Actress Elizabeth Oropesa slams DILG Secretary Mar Roxas over his feud with Mayor Alfred Romualdez

"Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag isip... hindi po ba napakagandang halimbawa kung ora mismo ay tumulong siya sa kalabang partido, alang- alang sa mga nasalantang kababayan?!!!" bahagi ng open letter ng aktres na si Elizabeth Oropesa (kaliwa) laban kay DILG Secretary Mar Roxas (kanan), kaugnay ng alitan nito at ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.


Isang open letter para kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang ipinarating ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

May kinalaman sa viral video ng November 14 meeting nina Secretary Roxas at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang emosyunal at strongly worded open letter ni Elizabeth, na hindi na nakapagpigil na isapubliko ang kanyang mga saloobin sa mga nangyayari sa ating bansa.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang palitan ng akusasyon ng dalawang public officials sa nangyaring pagpupulong nila ilang araw pagkatapos manalasa ng super-typhoon Yolanda sa central Visayas.

Read: Mar Roxas hits back at Alfred Romualdez’s camp for "doctored" viral video

At gaya ng mga ordinaryong mamamayan na may opinyon tungkol sa isyung ito, naglabas din si Elizabeth ng kanyang saloobin kaugnay nito.



AQUINO VS ROMUALDEZ? Narito ang kabuuang pahayag ng aktres sa kanyang Facebook account (Jacqueline Elizabeth Freeman) kagabi, December 11:

“Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-Mar Roxas.

“Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katwiran.

“Walang dahilan para pahirapan at huwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo, kahit sino pang Pilato ang nakaupo—kalaban man o hindi.

“Kung galit sila sa mga Romualdez, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!

“Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao!

“Pare-pareho tayong mga Pilipino!

“Nakalimutan na ba ni Mar Roxas ‘yan?

“Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag isip... hindi po ba napakagandang halimbawa kung ora mismo ay tumulong siya sa kalabang partido, alang- alang sa mga nasalantang kababayan?!!!

“Eh ano kung Romualdez yun at Aquino ang Presidente?

“Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya "Boss" niya tayo?

“Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo sir?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sure meron naman kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon.

“Alam n’yo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido.

“Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto.



FATE OF THE PAST PRESIDENTS. “Nakita n’yo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT na presidenteng inabot ko.

“Si Apo Marcos..napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera?

“Hindi rin niya nadala ng mamamatay siya.

“Marcos baby po ako at siya ang unang presidenteng nakilala ko.

“Sumunod ay si Ramos. Mukha bang masaya? Hindi rin.

“Si Pres Cory Aquino na ang sumunod.

“Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba cancer?

“Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi pa rin nakaligtas sa cancer!

“Tapos si Erap. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong!

“Si Presidente Gloria Macapagal- Arroyo..nakakulong pa rin.

“Oh?.anong pruweba pa ba ang kailangan?

“Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka powerful..kahit ano pa ang apelyido mo hindi ka lulusot???

ELIZABETH’S APPEAL. “Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang Dios.

“Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan.

“Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa atin.

“Nakakahiya sa Dios at nakakahiya sa mga bansang tumutulong sa atin.

“Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong.

“Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao.

“Yun lang po.”

Parehong konektado sa entertainment at media ang mga asawa nina Roxas at Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Secretary Roxas ay mister ng ABS-CBN broadcaster na si Korina Sanchez, at si Mayor Romualdez naman ay asawa ng dating aktres na si Cristina Gonzales.

Si Elizabeth—Jacqueline Elizabeth Freeman sa totoong buhay—ay isang award-winning actress at nakagawa na ng isandaang pelikula mula pa noong dekada ’70.

Ilan sa mga pelikulang ginawa niya ang mga sumusunod: Lumapit, Lumayo Ang Umaga (1975); Nunal Sa Tubig (1976); Malvarosa (1976); Isang Gabi Sa Iyo... Isang Gabi Sa Akin (1978);


Aguila (1980); Si Malakas, Si Maganda At Si Mahinhin (1980); Mahinhin vs Mahinhin (1981); Dear Heart (1981); Init O Lamig (1981); Palabra de Honor (1983); Ninja Kids (1986);

Ipaglaban Mo: The Movie (1996); Milagros (1997); Sa Pusod Ng Dagat (1998); Burlesk King (1999); Bulaklak Ng Maynila (1999); Laman (2002); Homecoming (2003); at Ded Na Si Lolo (2009).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN