Regine Velasquez on duet with Alicia Keys: "It was very exciting, pero parang hiyang-hiya lang ako."

Sa susunod na taon ay posibleng simulan na ni Regine Velasquez ang teleserye niya para sa GMA Network. Ngunit pag-amin ng Asia’s Songbird, “Parang natatakot na nga ako doon sa teleserye. Kasi, kumbaga, full-time na yun ulit. Kasi right now, I’m enjoying pa my time, e. I’m not really full-time, e... Pag nag-soap ako, medyo mahihirapan ako nang slight.”


Pinagpiyestahan sa social media ang video ng duet ni Regine Velasquez kasama ang American singer na si Alicia Keys sa World On Fire Tour concert ng huli sa MOA Arena noong November 25.

Kinanta ng dalawa ang hit song ni Alicia na “If I Ain’t Got You.”

Watch: Concert audience surprised by Regine Velasquez-Alicia Keys duet

Kahit si Regine mismo ay hindi pinalampas ang pagkakataong ipagmalaki ang duet nila ni Alicia.

In-upload ng Pinay singer sa kanyang Instagram account ang mga larawang kuha nilang dalawa ni Alicia at ang video ng kanilang duet.

Read: Regine Velasquez elated by duet with Alicia Key

Kuwento ni Regine sa kanyang naging karanasan, “It was very exciting, pero parang hiyang-hiya lang ako.

"Oo, nahihiya ako.

“Feeling ko, ang dapat nilang tinawagan ay si Jaya o si Kyla.

“Yun ang feeling ko—tama ba ito?

“Kasi hindi ko yun music. Hindi naman ako R&B singer.

“I’m a balladeer. So, parang hiyang-hiya ako.

“Yun ang naramdaman ko—parang hiyang-hiya ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa Sunday All Stars noong Linggo, December 8.

USAPANG NANAY. Ikinuwento rin ni Regine sa PEP ang naging kuwentuhan nila ni Alicia.

“She was very nice. She’s very, very nice. She’s very down to earth.

“Tapos, kausap siya nang kausap sa akin. She even said na... kung saan ako nakatira.

“Kasi nag-uusap kaming mga nanay. Tinanong ko siya, ‘You have a son?’ ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘Yeah, he’s three years old.’

“Sabi ko naman, ‘I have a son also and he just turned two.’ Yun, mga ganyan-ganyan.

“Tapos, usap-usap kami ng mga experiences namin bilang mommy, na sobrang…

“Parang feeling namin, nagki-click kami, na parang feeling ko, close na kami!

“Tinanong niya ako, ‘Where do you live?’

“Sabi ko, ’I live in Quezon City. It’s forty-five minutes away from here,’ kasi sa MOA yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘That’s not far. Maybe we could schedule a playdate.’

“Parang naano ako, ‘Ano daw?’ Parang… umalis na ako kasi hiyang-hiya ako.

“She’s really nice. And ang ganda niya.

“Ang ganda-ganda niya... ang ganda-ganda-ganda niya!”



LAST-MINUTE THING. Sinabi rin ni Regine na nalaman niya na maggi-guest siya sa concert ni Alicia isang araw bago ito ganapin.

“Siyempre, it was an honor to be there.

“But, you know, it was a last-minute thing.

“They called me up, Sunday? The concert was Monday.

“And I was stressing out, kasi yung anak ko [Nate], hindi matae!

“Umiiyak siya, hindi siya matae, kasi constipated siya.

“Tapos, ayaw niyang kumain, masakit yung tiyan.

“So I was worried, and then I got a phone call.

“Tapos napa-oo na ako, kasi I just wanted the conversation to be over.

“Kasi I’m trying to ano [focus on] my son.

“Tapos, nung Monday na, sabi ko na lang, ’My God, hindi ako prepared. I’m not prepared.’

“So, parang hiyang-hiya ako.

“I’m glad na parang may nagkagusto naman.

“But you know, guys, she [Alicia] did it.

“Nag-guest siya ng Pinoy artist. She doesn’t need a guest in her show kasi buo na ang show niya.

“She did that because she wants to uplift our spirits.

“So, thank you very much.”

Ayon pa kay Regine, napansin din niya ang pagiging generous ni Alicia bilang isang artist.

“Nagbigay siya talaga.

“Alam niyo, ni-rehearse pa niya ako, kasi alam niyang hindi ko masyadong…

“Although nakita nila sa YouTube na nakanta ko, e. Kaya I think alam nilang makakanta ko.”

Bumilib din si Regine sa pagbibigay panahon ni Alicia sa mga biktima ng Yolanda nang bisitahin nito ang Villamor Airbase, kung saan inilikas pansamantala ang ilang mga nasalanta ng bagyo.

Read: American singer Alicia Keys visits typhoon evacuees; calls them "most resilient, beautiful spirits I’ve ever met"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Regine, “Ang cute niya, kasi she’s such a blessing. So, nakakatuwa.”



TELESERYE AND MOVIE. Tungkol naman sa sinasabing sisimulan niyang teleserye sa Kapuso Network, wala pang maibigay na detalye si Regine tungkol dito.

Aniya, “I was told na I’m supposed to start in March.

“Pero may mga naka-lineup na mga stories na they want to pitch sa akin at ako rin, nagpi-pitch ng a couple…

“So, pag-uusapan kung ano yung magandang pang-comeback.”

Hindi pa naman daw nakikita ni Regine ang pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula sa 2014.

“Wala pa, wala pa. Isa-isa muna.

“Parang natatakot na nga ako doon sa teleserye.

“Kasi, kumbaga, full-time na yun ulit.

“Kasi right now, I’m enjoying pa my time, e. I’m not really full-time, e.

“Meron akong Sarap Diva [cooking-talk show niya sa GMA]. I tape twice a month.

“Then, once a month, I’m here in SAS [Sunday All Stars].

“So, I’m just promoting my album.

“So, hindi pa siya talaga full-time.

“Pag nag-soap ako, medyo mahihirapan ako nang slight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN