UPDATED. Justin Bieber arrives in the Philippines to visit Yolanda victims

Sa pinakahuling tweet ni Justin Bieber, sinabi niyang gaganapin ang pinakamahalagang bahagi ng kanyang Believe Tour concert, ngunit hindi niya sinabi kung saan ito. Kasalukuyang nasa Pilipinas ang international pop superstar upang bisitahin ang typhoon victims sa Visayas.


Nasa Pilipinas ngayon ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Lulan ng isang private plane, dumating si Justin sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kaninang 7:10 a.m.

Ayon sa ulat ng dzMM, nakumpirma ang pagdating ni Justin sa bansa sa pamamagitan ng Immigration records.

Ang pagbisita ni Justin sa Pilipinas ay bahagi ng kanyang kampanya na matulungan ang mga biktima ng super-typhoon Yolanda (Haiyan), na nagdulot ng malaking pinsala sa maraming lugar sa Visayas.

Matatandaang noong December 4 ay inilunsad ni Justin ang kampanya upang makalikom ng donasyon para sa mga nasalanta ng super-typhoon Haiyan sa pamamagitan ng prizeo.com, isang micro-donation site.

Read: Justin Bieber launches fund drive for Yolanda victims; raises half of his $1M target in just two days

Bilang kapalit, isa sa mga nag-donate ang mapipili upang magkaroon ng pagkakataong makasama si Justin sa isang “studio hangout” sa susunod na taon.

As of 11:30 a.m., December 10, 2013, mayroon nang $611,546 (tinatayang P26 million) na nalilikom na donasyon.

One million dollars ang target ni Justin na donasyon.

Limang araw pa ang natitira bago matapos ang fundraising.

Napag-alaman ng PEP na ang nirentahang jet ng grupo ni Justin papuntang Tacloban ngayong araw ay pag-aari ng TV host na si Willie Revillame.

BELIEVE TOUR. Kasabay ng pagdating ni Justin sa Pilipinas, nag-iingay ngayon ang fans ni Justin online dahil sa pinakahuling tweet ng singer.

Marami ang naghihinala na sa Pilipinas gaganapin ang huling leg ng Believe Tour concert ni Justin, base na rin sa tweet niya (@justinbieber) bago mag-alas dose ng tanghali ngayong araw:

Ayon sa schedule ng world tour ni Justin, ang pinakahuling leg ng kanyang concert ay sa Perth Arena sa Perth, Western Australia, kahapon, December 9.

Hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansa kung saan mag-perform si Justin.

Ang Pilipinas nga kaya ang tinutukoy ni Justin na "last Believe tour" show niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-perform na si Justin sa Pilipinas noong May 2011 bilang bahagi ng kanyang My World Tour.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN