Bubble Gang team attends "productive dialogue" with MTRCB

Natuloy kaninang umaga, December 9, ang “mandatory conference” na ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa executives at ilang mga artista ng GMA gag show na Bubble Gang. Kabilang sa um-attend ng pagpupulong ay ang mga artistang sina Michael V. at Rufa Mae Quinto.


Natuloy kaninang umaga, December 9, ang “mandatory conference” na ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa executives at ilang mga artista ng GMA gag show na Bubble Gang.

Ang pagpupulong na ito ay bunsod ng November 29, 2013 episode ng Bubble Gang.

Base sa summons ng ahensiya sa Kapuso Network, na lumabas noong December 3, nagkaroon daw ng “discriminatory and derogatory portrayal of a woman” ang isang segment ng palabas.

Ang tinutukoy na portion ay ang “D Adventures of Susie Lualhati.”

Tampok sa segment na ito ang isang babaeng nagngangalang “Susie,” na ginampanan ni Rufa Mae Quinto, na nag-apply bilang tindera at tagaluto ng puto bumbong.

Ang may-ari ng tindahan ay si “Sir,” na ginampanan naman ni Michael V.

Read: MTRCB summons Bubble Gang over sexist gag

Ang hearing committee ay pinamunuan ni Atty. Noel Prado, kasama ang board members na sina Jay Revistir at Marra Lanot.

Ang tumayong amicus (impartial adviser) ay si Atty. Eric Mallonga.

Present naman mula sa panig ng GMA ang program manager na si Bang Arespacochaga, ang direktor ng Bubble Gang na si Uro dela Cruz, at ang mga artista ng show na sina Rufa Mae at Michael V.

Ayon sa isang insider, naging makatotohanan at produktibo ang diskusyon ng magkabilang panig kanina.

Matapos ang meeting, naglabas kaagad ang hearing committee ng MTRCB ng kanilang assessment sa naganap na pulong sa pamamagitan ng kanilang twitter account (@MTRCBgov):

Bubble Gang undertakes to submit proposed measures to ensure gender-sensitive content by 16 December 2013.

MTRCB notes GMA7’s initiative for the holding of empowerment sessions, w/ audience feedback component, to ensure audience-sensitive content.

MTRCB thanks GMA7 for its cooperation and initiative at today’s conference.

Bubble Gang’s submission of proposed initiatives shall, of course, be w/out prejudice to such other measures to be determined by MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RUFA MAE & BITOY. Kaninang tanghali, nag-post naman si Rufa Mae sa kanyang Instagram account (rufamaequinto_) ng larawan nila ni Michael V. habang nasa conference.

Ito ang isinulat na caption ng sexy comedienne:

“#Susieluwalhati #bubblegang18 pinatawag sa mtrcb dahil sa puto bungbong sketch @michaelbitoy salamat for being there and for thinking it’s funny. Napaisip ako ano nga ba talaga ang comedy ng Filipino humor? thanks to #mtrcb for hearing me out and for the concern . Salamat sa session na Ito . napaisip akong mag balot balot na. Thanks to my director :URo Dela Cruz for defending us . To my executive producer, Jan Navaro. I love you . And ms.bang.”

Sa Twitter account naman ni Michael V (@michaelbitoygma), sinabi niyang: “Just came from MTRCB & had a very productive dialogue.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN