Miriam Defensor-Santiago slams Juan Ponce Enrile anew; older senator deaf to her tirades

Senator Miriam Defensor-Santiago maintains that Senator Juan Ponce Enrile’s (inset) close association to Janet Lim-Napoles: "If he’s smarting against the accusation, Enrile could have requested for an additional hearing where he could be personally present and interpellate Janet Napoles, who appears to be his BFF, or Best Friend Forever," says the feisty senator in her counter-privilege speech earlier today, December 4.


Pinanindigan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang kanyang alegasyon na si Senator Juan Ponce Enrile ang utak sa likod ng kontrobersiyal na pork-barrel scam.

Sa kanyang counter-privilege speech ngayong araw, December 4, nanggagalaiti sa galit ang senadora at ilang beses pang dinuro si Senator Enrile, na nakaupo sa bandang unahan ng Senate Hall, kung saan ginanap ang pagpupulong.

Ito ay sa kadahilanang sinadya raw ni Senator Enrile na puntiryahin siya sa nakaraang privilege speech nito, upang mabaling ang atensyon ng publiko mula sa kinasasangkutan nitong plunder case.

Read: Senator Juan Ponce Enrile lashes out at Senator Miriam Defensor-Santiago in privilege speech

Ito ay sa kabila ng maraming ebidensiya raw ang magpapatunay na guilty si Senator Enrile sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel.

Matapang na pahayag ni Senator Santiago sa bandang simula ng kanyang privilege speech:

“Notably, the Ombudsman has admitted receiving a memorandum of over 200 pages pinpointing Enrile as the mastermind of plunder.

“That official memorandum validates the charge I aired in the latest hearing of the Blue Ribbon Committee, where I first made that very same accusation, based on the lawyer’s thought process of enlightened skepticism.”

Halatang pinag-iinitan daw siya ng 89-year-old senator matapos niyang ibunyag sa November 7 Senate Blue Ribbon Committee hearing, na si Senator Enrile ang mastermind ng pork-barrel scam at hindi ang businesswoman na si Janet Lim-Napoles.

Hindi rin nag-alintana si Senator Santiago na tawagin si Senator Enrile na “Tanda,” na ayon sa whistleblowers ay siyang codename umano ni Napoles para sa senador.

Read: Senator Miriam Defensor-Santiago to Janet Lim-Napoles: "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para hindi ka nila ipapatay."

Sabi pa ng 68-year-old na senadora tungkol sa pagtawag niya kay Senator Enrile na mastermind ng pork-barrel scam:

“If he’s smarting against the accusation, Enrile could have requested for an additional hearing where he could be personally present and interpellate Janet Napoles, who appears to be his BFF, or Best Friend Forever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But he chooses to stay away and keep silent, because he is immobilized by fear and humiliation.

“This man, contrary to logic and common sense, hopes to evade criminal prosecution and public outrage over his plunder, by resurrecting campaign dirt against me which are over 21 years old!

"Dream on, old man, a.k.a. Tanda.”

DRAMA KING OF CORRUPT POLITICS. Bilang ebidensiya sa kanyang akusasyon laban kay Enrile, tinalakay ni Senator Santiago sa kanyang privilege speech ang imbestigasyon tungkol sa pagkakadawit ng minority floor leader sa pork barrel scam.

Inihayag ng senadora ang inalabas na datos ng Department of Budget Management, kung saan napag-alaman na si Senator Enrile ang may pinakamalaking pondong natanggap kumpara sa ibang mga senador.

Ang kabuuang PDAF na natanggap daw ng senador mula 2005 hanggang 2013 ay umabot ng P1.189 billion.

Binanggit din ni Senator Santiago ang ilang bahagi ng testimonya ng whistleblower na si Merlina Sunas, tungkol sa ugnayan ni Senator Enrile kay Napoles.

Sabi niya, “In all, Enrile reportedly gave P641.65 million from his pork barrel funds to dummy corporations founded by Napoles.

“Merlina Suñas, a whistleblower, testified that Napoles personally talked to the senator concerned, or the chief of staff.

"Suñas also testified that in 2012, her dummy foundation received P5 million in pork barrel funds from Enrile."

Lumabas din daw sa PDAF report ng Commission on Audit noong 2011 na isa si Enrile sa apat na mambabatas na nag-release ng P206 million na pondo sa Department of Agriculture.

Ayon pa sa report ng COA, in-award ang naturang pondo sa isang kuwestiyonableng NGO para sa taong 2009 hanggang 2010.

Ngunit ang ipinagtataka raw ni Senator Santiago, nanatiling tikom ang bibig ni Senator Enrile sa kabila ng mga ebidensiyang nagdidiin sa huli, kaugnay ng maanomalyang paggamit ng PDAF.

Hanggang ngayon ay wala naman daw ipinapakitang ebidensiya si Senator Enrile na magpapatunay na inosente ito sa mga alegasyong ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng senadora patungkol sa nakaraang privilege speech ni Senator Enrile, “He is silent on the evidence, but voluble on malice.

"His speech amounted to verbal violence against a woman confined to her sickbed, while he preened in the Senate, demonstrating his skill as the drama king of corrupt politics.”

OMBUDSMAN RESOLUTION. Ganunpaman, umaasa si Senator Santiago na lalabas din ang katotohanan, kahit pa raw maraming nakakalat na alagad si Senator Enrile na mga “corrupt” na opisyal sa local na pamahalaan at pati na sa military “who constitue his private army.”

Ayon sa senadora, bago magtapos ang buwang ng Disyembre ay nakatakdang magdesisyon ang Office of the Ombudsman kung itutuloy o hindi ang reklamong plunder laban kay Senator Enrile at iba pang mga mambabatas na nadadawit sa kaso.

At kung sakaling mahatulang guilty si Senator Enrile, ang posibleng parusa na haharapin nito ay 30 taong pagkabilanggo, at siguradong babawiin daw ang bilyong pisong yaman na kinamkam umano nito mula sa kaban ng bayan.

Saad pa ni Senator Santiago, “Because he is over 70 years old, he can plead the mitigating circumstance of age, in order to lower the sentence.

“Also because of his age, he can apply for executive clemency. But it is not true that his advanced age exempts him from criminal liability.

“He has to pay for his sins, unless he turns state witness and rats on Senator Jinggoy Estrada, Senator Bong Revilla, and his other co-accused in the plunder case.”

NOT AFRAID OF ENRILE. Sa huli, iginiit ng senadora na hindi siya magpapatinag sa anumang buweltang gagawin ni Senator Enrile laban sa kanya.

“After his poisonous personal attacks against me, Enrile expects that I shall be cowed into silence by his usual bluff and bluster.

"That is not going to happen.

“He made no mention at all of the sizzling talk of the town that he is the real mastermind of the pork barrel plunder. Enrile should get real,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INDIFFERENT ENRILE. Samantala, nanatiling kalmado si Senator Enrile sa kabila ng direktang pagtukoy sa kanya ni Senator Santiago sa privilege speech nito.

Imbes na ibigay ng beteranong pulitiko ang buo niyang atensiyon sa speech ni Senator Santiago, kitang-kita sa live coverage ng GMA News TV na tutok si Senator Enrile sa tablet computer nito.

Mabilis ding kumalat sa social media ang larawan kung saan nakunan ang senador na naglalaro ng "Bejeweled" sa kanyang tablet computer.

Paminsan-minsan ay napapatingin si Senator Enrile kay Senator Santiago upang pakinggan nang bahagya ang sinasabi nito.

Ngunit tanging ngiti at kibit-balikat lang ang reaksiyon ng 89-year-old senator sa privilege speech ng senadora.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong plunder, malversation, at graft sina Senator Enrile, Senator Estrada, at Senator Revilla.

Isinampa ito ng Department of Justice at National Bureau of Investigation sa Office of The Ombudsman, noong September 16.

Nagsampa rin ng hiwalay na kasong plunder ang Field Investigation Office ng Office of The Ombudsman laban sa tatlong nabanggit na mambabatas, noong November 19.

Read: Senators Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada set to answer new plunder charges


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN