Miss International 2013 Bea Rose Santiago dedicates win to Yolanda victims

Bukod sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, naging inspirasyon din daw ni Bea Rose Santiago sa kanyang paglaban sa Miss Internatiobnal 2013 ang mga kababayan niya sa Cataingan, Masbate. Sabi ni Bea, "Kasi noong Binibini pa ako, hanggang sa naging International na, sobrang supportive [sila]. I think also, that pushed me to be motivated and to win."


Ikinuwento ni Bea Rose Santiago ang mga paghahanda at ang kanyang mga karanasan sa Miss International 2013 sa phone-patch interview sa kanya ni Jessica Soho sa State of the Nation kagabi, December 18.

Si Bea ang nag-uwi ng korona sa beauty pageant na ginanap sa Tokyo, Japan noong December 17.

Read: Bea Rose Santiago takes the Miss International 2013 crown

Sabi ng ika-limang Miss International mula sa Pilipinas, "Pinaghandaan ko po dahil I’m the last alas of Binibining Pilipinas, so talagang pinagbuhusan nila ako ng atensiyon, ng oras, effort, lahat.

"Even Mrs. Araneta [Stella Marquez-Araneta, Binibining Pilipinas Charities, Inc. chairman], pinaghandaan niya ang damit ko, like sobrang prepared siya for me.

"And siguro dahil sa atensiyon na nabigay niya sa akin, sobrang naganahan ako."

Dagdag ni Bea, "Sobrang inspired din ako because also I dedicated my pageant for Yolanda victims.

"I visited one of the areas, in Capiz actually, kaya rin na-inspired ako na gumawa ng speech ko dahil after that experience, gusto ko i-dedicate yung everything for my country—the Philippines.

"Kaya nga noong nanalo ako, I said, ’This is for the Philippines."



TOP RANK. Kinumpirma rin ni Bea na mataas talaga ang ranking niya sa Miss International judges.

Kuwento niya, "I talked to some of the judges.

"They told me na even before pa ako magsalita, mataas talaga yung rank ko, kasi sobrang classy raw po ng everything... the package.

"I guess na-feel ko talaga ang araw na ‘yon was for me, kalma ako masyado.

"Sabi ko, ’Lord, I will just give it all. Ikaw na po ang bahala.’

"Gusto ko maka-top three lang ako kasi natatakot ako na mapahiya sa Yolanda [victims].

"Yun lang po talaga ang gusto ko, mag-top three ako, para hindi ako umuwi sa Pilipinas na luhaan."



FORD MODEL. Ayon pa kay Bea, nakatulong sa kanya ang pagiging model niya noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Iba po kasi ang modelling at pageant, pero nakatulong talaga sa pag-model ko is the confidence.

"Kasi when I was in modelling, I was just seventeen. Kaka-seventeen ko lang.

"I was discovered by Ford Models so, after that, I guess at a young age, I become independent. I become very confident about myself.

"And siguro, because of that also, sobrang kumportable ako, hindi ako nahihiya na makihalubilo, maki-socialize sa ibang delegates.

"I guess that’s also an edge for me kasi medyo marunong na ako mag-socialize because of my modelling."

SUPPORT FROM MASBATE. Nagpasalamat din si Bea sa suportang ibinigay sa kanya ng mga kababayan niya sa Masbate.

"Yung mga taga Cataingan po, lahat sila nakatutok po.

"Mahirap po yung Internet sa... masyadong maliit ang town ko, so mahirap ang Internet. Parang pre-paid po.

"So they had actually an effort, talagang bumili sila ng pang-Internet just to watch.

"And they had dinner in front of it and then they waited.

"I’ve seen it sa Facebook and so my family, my friends...

"Kasi yung mga kababayan ko po, they’re not just my fans, they’re actually my friends and family.

"Kasi sobrang close po kami lahat and tulung-tulong talaga.

"Napi-feel ko, sobrang inspired ako.

"Kasi noong Binibini pa ako, hanggang sa naging International na, sobrang supportive [sila].

"I think also, that pushed me to be motivated and to win.

"So I’m very thankful sa lahat ng mga taga-Masbate, lalo na sa mga taga-Cataingan.

"I love you so much I cannot wait to come back home and just hug everyone of you."

Kinumpirma rin ni Bea na babalik siya sa Pilipinas bago mag-Pasko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN