Willie Revillame on returning to ABS-CBN: "Kung tatanggapin ako, okay. Kung hindi, ganun din naman, e."

“Actually, wala pa akong nakakausap na istasyon, wala rin namang nakikipag-usap sa akin. Two months pa lang naman akong nagbabakasyon, e. Baka next year pa ‘yan kung mayroon mang negotiation,” saad ni Willie Revillame tungkol sa pagbabalik niya sa telebisyon.


Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang magpaalam sa ere ang variety game show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wowowillie.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung kailan siya ulit mapapanood sa TV ng kanyang mga tagasubaybay.

Sabi ni Willie, “Actually, meron akong interview kay Joey de Leon sa Startalk… may one-on-one interview ako sa Startalk this Saturday [December 21].

“Pero yung talagang show ko, wala pa, e.

“Actually, wala pa akong nakakausap na istasyon, wala rin namang nakikipag-usap sa akin.

“Two months pa lang naman akong nagbabakasyon, e.

“Baka next year pa ‘yan kung mayroon mang negotiation.”

Isa pa, hindi priority ni Willie ngayon ang magbalik sa telebisyon dahil marami pa siyang ibang pinagkakaabalahan.

“Kasi nagko-concentrate din ako sa ipinapagawa kong five-star hotel sa Tagaytay.

“At the same time, one week from now, mag-e-expand ‘tong mall sa kabila,” sabi niya, na ang tinutukoy ay ang Wil Tower, kung saan magkasosyo sila ni former Senator Manny Villar.



WILLIE TO RETURN TO ABS-CBN? Sa presscon para sa launching ng Christmas album ni Willie kaninang tanghali, December 18, naroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

Dito ay tinanong ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual ang TV host kung bukas pa rin ba ang kanyang pintuan para sa ABS-CBN.

Naging masalimuot ang paghihiwalay ng landas ni Willie at ng ABS-CBN noong 2010 at nauwi pa nga ito sa demandahan.

Si Willie ang host noon ng hit noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

Noong May 2010 ay nagbantang magre-resign si Willie mula sa kanyang programa sa ABS-CBN kung hindi tatanggalin ng management ang noo’y The Buzz segment host at radio host na si Jobert Sucaldito.

Ayon kay Willie, halos isang taon na siyang "tinitira" ni Jobert sa radio program nitong Showbiz Mismo sa dzMM, na pag-aari rin ng Kapamilya network.

Kalaunan ay umalis na nang tuluyan sa ABS-CBN si Willie at lumipat sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Willie Revillame asks ABS-CBN to release him

Sagot ni Willie sa tanong ni Mario: “Alam mo, sa totoo lang, kung babalik ako sa ABS-CBN, gusto ko pa rin ang WowoweeWowowee pa rin.

“Kasi ‘yang Wowowee na ‘yan, yun ang nagbigay sa akin ng lahat ng ito.”

Ang tinutukoy ni Willie ay ang Wil Tower—ang building na pag-aari nila ni Senator Villar sa tapat mismo ng ABS-CBN sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City—kung saan ginanap ang album launch.

“During the time na nasa ABS-CBN ang Wowowee, dun ko nabili ‘tong tatlong lupa na ‘to, sabay-sabay.

“For a span of one month, binili ko ‘to, sabay-sabay. Binayaran ko ng cash…”

Ang unang plano raw kasi noon ni Willie ay magkaroon ng theater para sa TFC (The Filipino Channel) viewers ng Wowowee.

Dahil nasa tapat lang ng ABS-CBN ang Wil Tower, gusto raw niya noong magkaroon ng bridge sa pagitan upang madaling makatawid ang mga manonood ng Wowowee at empleyado ng Kapamilya network.

“Parang ganun yung vision ko dati pa, parang MGM.

“Sa labas may kainan, pagpasok mo, auditorium na.

“So, kung babalik ako ng ABS-CBN, kung may usapan, gusto ko Wowowee pa rin.

“Maghihintay lang ako…

“Kung sa Channel 7 man, kung may offer man silang ganun, gusto ko ganun pa rin ang concept.”



UTANG NA LOOB. Hindi naman ipinagkakaila ni Willie na malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng labindalawang taon.

Sabi niya, “Dahil during that time, eto yung naipundar ko, during Wowowee.

“Ngayon naman, nung lumipat naman ako, nakabili naman ako ng eroplano.

“Nakabili naman ako ng mga lupa sa Tagaytay, na pinapatayuan ko naman ng five-star hotel ngayon.

“So, ibig sabihin, yung mga istasyon na ‘to, nabigyan ako ng magandang buhay.

“At siyempre, yung mga kababayan natin na talagang nagmahal sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Willie, “Ako naman, wala naman akong hinanakit, e.

“Kung nangyari man ‘yon, puwede naman akong magpakumbaba, humingi ng tawad kung sino ang nasaktan kung sino man ‘yan.

“Alam mo, lagi nasa puso natin, forgiveness, e.

“Kung nagkamali ako, pasensiya na, ganun talaga.

“Masyado lang akong nagko-concentrate sa programang ‘yan [Wowowee], maliit na bagay, naaapektuhan ka.

“E, sa akin, balewala na ‘yan.

“Kung tatanggapin ako, okay. Kung hindi, ganun din naman, e.

“Kung sino man ang tumulong sa akin sa 2014, basta gusto kong programa, parang Wowowee pa rin.

“Opening, sumasayaw, kumakanta. Gusto ko nakikita yung mga nanay, lola…

“At nagbibigay ng papremyo, ng jacket, bigay ng cell phone, bigay ng pera—yun ang gusto ko.”



AIRPLANE BUSINESS. Nabanggit din ni Willie na inarkila ng ABS-CBN ang kanyang private plane para sa Sagip Kapamilya, na naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Actually, nirentahan ng Sagip Kapamilya for one month, ng ABS-CBN, nagdadala ng relief goods.

“Pumayag ako… nirentahan nila ‘yon,” sabi niya.

Ipinaliwanag naman ni Willie kung bakit pinabayaran pa niya ito samantalang para sa kawanggawa naman ang ginagawa ng ABS-CBN.

“May babayaran kang piloto… hindi naman libre ang piloto, e.

“Babayaran mo ang gasolina. Babayaran mo ang chef niyan... so yun ang mga babayaran mo.

“Napakamahal ng gas niyan. From Manila to Hong Kong, kailangan mo ng P300,000 or more than that.”’



BIR ISSUE. Naitanong din kay Willie ang isyu ng kaibigan niyang si Manny Pacquiao sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Si Willie kasi ang naging top celebrity taxpayer noong 2012 pagkatapos niyang magbayad ng halos P64 million na buwis.

Read: Willie Revillame tops BIR 2012 list of celebrity taxpayers; Kris Aquino drops to sixth place

Saad ni Willie tungkol sa isyu ni Manny, “Iba naman kasi yung case niya, di ba? Lumalaban siya sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa akin, nandito lang naman ako, binabayaran ko naman yung mga dapat kong bayaran.

“So, I pay my taxes nang totoo. Kasi, yun naman ang nakalagay talaga, e.

“Saka hindi mo puwedeng dayain dahil nakikita nila, e, kung ano yung sinusuweldo mo.

“So you have to pay your taxes.

“Yung kay Manny iba, iba ang caliber ni Manny, lumalaban sa ibang bansa.

“So, kumikita siya roon, hindi ko alam yung naging problema niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN