Megastar Sharon Cuneta takes to Twitter once more to criticize house guest snooping around without permission

Ito ang larawang ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account kahapon, December 28. Mensahe niya sa mga tagahanga: "Have a beautiful holiday season, and a blessed 2014! Love from all of us.:-)" Kasama niya sa larawan ang asawang si Francis Pangilinan, mga anak na sina KC, Frankie, Miel at Miguel.

Ngayong araw naman, December 29, naghayag din sa Twitter ng pagka-inis si Sharon sa isa daw bisita nila sa kanilang bahay na nangialam sa kanya


Kahit ilang araw na lang at magbabagong taon na, hindi pa rin nagpaawat ang Megastar na si Sharon Cuneta sa pagpapayahag ng hinaing sa social networking site na Twitter.

Ngayong Linggo, December 29, mga bandang alas-dos pasado ng hapon, may sunod-sunod na tweets si Sharon tungkol sa isang bisita sa kanilang bahay na nangialam diumano sa kanyang mga iniingatang kagamitan.

Nalaman lang daw niya ito sa isa niyang kasambahay.

Kahit daw ang mga pinsan niya, kapatid, o kaya’y mga malalapit na kaibigan ay hindi nangangahas galawin ang kanyang mga mahahalagang gamit na nakalagay sa pribadong bahagi ng bahay.

Iritadong tweet ng Kapatid star: "One of my pet peeves is the pagka-pamilyar ng ibang tao. Even if they’re considered ’friends.’"

Narito ang sunud-sunod na tweet ni Sharon.

“Don’t you just hate it when you find out from 1 of your kasambahay that one of your guests was snooping around your stuff w/out asking you first?”

“I’m very private when it comes to my books, kitchen stuff and all, that’s why they are stored away from where people can just enter, the common areas. I would never give myself a ’tour’ of someone’s house w/out asking permission first.”

“Even my Sotto cousins or brother would’nt do that. Even my closest friends would never. Hay talaga. One of my pet peeves is the pagka-pamilyar ng ibang tao. Even if they’re considered ’friends.’"


SHARON TWITTER-CON. Matapos ng sunod-sunod na tweets ni Sharon, sumagot naman ito sa ilang katanungan ng kanyang mga followers.

Dito ay nagbigay-detalye ang Megastar sa kanyang karanansan sa mga diumano’y “umaabusong tao.”

Ayon kay @pinpin1224, “@sharon_cuneta12 As in Take some of your stuff? Makapal talaga, with your generosity over the years sobrang inaabuso na talaga family nyo,tc.”

Tugon ni Shawie, “@pinpin1224 naku napakadami! Once nga I had a photo shoot for a magazine. Kung sino-sino na ang sinama. I caught one guy taking pictures of parts of my house, my paintings... Hay naku!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pang tweet nito, “Or people who ’invite’ themselves to your house, like kunyari may ihahatid sa yo or whatever kasi ang tagal na, di month iniimbita! Hahaha."

“Or party-crashers! I mean, if I’m not invited to a party, kahit kilala ko ang nagpapa-party, di ako pupunta! Kasi may hiya ako! Hahahaha! Once there was this person who told me na basta sa debut ni KC pupunta ako kahit di mo ako imbitahin! Ngee!”

Mensahe naman ni @dennisvquinones, “@sharon_cuneta12 be thankful that even u dint invite them, they can still remember u and give u something.”

Tugon niya, “@dennisvquinones but it’s called ’bad manners’ because you need to be sensitive to the hosts’ guest headcount, budget, seating, etc. You simply mustn’t impose.”

USER-FRIENDLY. Kasunod namang tweet ni Sharon ang tungkol sa mga “nagpi-feeling close” at “nanggagamit” na kaibigan.

Saad niya, “And if I haven’t spent time w/ you making you kuwento in years, you can’t really say we’re close and that you KNOW me, right? Plus -- it scares me when I’m nice to someone and then biglang they think they’re your best friend! Ngee!”

Dugtong pa niya, “What about ’friends’ na after ka pagkakitaan at pakitaan month ng kabutihan ng ilang taon, eh would talk behind your back? Siempre may nagsusumbong sa akin kasi siguro mabuti naman akong tao! Kaya I’m editing my list of so-called ’friends’ kasi ayoko na magamit o maabuso. Life’s too short to waste time on such people.”

Isang follower na may handle name na @gikagik ang nag-comment na, “@sharon_cuneta12 aaaay naku! magpapaka nanay puring nalang tayo...deadma na deadly dapat!”

Tugon niya, “@gikagik sakit lang cos ni-love ko sya/sila talaga.”

Dagdag pa niya, “@gikagik sukdulan naman talaga sya before pa. Pag sa harap ko parang akin na akin sya pero pagtalikod ko naku!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ng kanilang conversation, may binanggit na pangalan ang Megastar. Saad niya, “@gikagik di ba gik? Sakit ah! Pero expected ko na yun matagal na nya ako ginaganyan. Eh one of my closest friends na si Louie. Hahahaha!”

Hindi naman malinaw kung sino ang “Louie” na tinutukoy ni Sharon.

Pero, Agosto ngayong taon, sa pamamagitan din ng Twitter, nagparinig si Sharon tungkol sa isang pagkakaibigang namayapa daw. Ito kaya ang tinutukoy na kaibigan ni Shawie?

READ: Sharon Cuneta vents sentiment over friendship that died on Twitter

Sa ilan pang tweets ni Sharon, may tinawag pa siyang salot na nag-komento dahil masyadong foul ang sinabi nito.

Sa huli, sinabi ni Sharon na nami-miss na raw niya ang kanyang mga kapamilya.

Aniya, “Right now I am missing my Sotto family. Planning to see them soon when they’re complete and everyone who’s away is back in Manila!”

TWITTER WARS. Hindi na bago ang ganitong mga pasaring at patutsada ni Sharon sa Twitter.

Late 2012, nakipagsagutan siya sa mga fans ni Piolo Pascual, matapos siyang i-bash ng mga ito nang maghiwalay sina Piolo at anak ni Sharon na si KC Concepcion.

READ: Sharon Cuneta engages in another Twitter spat with Piolo Pascual’s fans

Nitong September 2013 naman, naghayag ng sama ng loob si Sharon sa Twitter din, matapos madawit ang pangalan ng kanyang asawang si former Senator Francis Pangilinan sa privilege speech ni Senator Jinggoy Estrada sa senado tungkol sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

READ: Sharon Cuneta defends husband Kiko Pangilinan against Senator Jinggoy Estrada

Noong Hulyo ng taon ding ito, nagsabi na ang Megastar na ibabaon na niya ang “maldita” phase niyang ito sa Twitter.

READ: Sharon Cuneta overcomes her "maldita" phase on Twitter

Sa kasalukuyan, si Sharon ay may followers sa Twitter na umaabot sa 680,763.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN