Angel Locsin visits tomb of Miko Sotto on his 10th death anniversary

Sampung taon matapos pumanaw ang boyfriend na si Miko Sotto, aminado si Angel Locsin na tuwing araw ng kamatayan nito ay nakakaramdam pa rin niya ng labis na kalungkutan.


“…today is the saddest day of my life.”

Ito ang bahagi ng post ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account (@therealangellocsin) kahapon, December 29.

Kahapon ang ika-sampung taong anibersaryo ng kamatayan ng aktor na si Miko Sotto, ang dating nobyo ni Angel.

Kagagaling lamang ng 28-year-old actress sa isang cruise kasama ang kanyang mga kapamilya, nang dumiretso siya sa himlayan ng dating kasintahan, sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang larawan ng puntod ni Miko.

Sabi niya sa caption, “Visited Miko from airport :) today is the saddest day of my life. At hindi ko kalilimutan. It’s been 10 years. So, ayun.. pakisama na lang po sya sa prayers nyo :) ”



10 YEARS AFTER. Madaling araw ng December 29, 2003, nang aksidenteng mahulog si Miko mula sa ika-siyam na palapag ng kanyang tinitirhang condominium, sa San Francisco Gardens, sa Mandaluyong City.

Marcelino Antonio Carag Sotto III ang kumpletong pangalan ni Miko.

Anak siya ng TV personality na si Ali Sotto at Maru Sotto, ang nakababatang kapatid ng mga kilalang Eat Bulaga! hosts na sina Tito at Vic Sotto.

Si Miko ay 21 years old noon.

Idineklara siyang dead on arrival sa Mandaluyong City Medical Center bandang 4:50 ng umaga.

Si Miko ang napapabalitang boyfriend noon ni Angel, na noo’y nagsisimula pa lang pumalaot sa industriya ng showbiz.

Inamin naman ni Angel na si Miko nga ang kanyang first love.

Marahil, dahil parehong nagdadalamhati sina Angel at Oyo Boy Sotto, na pinsan at best friend ni Miko, napalapit sila nang husto at nagkarelasyon.

Sinabi nila noon na humingi nga raw sila ng "sign" kay Miko na pumapayag siya. At isang gabi raw na maulap-ulap ang kalawakan, habang nakatanaw dito sina Angel at Oyo ay biglang naglabasan ang maraming nagkikislapang mga bituin.

READ: Angel Locsin speaks up regarding the men in her life

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ALI SOTTO. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ali noong October 24—dahil sa papalapit na 10th anniversary ng kamatayan ng anak—sinabi nitong may kurot pa rin sa kanyang puso ang trahedyang sinapit ng anak.

Pero sa paglipas daw ng mga taon, natanggap na nila ang maagang pagpanaw ni Miko.

Ngunit hindi pa rin niya napigilang sabihin, na kung buhay pa ang anak ngayon, baka raw marami na siyang apo rito.

READ: Ali Sotto on her late son Miko’s coming 10th death anniversary: “My tears are a celebration of my love for Miko.”

Bago pa man ilibing si Miko noon, nai-donate na nina Ali ang mga mata nito sa Eye Bank, na kalaunan ay naibigay naman sa dalawang cornea patients ng foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN