Justin Bieber on Filipinos: "You guys are the strongest people I know."

Naghatid ng tuwa at saya si Justin Bieber sa mga batang nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban City, kahapon, December 10. Bukod sa paghahandog ng ilang Pamaskong awitin ay namahagi rin ng mga damit at laruan ang Canadian pop superstar.


Maraming Pinoy ang natuwa sa pagbisita ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber sa Tacloban City, Leyte, kahapon, December 10.

Ang pagbisitang ito ni Justin ay bahagi ng kanyang #GiveBackPhilippines campaign, na naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), AIA, at TV5.

Halos dalawang oras lang ang inilagi ni Justin sa Tacloban, pero sulit na sulit daw ang panahong iginugol niya sa mga batang biktima ng bagyong Yolanda.

Nakisayaw, nakikanta, nakipaglaro ng basketball, namigay ng T-shirts at bola, nagkarga at humalik sa mga bata—ito ang ilan lamang sa mga naging aktibidad ng international singer sa Tacloban.

Sa exclusive interview ng Pilipinas News (PNews) ng TV5 kagabi, sinabi ni Justin na ang Pilipinas dapat ang huling stop ng kanyang Believe Tour concert.

Nagsimula ang concert tour ni Justin noong September 2012 sa United States, at nagtapos ito nito lamang December 9 sa Australia.

Pero hindi kasama sa listahan ng kanyang pupuntahan ang Pilipinas.



MAGICAL MOMENT. Sa halip na isang bonggang concert tour, ginawa na lang daw niya itong one-day tour sa Tacloban.

Isang oras bago siya dumating sa Tacloban, nag-tweet pa si Justin na malapit na siyang mag-perform para sa huling bahagi ng kanyang "tour."

“About to go perform the last #believetour show. The real last one and the most important one of the tour. #GiveBackPhilippines"

Read: Justin Bieber arrives in the Philippines to visit Yolanda victims

Pahayag ni Justin sa PNews, “I want to come up here and see these kids and bring some hope to these kids, bring some inspiration.

"And glad to know that, you know, it’s a big world, and God is great, yeah.”

Espesyal daw para sa teen singing sensation ang pagbibigay ng saya sa mga batang nasalanta ng delubyong Yolanda.

“That was one of the most magical moments, I think, of my life… just having them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They know all the words when I sing Christmas songs to them, they were… their faces were lettered.”

Hanga rin daw si Justin sa tibay ng loob ng mga Pilipino.

Sabi niya, “You guys are the strongest people I know.

"Stay strong, keep your belief, and know that God is always with you.”



LOCAL ARTISTS LAUD BIEBER’S VISIT. Pagkatapos ng pagbisita ng pop superstar sa Tacloban, kasunod naman nitong pinasaya ang mga tagahanga niya sa Maynila.

Bukod sa mga ordinaryong fans, dumagsa rin ang ilang local celebrities sa meet-and-greet ni Justin.

Kabilang sa kanila sina Kobe Paras, Juliana Gomez, Dani Barretto, Billy Crawford, Jasmine Curtis, Rico Blanco, at Anne Curtis.

Ayon kay Jasmine Curtis, "heartwarming" na makita ang isang sikat na celebrity na hindi lang daw nag-donate kundi nakisalamuha pa sa mga biktima ng super typhoon.

Saad naman ni Billy Crawford, “I think it’s a big pleasure to have someone like Justin Bieber to come out here in the Philippines… to take time off from his busy schedule para at least makatulong nang konti para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo.”

Ayon naman sa grupo ni Justin, masaya sila sa pagkakataong personal na makatulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Pahayag ng manager ni Justin na si Scooter Braun, “I want to say salamat. And appreciate you very, very much.

"And my best to your country and hope all the other citizens, the six millions that are displaced may find home soon.

"And we will continue to support.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN