Comelec orders governors Vilma Santos, ER Ejercito to vacate posts for failure to submit their election expenses

Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. cites Batangas Governor Vilma Santos (right) and Laguna Governor ER Ejercito (left) as two of the elected officials who reportedly failed to submit their poll expenses. Brillantes reminds officials who won during the 2013 elections to submit their poll expenses: "Siyempre, they will have to comply [with the law] otherwise they will have to vacate their position. Hindi nga sana namin gustong mag-announce ngayong Pasko, e, pero mabuti na yun par


Inutos ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na umalis sa puwesto ang 422 government officials na hindi nakapagsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong May 2013 elections.

Ayon sa ulat ng GMA News online ngayong araw, December 12, kabilang sa mga opisyales na nahaharap sa malawakang reklamo ng Commission on Elections sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito, Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo...

...Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, Pangasinan Governor Amado Espino Jr., Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson, Ilocos Sur First District Representative Ronald Singson, at Pasay City Mayor Antonino Calixto.

FAILURE TO FILE PROPER SOCE. Sa isang press conference na ginanap ngayong araw, inihayag ni Chairman Brillantes na ang mga sangkot na elected officials ay yung mga hindi nakapagsumite ng SOCE, hindi nilagdaan ang isinumiteng SOCE, at pati na rin yung mga nagsumite ng SOCE gamit ang maling form.

Kaugnay nito, nagpadala si Chairman Brillantes ng pormal na liham kay House Speaker Feliciano “Sonny” Bemonte Jr. at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel “Mar” Roxas II, kung saan hiniling niya na ipatupad ang batas kaugnay ng paghain ng tamang SOCE ng elected officials.

Sinabi rin ni Chairman Brillantes na papatawan ng multa ang mga opisyales na ngayon lang magsusumite ng SOCE, at hindi papayagang bumalik sa puwesto hangga’t hindi nagko-comply sa panuntunan ng Comelec.

Aniya, “Siyempre they will have to comply [with the law], otherwise they will have to vacate their position.

“Hindi nga sana namin gustong mag-announce ngayong Pasko, e, pero mabuti na yun para linisin na yung kanilang record before Pasko.

“Ang message ng komisyon sa mga kandidatong nananalo, huwag nilang kakalimutan yung mga obligasyon after the elections."

Sa kabilang banda, nilinaw rin niyang hindi maituturing na election offense ang delayed submission ng SOCE ng mga nanalong kandidato noong nakaraang eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanging administrative fine lamang ang parusang ipapataw sa mga ito.

Ang deadline ng paghain ng SOCE sa Comelec ay isang buwan pagkatapos ng eleksyon.

GOVERNOR EJERCITO’S DISQUALIFICATION CASE. Nito lang Setyembre ay nagdesisyon ang Comelec First Division na idiskwalipika si Governor Ejercito dahil sa kasong “overspending” kaugnay ng pangangampanya nito noong nakaraang eleksyon.

Sa kadahilanang umabot umano ng P6 million ang nagasta ni Ejercito sa TV advertisements, gayong P4.5 million lamang ang maaaring gastusin ng isang local candidate para sa election campaign.

Read: Comelec disqualifies Governor ER Ejercito for "overspending" in May 2013 elections

Bilang sagot, naghain si Ejercito ng motion for reconsideration sa Comelec en banc, o sa lahat ng commissioners sa Comelec, para itama ang desisyon ng Comelec First Division.

Aniya, nakasaad sa kanyang SOCE na ang kabuaang halaga na nagastos niya para sa election campaign ay umabot lamang ng P4.1 million.

Read: Governor ER Ejercito to appeal disqualification; denies overspending allegation

Nananatiling bukas ang PEP para sa anumang pahayag ng mga nadadawit na opisyales kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN