Angeli Dione Gomez wins Miss Tourism International 2013/2014 crown

Kagabi, December 31, ay napagwagian ni Angeli Dione Gomez ng Pilipinas ang titulong Miss Tourism International 2013/2014 na ginanap sa Malaysia.

Ito na rin ang pangalawang Miss Tourism International title ng bansa dahil noong nakaraang taon, ang kapwa Cebuano na si Rizzini Alexis Gomez ang nanalo ng korona.


Panahon nga ng Pilipinas ang 2013 sa timpalak ng kagandahan.

Kagabi, December 31—habang abala ang mundo sa pagsalubong sa bagong taon—itinanghal na Miss Tourism International 2013/2014 si Angeli Dione Gomez.

Si Angeli, 20, ay ang 2013 Mutya ng Pilipinas Tourism International.

Kinoronahan ang Cebuana sa Putrajaya, Malaysia.

Itinanghal naman na first runner-up ang kandidata mula sa Thailand na si Sunidporn Srisuwan at second runner-up ang kandidata mula sa host country na Malaysia na si Sarah Czarnuch.

Ayon sa ulat ng website na New Straits Times ngayong araw, January 1, 2014, sinabi ni Angeli na ang una niyang gagawin pagkatapos makoronahan ay makipagkita sa kanyang pamilya.

Aniya, “The first thing I plan to do is to meet my family whom I have not [seen] for about one month and have a nice breakfast with them tomorrow.”

Bilang Miss Tourism International, ang trabaho raw ni Angeli ay maging isang travelling ambassador sa pagpo-promote ng mga “informal international relations between countries.”

Magiging daan daw siya sa pagpapalaganap ng mensahe ng kapayapaan, kabutihan, at pagkakaibigan.

Noong nakaraang taon, si Rizzini Alexis Gomez, isa ring Cebuana, ang nag-uwi sa Pilipinas ng unang korona bilang Miss Tourism International.

Hindi malinaw kung magkamag-anak sina Angeli at Rizzini, na parehong Gomez ang apelyido.

Tinapos ni Angeli ang taong 2013 ng isa pang tagumpay sa larangan ng international beauty pageants.

Noong December 17, kinoronahan sa Japan si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013.

Kabilang sa mga Pilipinang nagtagumpay sa mga international beauty pageants nitong 2013 ay sina Megan Young na hinirang na Miss World 2013 at Mutya Johanna Datul na hinirang na 2013 Miss Supranational.

READ: Bea Rose Santiago takes the Miss International 2013 crown

READ: Megan Young wins Miss World 2013!

READ: Mutya Johanna Datul wins Miss Supranational 2013 crown


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN