FIRST READ ON PEP: Rhian Ramos and KC Montero split

Bagamat natapos na ang kanilang relasyon, sinabi ni Rhian Ramos na nananatili pa rin silang magkaibigan ni KC Montero. Sabi ni Rhian, "You don’t let anything—like a relationship or maybe a failed relationship like that—you don’t like that kind of thing to affect you. Because the people naman that you take to your old age are your friends. And that’s what I want him to be, I wanted a friend


“Happy breakup.”

Ganito gustong ilarawan ni Rhian Ramos ang paghihiwalay nila ng landas ni KC Montero.

Tinapos na ng aktres at ng radio-TV host ang kanilang relasyon pagkatapos ng isang taon at siyam na buwan.

Pero ayon kay Rhian, maayos pa rin ang pakikitungo nila ni KC sa isa’t isa.

“Oo naman. Yeah, yeah, yeah... we’re very good.

"I just saw him today, in fact.

"And ayun, we’re updated naman on each other’s whereabouts and what we’re into.”

Hindi ba mahirap ang ganitong set-up gayong break na sila?

Sagot ni Rhian, “No naman. We do it by choice, e.

"I mean, hindi naman yung nagkikita kami sa work, tapos awkward—ayaw namin.

“It’s really.... we’re good enough as friends, and sometimes kasi...

"Sometimes, even if you go through something difficult or as weird as a breakup, ang worth it talaga, yung person.

"You’re gonna really keep the man in your life. That’s why I see him.

"I wanna keep him in my life, so that’s why we’re still okay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Rhian sa special screening ng pelikulang 10000 Hours sa Greenbelt 3 Cinema 1, kagabi, December 17.



POSITIVE BREAKUP. Bakit itinuturing ni Rhian na "positive breakup" ang nangyari sa kanila ni KC?

Tugon ng 23-year-old actress, “Yeah, of course, KC is such a good person.

"Parang there’s no… there’s no reason to be upset.

“I’m happy to still have him around.

"Yun, I have… wala… it’s actually… if there is such a thing, then it’s a good breakup.

“If there’s such a thing as a good breakup, then I have one.”

Pero ano ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

Sagot ng Genesis star, “I don’t think naman it’s important for everyone to know what exactly it was, as long as they know that it was a mutual decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We both naman agreed on it and there’s no bad blood between us, then no one should worry," medyo natawang saad ni Rhian.

Inamin ni Rhian na bago pa manalasa ang super typhoon Yolanda sa bansa, noong November 8, ay wala na sila ni KC.

Natatandaan pa ba niya ang exact date kung kailan sila nag-break?

Sagot ng aktres, “No naman, I don’t know the exact date—but before Yolanda.”

Pero sa huling panayam ng PEP kay KC, na nailathala dito sa PEP noong November 27, walang pagtukoy ang radio-TV host na nagtapos na pala ang relasyon nila ni Rhian.

Pinuri pa nga ni KC si Rhian at sinabing sa paningin niya ay walang nagagawang mali ang Kapuso actress.

Read: KC Montero on girlfriend Rhian Ramos: "Everything she does drives me crazy, in a good way."



LIFETIME FRIEND. Ayon din kay Rhian, walang kaso kung nagdi-date at nagkikita pa rin sila ni KC kahit wala na sila.

Paliwanag niya, “Because we’re okay at saka, ayun na nga, that’s what I’m saying na parang...

"Sometimes kasi, the people that you really wanna keep in your life, you just make sure they’re there.

"And you don’t let anything—like a relationship or maybe a failed relationship like that—you don’t like that kind of thing to affect you.

"Because the people naman that you take to your old age are your friends.

“And that’s what I want him to be, I wanted a friend.

"I want him to be a friend that I can have around for a lifetime.”

Bukas ba sila pareho sa posibleng pagbabalikan?

Sagot ni Rhian, “Uhm, I don’t know, I don’t know.

“I haven’t really figured out what I want to do for my lovelife, for the next few years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So I don’t… I mean, I can’t tell the future. I can’t tell the future.

"I’m just saying na parang we get along, he’s a good person...

"I don’t know, I don’t wanna close any doors.

"I don’t want to decide because I am not a fortune-teller, so I don’t know.

"I don’t know.”

Nagkasawaan ba sila sa kanilang relasyon?

Sabi ni Rhian, “No, I’m constantly seeing him right now, so it’s not a sawa problem.

"It’s just something that we decided together.”



READY TO ENTERTAIN NEW SUITORS? Hindi rin itinago ni Rhian na may pagmamahal pa siyang nararamdaman para kay KC.

“Oo naman… he always has a special place in my life and my heart.

“Wala, he’ll know that naman, e, because, ayun nga, we’ve been broken up for a while, but we still hang out because we love each other like that.

"We like each other’s company.

"And he’s a good person, he’s mature, you know...

"We don’t have to handle, like, any kind of sisihan or bitterness because we’re okay with it.”

Nanghihinayang ba siya na sa hiwalayan din nauwi ang kanilang relasyon?

“No naman, I think it’s life. I think life’s like that.”

Handa na bang mag-entertain ng mga bagong manliligaw si Rhian?

Sagot ni Rhian, “No, not really. I wanna fly solo for a while.

“Parang, I just wanna be able to take the next bit of time to discover myself and be good to me and, wala, just grow up by myself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN