasangkutang slapping incident ni Anne Curtis.

Sa official statement kasi ni Anne tungkol sa insidente ay may nabanggit siyang "super popular juice cleanse":

"Now... I had been on the super popular juice cleanse for 3 days & attended my best friends bachelorette that night, had one too many drinks which led to some of these unfortunate events. That’s why they say ’Drink in moderation’ I will charge it to experience & a lesson learned."

Ang ibig sabihin ni Anne ay nakaapekto ang pagdyu-juice cleansing at ang pag-inom niya ng sobrang alak sa insidenteng kinasangkutan niya noong madaling-araw ng November 23, sa Privé Luxury Club.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life.

Ilang oras pagkatapos lumabas ng official statement ni Anne sa Twitter, noong December 1, nag-post naman si KC ng larawan ng juice drink na iniinom niyang bahagi raw ng kanyang juice cleanse diet.

Ang juice cleanse ay isang uri ng diet kung saan juice mula sa prutas at gulay lamang ang iinumin sa loob ng ilang araw. Maliban dito ay wala nang ibang kakainin.

Ito ang caption ng Instagram post ni KC: "Para sa akin, nakaka GOOD MOOD ang juice clease! Be happy, my sweet & beautiful followers."

Mabilis namang iniugnay ng ilang netizens ang Instagram post na ito ni KC sa paliwanag ni Anne tungkol sa pagsasailalim niya sa juice cleanse diet.

Lalo pa itong nabigyan ng kulay nang lumabas sa isang gossip website ang artikulo na may titulong "Insta Scoop: KC Concepcion Contradicts Anne Curtis’ Claim on Cleansing Diet"

Pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang komento ng Instagram users sa post ni KC, at marami ang nagsabing patama ito kay Anne.

Pagtatanggol naman ng mga tagasuporta ni KC, walang ibig pakahulugan ang ipinost ng actress-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng mga ito, bago pa pumutok ang insidente tungkol kay Anne ay nagpo-post na si KC ng mga may kinalaman sa juice detox.



KC ANSWERS. Kaninang bandang ala-una ng madaling-araw, December 4, Miyerkules, dalawang beses nag-post ng mensahe si KC sa kanyang Twitter account (@kc_concepcion).

Ito ay bilang sagot sa paratang na pinatatamaan niya si Anne Curtis sa kanyang Instagram post.

Narito ang tweets ni KC:

"Some people are really good at stressing themselves out. Ang mga bagay na walang connect, kinoconnect. Ending sila ang #haggard."

"Note to #assuming & overprotective individuals... Next time, please get the facts straight before you disturb someone elses’s peace. Thank u."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN