Bela Padilla admits to being cast by producer-boyfriend Neil Arce in 10,000 Hours

Ayon kay Bela Padilla, akala niya noon ay kung sino ang magiging boyfriend niya, yun ang kanyang mapapangasawa. Hanggang nakilala niya ang kasalukuyan niyang boyfriend na si Neil Arce. Kuwento ni Bela, “Hindi kasi ako ganoon na magbe-break kami, tapos iba naman… ayoko ng ganoon. Ayoko nang ganoon, e—yung palit-palit ng boyfriend. So I saw Neil, kasi nga, he’s a very serious type of person, and I’m like that also.”


Kung wala raw romantic connection si Bela Padilla sa young businessman na si Neil Arce, posibleng hindi napasama ang aktres sa cast ng 10000 Hours.

Si Neil, na current boyfriend ni Bela, ang isa sa mga financier-producer ng pelikulang 10000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padlla.

Sabi ni Bela tungkol dito, “Well, talagang big factor ‘yan dahil sa tingin ko, silang dalawa lang ni Boy2 [Quizon]... at si Nick [Nicolo Juban] pala.

“Silang tatlo lang naman ang makakaisip ng ganitong project na ganito ka-daring and they’re really pushing the boundaries.

“Ang maipagmamalaki namin is this a movie that has never been seen before.

“Talagang hindi mo masabing may parang ganooon yung story.

“Eto, parang babaguhin nila yung kaisipan ng mga audience natin, so I’m thankful.

“Kung totoo mang nakuha lang ako dahil girlfriend ako ni Neil, well, salamat, dahil I’m so happy to be part of this project.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa presscon ng 10000 Hours last week.


PROUD CAST MEMBER. Hindi isinasantabi ni Bela na puwede namang kumuha ng ibang artistang babae ang mga producers ng 10000 Hours para sa role niya.

Aniya, “And I’m sure na kung ibang artista ang kinuha nila, magagawa rin naman yung role.

“Pero I think, I gave my own twist to the character and I’m very proud of my performance here.

“Manalo man o hindi, or kahit saan mapunta yung story ng character after nito, medyo maki-claim ko na akin siya.

“Minahal ko itong character na ito.”


TALENT FEE. Binabaan ba niya ang kanyang professional fee dahil project ito ng kanyang boyfriend at pinagbibidahan naman ng kanyang tiyuhin?

Mabilis na sagot ng mestisahing aktres, “Hindi naman, dumaan sila sa tamang proseso.

“Tinanong nila yung manager ko kung magkano yung talent fee ko, lalo na ganitong kahaba yung scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi dumaan sa akin, hindi ko alam kung paano sila nag-end up sa TF [talent fee] ko.”

Hindi ba ikinunsidera ang pagiging magkasintahan nila ni Neil para mabigyan ng discount sa professional fee niya?

“Hindi naman, hindi naman,” giit niya.

“Walang ganoon, ginawa nila yung tama, lahat kami.

“Kunwari, ako, girlfriend ako, and Carla [Humphries] is one of the best friends of Dos [Boy2] and Neil, sinunod nilang lahat.

“At the end of the day, nagtatrabaho pa rin kaming lahat dito, hindi kami nagtsitsikahan lang.

“So, lahat kami, sinunod yung TF namin kung ano yung dapat.

“Although kung humingi sila ng discount, puwede ko naman silang bigyan.

“Pero hindi, so okey lang naman yun.”


PROFESSIONALISM. Paano niya inihiwalay ang professional sa personal treatment, lalo’t magkasama sila ni Neil sa production?

Sagot ni Bela, “Hindi naman, actually hindi naman ganoon, hindi naman siya yung nasa set palagi.

“Ako, dumating ako… like ang call time namin is seven, nandoon na kami ng 7 a.m.

“Yung mga EP [executive producers] namin, hindi naman necessarily dumadating ng seven.

“So, parang normal taping lang yung ginawa ko or shooting, hindi naman extra special.

“I guess, all of us got special treatment, kasi iba yung production namin.

“Yung catering pa lang namin, sobrang bongga.”

Sweet ba sila ni Neil sa set?

Sabi ni Bela, “Ay, hindi, hindi naman ako ganoong klaseng tao.

“I wouldn’t do that on the set, nakakahiya, hindi ako yung tipo na ganoon.

“Although pag nagalingan siya sa eksena ko, lalapit siya sa akin, tapos sasabihin niya, ‘It’s nice.’

“Or pag nakulangan siya, siyempre EP ko siya, e, kung ano yung criticism niya, like, ‘O, kulang yun,’ papakinggan ko yun.”


SERIOUS RELATIONSHIP. Paano kung umabot din sa hiwalayan ang relasyon nila ni Neil?

Tugon ni Bela, “Sad naman noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nga kasi ako yung type na maraming dini-date.

“Ayoko, e, Neil is my only second [boyfriend].

“Before, when I was a kid, ang iniisip ko, kung sino yung magiging boyfriend ko, yun ang mapapangasawa ko.

“Ngayong tumanda ako, hindi pala realistic, hindi naman pala ganoon ka-happy ang buhay in reality.

“Ayoko nang ganoon, e—yung palit-palit ng boyfriend.

“So I saw Neil, kasi nga, he’s a very serious type of person, and I’m like that also. So, I hope not.

“Hindi kasi ako ganoon na magbe-break kami, tapos iba naman… ayoko ng ganoon.”

Nakikita ba ni Bela si Neil na ang lalaking pakakasalan niya?

Pagsisiguro niya, “Oo, pero in a very, very distant future pa. Twenty-two pa lang ako.

“So, yun nga, hindi ko nakikita ang sarili ko na magde-date pa ng ibang tao.”

ISSUE WITH AN EDITOR. Nilinaw naman ni Bela ang tungkol sa issue ni Neil at ng entertainment editor-writer na si Joey Sarmiento.

Matatandaang nagkaroon ng kumporontasyon ang dalawa sa set ng 10000 Hours noong Agosto dahil diumano sa mga isinulat noon ni Joey tungkol kay Bela.

Read: Entertainment editor files charges against Bela Padilla’s boyfriend; Neil Arce denies accusations

Saad ni Bela, “Well, actually I wasn’t there naman.

“I heard kasi na maraming tao sa set doon. I know they have fixed it up already.

“When I was younger kasi, Joey was giving me a hard time, mga write-ups.

“And I never knew what to say and I’m only seventeen [years old] and I didn’t know how to answer back, I was scared.

“I was too in love with my career, parang hindi ko alam gagawin ko kahit ano.

“Kahit ipagtanggol ang sarili ko para lang mag-stay dito, dahil gusto ko itong ginagawa ko.

“Pero when I look back, I should have said something before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I forgot that already and I have forgiven him for whatever he said that was untrue.

“So, I guess, it’s a learning lesson for all us na next time, don’t do things that would give you bad consequences.

“Ako, I’m clean, I’m safe with that.

"Alam kong wala akong ginawa, alam kong walang ginawa si Neil.

“Ang daming tao doon. Kung meron siyang maling ginawa, pagsasabihan rin siya.

“So, I hope it’s a learning lesson for everybody.”


CHRISTMAS, 2014 PLANS. Ano naman ang Christmas plans ni Bela?

Sabi niya, “Manonood ako ng sine, ng 10000 Hours!

“I don’t celebrate Christmas talaga, pero this year, I have something to look forward to.

“I have a movie na maipagmamalaki ko na gusto kong mapanood ng lahat."

Imbita niya, “Nasa sinehan ako, abangan ninyo, baka magkita-kita tayo.”

Ano naman ang maaasahan ng mga fans kay Bela ngayong 2014?

Lahad niya, “I have a TV show shot in Singapore, so that’s coming out late this December yun, Point of Entry, TV show siya doon.

“Malapit na siyang ipalabas.

“Actually, nagisismula na yung promo nila doon kaya pabalik-balik ako, kasi tumutulong ako sa promo.

“Wala akong show sa GMA-7, pinag-uusapan pa namin.

“Manager Miss Gigi [Santiago-Lara, AVP for Alternative Productions] offered me a show couple of days ago.

“We’re not sure yet kung magagawa ko siya at kung yun nga ang role na magagawa ko next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN