Willie Revillame reconciles with composer Lito Camo; collaborate on new Christmas song

Pagkatapos magkaroon ng tampuhan ay nagkaayos na rin ang TV host na si Willie Revillame (kanan) at ang singer-composer na si Lito Camo. Pahayag ni Willie tungkol kay Lito, "Kasi itong taong ito, simpleng tao lang. Pero mabuti, magaling. Magaling gumawa [ng kanta]. Yung mga kanta niya, lahat halos nagbigay ng saya—‘Spaghetti Song,’ ‘Ocho-Ocho,’ yung kanta kong ‘Giling-giling,’ kanta kong ‘Boomtarat-tara


Isang linggo na lang at Pasko na, ngunit ngayon pa lang ini-launch ni Willie Revillame ang kanyang Christmas album—ang Christmas Wish—sa ilalim ng MCA Universal.

Ginanap ang album launching sa pag-aari ni Willie na Wil Tower, sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City, kaninang tanghali, December 18.

Paliwanag ni Willie kung bakit ngayon lang niya ini-launch ang kanyang album, “Biglaan lahat, e… siyempre lahat tayo nakikiramdam sa Tacloban.

“Parang feeling ko, this is the right time na makapagbigay ako ng kanta sa kanila.”

Inaalay ni Willie ang kantang “Christmas Wish” sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

At sa Linggo, December 22, pupunta raw siya sa Tacloban City upang magbigay ng kasiyahan sa mga biktima ng kalamidad doon.

Sabi ni Willie, “It’s a big event para sa akin… eto siguro ang makakapagpawi ng lungkot sa kanila.

“May prizes, may games… katulad ng ginagawa ko po sa Wowowee, sa Wowowillie.

“Gagawin po natin yun sa Tacloban, sa Sunday po ‘yan.

“It will surely be a big event sa Tacloban. Sa sarili ko pong pag-iisip ‘yan…”

Naging inspirasyon daw ni Willie ang mga taga-Tacloban kaya kinausap niya ang composer na si Lito Camo na igawa siya ng kanta para sa mga ito.

“So, talagang pinagmadali ko ‘to para sa kanila, para magbigay ng saya sa Tacloban at makantahan ko sila ng Christmas song.

“Napakaganda naman po ng kanta,” sabi ni Willie.

LITO CAMO. Nagulat naman ang ilang miyembro ng media nang makita sa album launch kanina ang singer-composer na si Lito Camo.

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa noong 2011 pagkatapos gawan ng theme song ni Lito ang defunct noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!

Noong panahon kasing iyon ay may tampuhan din si Willie at ang hosts ng Happy Yipee Yehey! na sina John Estrada at Randy Santiago dahil sa pagtanggap nila ng programa ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Lito Camo reveals reason of misunderstanding with Willie Revillame; says he’s just doing his job

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Willie kung paano sila nagkaayos ni Lito, ngunit hinayaan niyang ang composer na ang sumagot ng tanong.

Saad ni Lito, “Ganito lang po siguro talaga yung buhay. Minsan dumaraan tayo sa mga pagsubok.

“Kumbaga, parang kalsada ‘yan, e, minsan may lubak-lubak…

“So, nagpapasalamat ako dahil si Willie talaga ay totoong kaibigan ko.

“Sa lahat ng mga showbiz [personalities] na nakilala ko, siya yung pinakamabait kong naging kaibigan.

“Kumbaga, tampuhan lang kasi yung sa amin.

“Sabi ko nga, hindi ako naniniwala na hindi kami magkakaayos.

“Salamat sa Diyos at muli kaming nandito, magkasama kami sa project na ‘to ngayon.

“Dahil nga po sa album na ‘to, Christmas Wish na ‘to, kumbaga, e, nag-bonding nang maayos.

“Muling bumalik yung aming ngiti at pakikipagkaibigan.

“At siyempre, salamat dahil hanggang ngayon, magkasama pa rin kami ni Willie.

“At sana, kung saan man siya dalhin ng tadhana, kung saan man siya dalhin ng panahon e nandito lang kami na kanyang mga kaibigan na laging sumusuporta sa kanya.”

Tinanong din ng PEP si Willie kung paano lumambot ang puso niya para kay Lito.

Sagot ng TV host, “Parang ano lang naman ‘yan, e, tampuhang magkapatid. Parang ganun lang ‘yan.

“Pero naayos naman… mga simpleng bagay lang naman ‘yan. Parang tampuhang purorot lang ‘yan.

“Kasi itong taong ito, simpleng tao lang. Pero mabuti, magaling. Magaling gumawa [ng kanta].

“Yung mga kanta niya, lahat halos nagbigay ng saya—‘Spaghetti Song,’ ‘Ocho-Ocho,’ yung kanta kong ‘Giling-giling,’ kanta kong ‘Boomtarat-tarat.’

“Sayang kung mawala sa buhay ko ‘to, kasi magaling na tao.

“Kaya natutuwa din ako dahil nanalo siya bilang board member ng Mindoro.”



WILLIE’S CHRISTMAS. Paano naman ipagdiriwang ni Willie ang Pasko ngayong taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Ganun din, simple lang… dun lang siguro ako sa Tagaytay.”

Iba ba ngayon ang Pasko niya kumpara sa nakaraan?

“Pareho lang naman. Hindi ka naman kailangang magbago, e.

“Kung ano ang ginagawa ko dati, puwede ko rin namang gawin ulit yun.”

Ano ang Christmas wish ni Willie?

“Sana lahat tayo magmahalan na. Sana puro positive…

“Kaya sana pag may umaangat, lalo pa tayong maging masaya…

“Yun lang, gusto ko lahat masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN