Director Wenn Deramas defends Anne Curtis; explains Maricel Soriano’s billing in Boy, Girl, Bakla, Tomboy

Suportado ni Wenn Deramas si Anne Curtis sa isyung kinasasangkutan nito. Sabi ng direktor tungkol sa aktres, "Of course, di ko sinasabi na tama yung... pero sana alam nila yung pinanggalingan. Sana may lakas ng loob si Anne na sabihin ang totoo at kung ano ang totoong nangyari."


Isa ang direktor na si Wenn Deramas sa mga taga-showbiz industry na nagbigay ng suporta kay Anne Curtis kaugnay ng kontrobersiyang kinasangkutan ng aktres.

Matatandaang nanampal at nanigaw si Anne sa Privé Luxry Club noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Si Wenn ay naging direktor ni Anne sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007) at Who’s That Girl (2011); at sa mga teleseryeng Kampanerang Kuba (2005) at Dyosa (2008).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wenn sa presscon ng pelikula niyang Boy, Girl, Bakla, Tomboy noong nakaraang linggo. At dito niya ipinahayag ang kanyang suporta para kay Anne.

Pahayag niya “Kahit naman ano ang gawin mo, kapag may ganyang kontrobersiya, mayroong kakampi, mayroong hindi.

"Ako, naniniwala ako kay Anne.

"Kasi, sa sobrang dami ko nang nagawa para mapikon si Anne Curtis, para makapagsalita siya nang di maganda... pero wala, e.

"Of course, di ko sinasabi na tama yung... pero sana alam nila yung pinanggalingan.

"Sana may lakas ng loob si Anne na sabihin ang totoo at kung ano ang totoong nangyari.

“Basta tinext ko lang siya na nandun lang ako lagi at naniniwala ako sa batang yun.

"Mabait si Anne Curtis, hindi siya mapapabago ng kasikatan.

"Masakit ang sinabi niya, masakit ang ginawa niya.

"Pero may ginawa siguro sa kanya na mas masakit—hindi yung pag-bang ng door."

Sa statement na inilabas ni Anne sa kanyang Twitter account noong December 1, may binanggit siyang isang tao na nag-provoke diumano sa kanya.

Sabi ni Anne: “When I was told of my behavior AND the person who started all of this, due to this persons inappropriate behavior, apologized to me too...

“Just as I did. Which I accepted too. I choose not to go into detail because I’m not the type to ruin someone else’s name."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

MMFF COMPETITION. Entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 ang pelikula ni Wenn na Boy, Girl, Bakla, Tomboy, na pinagbibidahan ni Vice Ganda.

Sinasabing magiging mahigpit na kalaban nito ang dalawa pang comedy films na kalahok sa MMFF ngayong taon: ang My Little Bossings nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Yap, at Kris Aquino; at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ni Eugene Domingo.

Sa kabila nito, wala raw isyu kay Wenn kung makakatapat ng pelikula niya sa takilya ang pelikula ng mga kaibigan at mga artistang dating nahawakan niya.

Sabi ng box-office director, "Ano lang naman ‘yan sa industriya natin, ganun naman talaga—yung magkakaibigan, magtatapatan.

"Pero ang importante, hanggang doon lang yun.

“Kami ni Uge [Eugene], tini-text ko pa si Uge [ng] pointers.

"Sa dami ng ginawa ko, alam ko maski papaano yung strength kung paano mabebenta yung pelikula.

"So, tini-text ko si Uge, ’Huwag mong sabihin ito, ito ang sabihin mo.’"

Dagdag niya, “Well-appreciated... magkakaibigan kami.

"Gusto ko lahat talaga, yung pelikula ni Kris, pelikula namin of course, ni Uge, at saka ni Daniel [Padilla], Pagpag, ay talaga namang kumita.

"Boy Golden, Pedro Calungsod, 10,000 Hours... sana lahat."

Noong 2012 ay naging topgrosser sa MMFF ang idinirek na pelikula ni Wenn, ang Sisterakas, na pinagbidahan nina Vice, Kris, at Ai-Ai delas Alas.

Ang Sisterakas ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film.

Noong 2010 naman ay naging topgrosser din ang Ang Tanging Ina Mo (Last Na ’To!) ni Ai-Ai.

Kaya ngayong 2013 ay lalong tumaas ang expectations kung malalagpasan ng Boy, Girl, Bakla, Tomboy ang kinita ng mga naunang pelikula ni Wenn.

“Oo, kasi nagawa namin last year," pagsang-ayon naman ng direktor.

"Si Vice Ganda, ito, aminin natin at hindi, may expectations.

"Pero kung hindi man ibibigay, I’m sure sa klase ng pelikula namin, talagang mamimili ka na lang, yung ranking na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman itinatago ni Wenn na nandun pa rin ang hangad niya na mag-number one sila sa takilya, gaya din ng hiling ni Kris na mag-number one ang My Little Bossings.

Sabi ni Wenn, “Definitely, bukod sa My Little Bossings, kasi pareho-parehong pampamilya, parehong may bata, tapos si Vic ’yan saka si Kris.

"Then, Kimmy Dora saka Pagpag na... kasi naman, siya yung umiba ng genre, tatlo kaming comedy.

"Alam ko na may sariling market din ang horror pagdating sa filmfest.

“Sana lang talaga, wala yung madehado.

"Alam natin na may 1, 2 hanggang No. 8, pero sana lahat yun kumita.

"Pero, of course, sana kami ang number one.”

MARICEL’S BILLING. Sinagot din ni Wenn ang isyu tungkol sa billing ng isa sa mga artista ng Boy, Girl, Bakla, Tomboy na si Maricel Soriano.

Ayon sa ilang fans ng Diamond Star, tila nadehado sa billing ang kanilang idolo.

Bukod daw sa mas maliit ang pangalan nito kay Vice Ganda, inihilera siya kina Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, at Cristine Reyes.

Hindi rin nagustuhan ng ilang fans ni Maricel na may "and" bago ang pangalan ni Cristine.

Sabi ni Wenn tungkol dito,, "Even yung mga fans ni Maricel, na-bombard ako ng ganun, e, nagpi-PM [private messaging] sila.

"As if may magagawa ako, as if ako naman ang namili.

"Basta ako, naging very clear sa akin yun, na ang promo ng pelikula, gagawa siyempre ’yan ng layout, hindi nila ‘yan ililihim.

"Dadaan lahat ’yan sa kamay ng mga managers, so nahawakan ’yan ng manager nila Maricel, they saw the layout and they said okay.

"I think, lakihan lang yung mukha ni Maria dun, she’s okay.

“Alam mo, hindi talaga... iniwasan namin. Labas kami talaga dun.

"Siya [Maricel] nga di siya nangingialam, e, lalo na ako."

Dagdag ng direktor, "Ipinaliwang ko naman, sumagot ako sa thread na nagsasabing ibu-boycott ito, mga fans ni Maricel, in-explain ko yung process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ninyo puwedeng sisihin yung gumawa ng posters, gumawa ng billing.

"Kasi may approval ‘yan, approved ng lahat ng tao na nangangalaga din ng career ni Maricel.

“May mangilan-ngilan pa rin, masakit nga, ’E, wala ka naman kasing pakialam.’ Yung ganun, yung ginaganun ako.

"Ayokong makialam. Hindi ko rin sinasabi sa kanya, ayoko namang ma-burden si Maria ng ganitong mga bagay.

"Hindi naman niya gusto yun. Hindi naman niya saklaw ‘yan dahil siya mimso, walang FB—walang FB si Mary.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN