President Noynoy Aquino wishes Bb. Pilipinas-International Bea Rose Santiago "good luck"

Pangako ni Bea Rose Santiago (kaliwa) na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya sa Miss International 2013 pageant, na gaganapin sa December 17 sa Tokyo, Japan. Ang mga nasalanta ng bagyo ang isa sa mga nais alayan ni Bea ng kanyang tagumpay sakaling palarin sa beauty pageant.

Hangad naman ni Pangulong Benigno Aquino (kanan) na palarin at mapantayan ni Bea ang naging tagumpay ni Megan Young na nagwaging Miss World 2013.


Hangad ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na maiuwi ni Bea Rose Santiago ang korona sa Miss International 2013, na gaganapin sa Martes, December 17, sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang nasa Tokyo si PNoy para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit, na nagsimula ngayong araw, December 13, at matatapos bukas, December 14.

Ayon sa website ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), kabilang sa mga naunang schedule ng Pangulo sa pagbisita nito sa Japan ang pakikipagpulong sa Filipino community doon.

Naganap ito kahapon, December 12, sa National Olympics Memorial Youth Center.

Special guest sa naturang pagtitipon si Bea, ang 22-year-old beauty queen na kinatawan ng Pilipinas sa Miss International 2013.

Sabi ni PNoy: “Iyong atin pong contestant sa Miss International, we really wish you good luck and hopefully I will have the same experience that I had in Bali, Indonesia—dahil marami doon nagsasabi ‘Oh! Philippines! Miss World!’”

Ang tinutukoy ni PNoy ay papuring natanggap niya nang magpunta siya sa Indonesia, ilang araw pagkatapos manalo ni Megan Young bilang Miss World 2013 sa Bali.

Si Megan ang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World.

READ: Megan Young wins Miss World 2013!

Kaugnay ng pagsali ni Bea sa Miss International, sinasabing isa raw siya sa early favorites base sa mga ginanap na pre-pageant activities.

Bago pa man umalis si Bea papuntang Japan, noong December 6, sinabi na niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na gagawin niya ang lahat para makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Inspirasyon din daw niya ang nangyaring kalamidad sa bansa dulot ng super-typhoon Yolanda.

Saad niya, “I dedicate this pageant to the victims of Haiyan [international name ng Yolanda] because, like I said, I’m not going there as Bea Santiago, I’m going there as Miss Philippines.

“And if I win or make it, that would bring happiness this Christmas.”

READ: Pinay bet to Miss International pageant Bea Rose Santiago: "I’m gonna bring the storm in Japan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung papalarin, si Bea ang magiging panlimang Miss International titleholder ng Pilipinas; kasunod nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), at Precious Lara Quigaman (2005).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN