Manny Pacquiao willing to negotiate with BIR

Pinangangambahan daw ng boxing champ na si Manny Pacquiao na baka hindi siya makapagbigay ng Christmas bonus at sahod sa kanyang mga tauhan at congressional staff. Kasama raw kasi sa na-garnish ng BIR ang account niya sa Landbank, kung saan pumapasok ang pampasuweldo sa kanyang mga tauhan sa mababang kapulungan ng Kongreso.


Bukas daw ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na makipag-usap sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng diumano’y unpaid taxes niya na umabot sa P2.2 billion.

Ito ay nag-ugat sa hindi raw pagbabayad ng tamang buwis ng Sarangani representative noong 2008 at 2009 sa mga laban nito sa Amerika.

Nitong mga nakalipas na araw, umiwas si Manny na pag-usapan ang isyu dahil gusto raw niyang mag-focus sa kanyang relief operations sa Samar at Leyte—dalawa sa pinakaapektadong lalawigan nang nanalasa ang bagyong Yolanda.

Nagsimula ang relief operations ni Manny noong Sabado, November 30, at nagtapos ito kahapon, December 3.

Sa pahayag ni Manny sa panayam ng 24 Oras kagabi, December 3, gusto na raw niyang maayos ang problemang ito sa kagawaran ng pagbubuwis.

Aniya, “Wala namang problema… Pag-usapan lahat ng problema, wala namang problema na hindi nasolusyunan at pag-usapan.

“Willing naman, willing naman.

"Walang problema, anytime.”

Sa kabilang banda, bukas din daw si BIR Commissioner Kim Henares na makipag-usap kay Manny.

Sabi ni Henares sa 24 Oras, “Lahat ng nangyayari e puro ho sa presscon na nakukuha, ‘no. Hindi naman ‘yan official communication.

“Kung gusto niyang makipag-usap sa amin, e, di tumawag siya sa opisina namin.”

CHRISTMAS BONUS. Sa kasalukuyan ay naka-freeze ang bank deposits ni Manny, alinsunod na rin sa pag-uutos ng BIR.

Bunsod nito, pinangangambahan daw ni Manny na baka hindi siya makapagbigay ng Christmas bonus at sahod sa kanyang mga tauhan at congressional staff.

Kasama raw kasi sa na-garnish ng BIR ang account niya sa Landbank, kung saan pumapasok ang pampasuweldo sa kanyang mga tauhan sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Dito rin daw sa account na ito pumapasok ang pondo ng mga iskolar ni Manny at panggastos sa kanyang opisina.

Saad pa ng Pambansang Kamao, “Basta ano, ma-grant ng Court of Appeals [CA] yung request namin na i-lift yung garnishment.

“Malungkot talaga kami, e, malungkot din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ano’ng gagawin namin?”

Sa naunang ulat, sinabi ng BIR na dalawang bank accounts lang ng People’s Champ ang kanilang na-freeze.

Isa dito ay may laman na P300,000 at ang isa naman ay P800,000.

Sa kabuuan, P1.2 million lamang daw ang na-freeze na bank deposits niya.

Read: BIR claims Manny Pacquiao’s frozen bank deposits only amount to P1.1 million



ARUM VS. HENARES. Kaugnay pa rin ng tax isssue ni Manny, sinagot ni BIR Commissioner Henares ang hamon ng boxing promoter na si Bob Arum na ipadala ng BIR sa Amerika ang pinakamagaling na ahente nila upang i-audit ang mga kinita ng 8th-time world boxing champion.

Dagdag pa ni Arum, sasagutin niya ang gastusin sa biyahe ng mga ito.

Read: Bob Arum on Manny Pacquiao’s tax issue: “What they’re doing to Manny is absolutely outrageous and it’s politics at its worst.”

Tugon ni Commissioner Henares sa hamon ni Arum, walang dahilan upang pumunta pa ang BIR sa Amerika.

Hindi naman daw si Arum ang kanilang inu-audit, kung hindi si Manny.

Iminungkahi rin ni Henares kay Arum na huwag nang palabuin pa ang isyu at hayaan na lang ang kampo ni Pacman na makipag-usap sa kanila, upang mas madaling masolusyunan ang problema.

TAX AMNESTY. Sa pulong-bayan naman ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon, December 3, tinanong sa kanya ang tungkol sa posibilidad ng pagbibigay ng tax amnesty para kay Manny.

Sa pahayag ng Pangulo, hindi maibibigay sa mambabatas ang tax amnesty.

Paliwanag ni PNoy, “If you are guilty of a particular crime, you have to exhibit a degree of remorse.

“But at this point in time, he says that he has complied with all the requirements, so I think this is crossing the bridge that is too far away.”

Kailangan din daw aprubahan pa ng Kongreso ang usapin tungkol sa isang tax amnesty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN