German Moreno defends inclusion of Anderson Cooper and Paul Walker in Walk of Fame

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap, pinanindigan ni German Moreno ang pagkakasali ng CNN news anchor na si Anderson Cooper (inset, kaliwa) sa mga binigyan ng star sa Walk of Fame. Sinabi rin ng Master Showman na ihahabol niya sa Walk of Fame ang pangalan ng yumaong Hollywood actor na si Paul Walker (inset, kanan).

Ani Kuya Germs, "At kahit nga hindi siya nakapunta, dahil alam naman natin kung gaano siya ka-busy, na-email naman namin siya para ipaalam na is


Ipinagtanggol ng veteran TV host na si German Moreno ang kanyang desisyong isama ang CNN news anchor na si Anderson Cooper sa binigyan ng star sa Walk of Fame Philippines.

Ginanap ang seremonya para sa bagong batch ng Walk of Fame noong Linggo, December 1, sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Ang Walk of Fame Philippines ay ang local version ng Hollywood Walk of Fame sa Los Angeles, California.

Umaani ngayon ng batikos ang Master Showman dahil sa pagkakasali ng isang foreigner sa binigyan ng star sa Walk of Fame.

Ayon kay Kuya Germs, deserving mapasama si Anderson sa Walk of Fame dito sa Pilipinas dahil sa kontribusyon nito sa paghahatid ng balita tungkol sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda.

Pahayag ng Master Showman sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Bago nila ako batikusin, tingnan muna nila yung nagawa nung tao sa bansa natin bago sila magsalita.

"Si Anderson ang nagpakita ng tunay na mukha ng Tacloban at ilang parte pa ng Visayas na nasalanta dahil sa bagyong Yolanda sa buong mundo.

"Kaya naman nang mapanood nito ng ibang bansa, through CNN, may mga bansa kaagad na tumulong sa atin.

"Nakita naman natin yung sincerity nung tao na tulungan ang mga nasalanta nating kababayan.

"Hindi niya tayo iniwan hanggang hindi naipapakita sa buong mundo kung ano talaga ang nangyari at kung ano talaga ang kalagayan ng mga tao roon.

"Kaya naman, bilang pasasalamat na rin sa kanya, sa nagawa niya sa bansa, ay isinama ko siya sa Walk of Fame ngayong taon."

Dagdag pa ni Kuya Germs tungkol sa American newscaster, “Alam ko na wala siyang dugong Pinoy, hindi man natin siya kalahi, pero meron naman siyang puso para sa ating mga Pilipino.

“Bukod pa sa mas di hamak na mas malaki pa ang naitulong niya, kumpara sa mga taong dapat na siyang tutulong sa ating mga kababayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana lang, bago nila ako husgahan, isipin muna nilang mabuti kung bakit inilagay ko si Anderson at ano ba ang naiambag niya sa ating bansa.

"At kahit nga hindi siya nakapunta, dahil alam naman natin kung gaano siya ka-busy, na-email naman namin siya para ipaalam na isasama ko siya sa Walk of Fame Philippines."

PAUL WALKER. Napag-alaman din ng PEP mula kay Kuya Germs na ihahabol niyang magkaroon ng Walk of Fame sa Libis ang Hollywood actor na si Paul Walker.

May sagot din agad si Kuya Germs sa mga taong babatikos sa hakbang niyang ito.

Aniya, "Ilalagay ko siya dahil sa pagmamalasakit niya sa ating mga nasalantang kababayan dahil sa Yolanda.

"Alam naman ng marami kung saan siya galing bago siya madisgrasya.

"Kasama siya sa fundraising para sa Yolanda victims bago siya nasawi.

"Napanood pa natin ang video niya, kasama ang iba niyang kaibigan, na nag-aanyaya na tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo.

"Kaya naman bilang pasasalamat na rin sa kanya ay isinama ko na rin siya sa Walk of Fame Philippines."

Nasawi si Paul sa isang car crash noong November 30, habang dumadalo sa isang fundraising event para sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas sa San Clarita, California.

Read: Fast & Furious actor Paul Walker killed in car crash in California

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng kontrobersiya sa pagbibigay ng star si Kuya Germs sa Walk of Fame.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng star ang isang foreigner.

Noong 2010 ay binigyan din ng star sa Walk of Fame ang Japanese actor na si Jacky Woo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN