UPDATED Viva issues short official statement on incident where Anne Curtis slapped and humiliated friends

"We hope the public will respect the decision of the parties to amicably settle the incident among themselves," bahagi ng maikling pahayag ng Viva Entertainment, kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kanilang prized talent and top celebrity endorser na si Anne Curtis.


Naglabas ang Viva Entertainment ng maikling official statement kaugnay ng kinasangkutang insidente ng contract star nilang si Anne Curtis sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23.

Inilabas ng Viva ang kanilang pahayag sa media kagabi, December 5—apat na araw pagkatapos mailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang insidente at maglabas ng sarili niyang official statement si Anne sa Twitter noong December 1.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Ayon sa movie and talent management company na namamahala sa career ni Anne, ang nangyaring insidente sa Privé ay "private matter" sa pagitan ng aktres at iba pang sangkot sa isyung ito.

Inayos na raw ito ng mga taong sangkot bago pa man lumabas dito sa PEP ang tungkol sa insidente.

Hinihiling din ng Viva na respetuhin ng publiko ang desisyon ng mga sangkot na partido na ayusin nila ito "amicably."

Kahapon, December 4, ay naglabas ng kanyang sariling statement ang isa sa mga sangkot sa insidente—ang model-TV host na si Phoemela Baranda.

Bukod sa official statement na inilabas niya sa Instagram ay nagpa-interview rin si Phoem sa TV Patrol.

Dito ay pinabulaanan niya ang istoryang dinuro at sinigawan siya ni Anne ng mga salitang ito: “I can buy you, your friends, and this club!”

Read: Phoemela Baranda clears Anne Curtis’s name: "She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence."

Si Phoem ay official talent din ng Viva Entertainment.


ANG NALALAMAN NG PEP. Ang naging source ng PEP sa December 1 report nito ay ang Circuit Magazine editor na si JR Isaac, na nagsabing isa siya sa tatlong taong sinampal ni Anne noong madaling-araw ng November 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang dalawa pa ay sina Leah de Guzman, isang Globe executive, at si John Lloyd Cruz, talent ng Star Magic.

Si Leah ay hindi pa nagsasalita sa publiko.

Ngunit napag-alaman ng PEP na hindi maitatatwang agitated ito nang gabing sinampal siya ni Anne. Isinumbong niya agad sa ilang malalapit na kaibigan na hindi niya maintindihan ang nangyari, na bigla na lang silang pinagsasampal ni Anne. Manghang-mangha raw silang lahat.

Nitong mga huling araw, ang sinasabi na raw ni Leah sa mga nagtatanong ay wala namang kaso ang pangyayari. Okay naman daw silang lahat pagkatapos na pagkatapos ng sampalan at ingay sa Privé.

May usap-usapan pa ngayon sa sirkulo nilang magkakaibigan na hindi na dapat nagsalita si JR, dahil wala namang press na nakaalam nang isang buong linggo matapos ng insidente. Kaibigan naman daw nila si Anne.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, sa hindi malamang dahilan ay tila ibinabaling na ng mga kaibigan ang init mula kay Anne papunta kay JR.

Hindi naman binabawi ni JR ang kanyang December 1 interview sa PEP. Pagkumpirma ng magazine editor noong December 3, kay PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon: "I have said my piece, period."

Si John Lloyd naman ay hindi pa rin nagsasalita.

Sa pagkakaalam ng PEP ay ayaw talagang magsalita ng box-office draw dahil hindi naman niya isyu ang pangyayari, kahit pa naghihintay ang publiko ng paliwanag dahil siya mismo ay nasampal din at tinawag pang "addict" ni Anne.

Tinataya namang ito ay sa dahilang magkaibigan sa personal sina John Lloyd at Anne.

Sa pagkakaalam pa ng PEP ay ayaw din naman talagang pagsalitain ang box-office star ng ABS-CBN at maging ng Viva.

Sa parte ng Viva, si Anne ang pinakamainit at numero unong product endorser ng talent-management arm nitong Viva Artists Agency, na may humigit-kumulang na 200 talents, kasama na si Sarah Geronimo.

Samantala, news blackout ang Kapamilya TV station sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinatayang ito ay dahil contract star si John Lloyd ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, habang si Anne naman ay eksklusibong lumalabas sa istasyon at lumalabas din sa mga co-productions ng Viva Films at Star Cinema, ang film arm naman ng ABS-CBN.

Naglabas na lamang ang news department ng ABS-CBN ng istorya tatlong araw matapos nalathala ang insidente, noon nang December 4, nang nagsalita si Phoemela Baranda.

Sinabi nitong mali ang kuwentong napagsalitaan siya ng masasakit ni Anne, wala raw ganoong pangyayari, at kung anuman ang namagitan sa kanila ni Anne ay sa kanila na iyon.

Napag-alaman naman ng PEP, mula sa isang television industry insider, na bago maglabas si Phoemela ng statement sa kanyang Instagram account—na siya ring basehan ng kanyang TV statement—ay ibinigay muna niya ito sa Viva upang pasadahan at i-approve.

Si Phoemela ang TV host na pinangalanan ni JR Isaac na siyang pinagsabihan ng isang galit na galit at lasing na Anne, sabay turo ng daliri: "You, what are you doing here? I can buy you, your friends, and this club!"


Sa ABS-CBN complex, tanging ang abs-cbnnews.com ang nakapaglabas ng istorya noong unang araw pa lamang ng paglabas ng insidente sa PEP. Pinamagatan nila itong "Drunk Anne Curtis slaps John Lloyd Cruz."

Hinihintay ngayon kung makapaglalabas ang ABS-CBN Sunday showbiz talk show, ang Buzz ng Bayan, ng ulat sa insidente.

Samantala, madalas daw mangiyak-ngiyak si Phoemela ngayon dahil tinitira siya sa social media at mga tabloids, na nagsasabing "nagsinungaling" at "nagpagamit" ito sa Viva, ang kanyang management boss.

Ayon sa isang bagong PEP source na ayaw magpapangalan, sinabihan daw si Phoemela ng ilang nagmamalasakit sa kanya, na kasalanan din niya ang inaaning batikos ngayon.

Kasi raw, binawi pa niya ang mga nasabi na rin niya sa mga kaibigan, noong mga panahong hindi pa umaabot sa media ang insidente. Ikinuwento na raw kasi ng Viva talent sa "marami" ang nangyaring pang-iinsulto sa kanya ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng bagong PEP source na noong una’y binalak pang sabihin ni Pheomela na, liban sa hindi siya pinagsalitaan ng masasakit, hindi nasampal si John Lloyd.

Ngunit nang umabot ito sa iba, angal daw ni Charina Sarte, isa sa mga kabarkadang naroon sa Privé noong madaling araw ng November 23: "Ano, ang lakas kaya ng sampal kay JL!"




VIVA’S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng Viva tungkol sa kinasangkutang insidente ni Anne:

"The Prive incident involving Anne Curtis is a private matter between Anne and the people involved.

"The incident has been settled by the parties days before the article on the incident was published.

"We hope the public will respect the decision of the parties to amicably settle the incident among themselves."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN