Rachelle Ann Go sacrifices her career in the Philippines for Miss Saigon

Sa pagpili sa kanya ni Cameron Mackintosh na makasama sa London cast ng Miss Saigon, handa raw si Rachelle Ann Go na isakripisyo ang career niya sa Pilipinas. Sabi niya, “Experience yung talagang nangingibabaw sa akin, hindi rin ako ma-material, it’s not about the money. Kahit walang suweldo, pupuntahan ko ‘yan… Investment ‘yan, e, mamumuhunan ako para lang magawa ‘yan.”


Kung hindi dahil sa Twitter, kakaunti lang ang makakaalam na kasama pala sa West End revival ng Miss Saigon si Rachelle Ann Go.

Unang kumalat ang balita sa social media nang batiin ni Lea Salonga si Rachelle sa pagkakasama nito sa cast.

Read: Rachelle Ann Go makes it to Miss Saigon West End revival

November 2012 nang unang nag-audition si Rachelle para sa Miss Saigon dito sa Manila.

Pero nitong October lang ng taong kasalukuyan siya nakatanggap ng e-mail mula sa committee ng musical.

Pinalipad siya noong first week ng November sa London upang sumalang sa final audition para sa final casting.

Paliwanag ni Rachelle tungkol dito, “Siyempre, bawal po kasi talaga sabihin.

"So, sinasabi ko lang talaga na nagbakasyon lang po talaga ako.

“Pero ang totoo niyan, nag-audition po talaga ako para sa final casting.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle noong nakaraang linggo.


THE GOOD NEWS. Paano niya natanggap ang balita na kasama siya sa final cast?

Ani Rachelle, “May phone call po the day after the audition, they called me, tapos sinabi po nila.”

Noong tawagan ba siya ng Miss Saigon production, alam na niya ang role na ibibigay sa kanya?

Tugon ng Viva artist, “Opo, kasi bago po ako lumipad patungong London, sinabi na naman nila yung offer, e, para ready na ako sa mga kakantahin ko.”

Kuwento pa niya, “Noong last level ng audition namin dito, kinuhanan lang kami ng video, kumakanta, umaarte lang kami.

“Tapos, iyon lang yung pinanood ni Mr. Cameron Mackintosh [producer ng Miss Saigon]—yun ang naging basehan nila.”

Ano ang sinabi ng casting group kung bakit siya ang napiling mapasama sa cast, gayong na-audition na ang iba?

Sabi niya, “Unang-una po, Kim yung sa form… basta, may form na finill-up-an [fill up] at saka yung mga songs ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And in-explain rin nila kung bakit ganoon yung role na ibinibigay nila. Tapos pinaaral din nila yung kay Gigi.”

Hindi ba siya na-disappoint na hindi napunta sa kanya ang lead role na Kim?

Sabi ni Rachelle, “Well, at first, gusto ko po talaga ng Kim noon pa, noong pumunta sila dito.

“Pero ang tagal po ng ano, e, wala pong nabalitaan—almost one year na.

“Nawalan na ako ng pag-asa, ‘Ay, wala na talaga.’

“Kumbaga, parang sabi ko sa sarili ko, hindi na ito para sa akin.

"Itinigil ko na yung prayers na yun na para talagang hindi sa akin ito.

“Ayun, nagulat na lang ako na merong ganoon...

“Hindi na rin po ako nag-expect, kasi malaking bagay na yun sa akin, sobrang laking bagay na yun sa akin.”

Posible bang gawin siyang understudy para sa role na Kim?

Sabi ni Rachelle, “Hindi ko alam, e.

"Basta ako, focused ako sa kung ano ang ibibigay sa akin.

“Meron rin silang pinapaaral na ibang songs, pero doon ko malalaman sa rehearsal kung matutuloy.

“Magpu-focus muna ako sa kung anong role na ibibigay—I’m happy.”


LEAD ROLE. Ano naman ang masasabi niya sa pagkakapili kay Eva Noblezada, isang Filipino-American, upang gumanap na Kim?

Sagot ni Rachelle, “E, yun po talaga ang kailangan, e.

"And she’s 17 [years old] and another Pinoy, kaya I’m very proud—so exciting.”

Ang mga kasamahan ni Rachelle sa GMA Network na nag-audition at nakaabot hanggang sa final callback ay sina Frencheska Farr at Aicelle Santos.

Ano naman ang nararamdaman niya sa hindi pagkakapili kina Frencheska at Aicelle?

Sabi niya, “Ay, okey lang po yun.

“Kasi ako, kumbaga, may ginagawa rin si French, dahil may musical din siya dito [Grease].

“And I’m happy dahil sinubukan din nila.

“Kami naman, hindi talaga kami nag-i-expect, dahil yung makasama ka lang sa final level sa audition dito, okey na kami doon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kumbaga, ako, happy na ako sa mga nangyayari ngayon.”



LIFE-CHANGING. Hindi lang kantahan at sayawan ang aasahang mapapanood sa Miss Saigon. May mga sexy outfits ding isusuot ang mga magsisiganap dito.

Napili si Rachelle na gampanan ang papel ni Gigi, isang bar girl na unang ginampanan ng singer at stage actress na si Isay Alvarez.

Handa na ba si Rachelle sa pagpapa-sexy?

Sagot niya, “Wala namang magbi-video doon, wala naman akong choice.

"It’s just a character—iba ang theater sa ganito at sa TV.”

Magtu-twenty-eight years old na si Rachelle sa susunod na taon.

Nararamdaman niyang magkakaroon pa ng ibang pagbabago sa kanyang buhay pagpunta niya sa London.

“Feeling ko, magkakaroon ako ng British accent, chos!” biro niya.

“Marami akong matutunan for sure.

"Excited ako mag-mature ako doon... first time kong mag-isa.

"Magiging independent ako.

"Saka yung disiplina... iba kasi yung disiplinang makukuha sa teatro.”

Tinawagan o personal ba silang nagkausap ni Lea o ni Isay para bigyan siya ng advice sa pagtira sa London?

“Si Ms. Lea, nagkita po kami sa isang concert, nagkausap po kami.

“Binigyan niya ako ng advices. Sabi niya, enjoy raw.

"Sabi pa niya, sobra raw po siyang happy for me… dami niyang advices.

“Si Ms. Isay po, sa Twitter, minessage po niya ako.

"Sabi ko nga, ’Hindi ko po yata kayang mag-two-piece.’

“Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’ Kailangan ko pa ‘ata ng abs.

"Sabi niya, enjoy-enjoy lang daw.”

Kinakabahan ba siya sa pag-alis niya?

“Sino ba naman ang hindi kakabahan? Kumbaga, bagong mundo, e.

“Bilang mag-iisa ako doon, tapos malayong mundo pa.

“Yung two-piece, wala naman tayong choice, trabaho lang ‘yan.”

Biniro namin si Rachelle na tiyak na magkakaroon na siya ng boyfriend sa London.

“Ha? Anong sabi mo, boyfriend? Hindi ko alam, tingnan natin!” tawa niya.


IMMEDIATE PLANS. Isang taon mawawala ng Pilipinas si Rachelle, pero sinabihan na raw siya ng Kapuso network na hihintayin ang kanyang pagbabalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw munang isipin ni Rachelle kung ano ang susunod niyang gagawin.

“Sa ngayon, magpapa-abs muna ako,” masaya niyang sabi.

Worth bang iwanan ang trabaho niya rito, na kumikita siya ng malaki, para sa Miss Saigon?

Sabi niya, “Ayokong mag-compare, kasi experience yung talagang nangingibabaw sa akin, hindi rin ako ma-material, it’s not about the money.

“Saka kahit walang suweldo, pupuntahan ko ‘yan… investment ‘yan, e, mamumuhunan ako para lang magawa ‘yan.

“Dyusko, ang dami na nilang naikot!

"So sobra akong blessed talaga, hindi ko na po hihindian ‘yan!”

Ano naman ang mensahe ni Rachelle sa mga tao o sa mga kasamahan niyang hindi pinalad na mapili sa Miss Saigon?

“E, ganoon po talaga.

"Nanggaling rin po ako diyan.

“Hindi naman po lahat ng mga pinasukan ko or yung mga in-audition-an ko, nakuha ako.

“Siguro po, pana-panahon lang po talaga.

"This, blessing po ito ni God, dito talaga ako dinadala kaya thankful po ako.

“Huwag lang mawalan ng pag-asa. Ilang taon din naman po ako sa industry.

“Prayers lang po talaga kung ano ang destiny or will ni God para sa atin,” saad ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN