TJ Trinidad says Cinemalaya Best Supporting Actor award and newborn baby girl were highlights of his 2013

Isa sa highlights ng 2013 ni TJ Trinidad ay ang pagkapanalo niya sa Cinemalaya Independent Film Festival bilang Best Supporting Actor sa pagganap niya bilang Robert sa Sana Dati.


Bukod sa pagsilang ng pangalawa niyang anak, masasabing early Christmas and New Year’s Day gift din para kay TJ Trinidad ang pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actor sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang award ay para sa kanyang portrayal sa pelikulang Sana Dati, na ipinalabas sa mga sinehan noong July 2013.

Ito ang pinakaunang acting award ni TJ.

“I felt great! I was home when they told me, they called me up,” ang kuwento ng Kapuso actor.

FATHERLY DUTIES. Bandang August naganap ang awards night at hindi naka-attend noon si TJ.

“Wala akong yaya that night, e. It’s not because I didn’t want to, I mean I wanted to, but we didn’t have a yaya that day and, obviously, my wife was pregnant.

“So I’m the only one that can carry him coz he’s a big baby so no one can carry him really, and I put him to sleep at that time, it was also his bedtime,” pagtukoy ni TJ sa panganay nilang anak na lalaki na si Alonzo.

“So wala lang, I really couldn’t."

Nitong December 21 ay nagsilang ang misis niyang si Marga Valdes ng isang baby girl na pinangalanan nilang Renata Christianne.

READ TJ Trinidad welcomes baby girl Renata Christianne

Valid naman ang rason niya sa hindi pagdalo sa Cinemalaya awards night.

Saad pa niya, “’Tsaka it’s not easy to find a replacement kasi e for a yaya for the day, kasi there’s a certain familiarity, ’di ba?

“And kung hindi familiar yung child dun sa ano, you know, you wanna avoid those kinds of things, parang unncecessary stress.

“E, kaya ko naman e so...”

ON WINNING FIRST MAJOR AWARD. Balik sa kanyang acting award, hindi raw makapaniwala agad-agad si TJ nung nalaman niya.

Ayon kay TJ, “I was like, hindi ako makapaniwala at first, and then wala, it’s just too late for me to go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I was so happy because the project that I was involved in, Sana Dati, was such a good project.

"I was so happy coz I shot those two films back-to-back, e.

“The one that’s showing now yung sa New Wave ng MMFF [Metro Manila Film Festival], yung Mga Anino ng Kahapon, with Agot Isidro, I shot that first and then I shot Sana Dati after.

“And I was not doing any TV projects at that time so I was able to really go in each project, fully rested, no distractions.

“And I was so invested in the role and in the project so I was so happy that, you know, the product that we came up with ended up becoming such a good one, and we got a lot of praise from all the critics so I’m so happy, I’m so happy!”

Masayang-masaya si TJ sa kinalabasan ng dalawa niyang indie films.

“I’m very proud of Sana Dati and Mga Anino ng Kahapon, I think they came out, kasi you don’t know, you could never really tell how the film comes out and, I mean when you’re acting in it, ’di ba?

“Siyempre you’re just concerned about doing your part, but in terms of editing, sound-mixing, scoring, wala kang alam until you actually see it.

“Only the director would know that.”

THE BORROWED WIFE. Sa telebisyon naman ay challenging din ang papel niya sa upcoming afternoon serye ng GMA na The Borrowed Wife, na nagkaroon ng pocket presscon sa 17th floor ng GMA Network Center noong December 27.

Dito ay gaganap si TJ bilang si Earl, isang cosmetic surgeon.

Kasama rin dito bilang mga bida sina Camille Prats bilang si Maricar, Pauleen Luna bilang si Tessa, at si Rafael Rosell bilang si Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula na itong umere sa January 20, sa direksyon ni Gil Tejada Jr.

May challenge ba na ang karibal niya sa show ay si Rafael? Magtatagisan ba sila ng galing sa pag-arte, sa paguwapuhan, at sa pagandahan ng katawan?

Tumawa muna si TJ bago sumagot, “Sa kanya na yung pinakamagandang katawan, okay lang sa akin na siya yung guwapo.

“Ang hirap i-ano, if you think about those things kasi while you’re doing a project, you lose focus.

“So if the character demands something of you, it doesn’t demand you to be good-looking naman all the time or kailangan flawless yung hitsura mo.

“I mean with this soap, I’m gonna be pretty stressed-out most of the time.”

Bakit niya nasabi ito?

“Because nga I’m trying to maintain this lie to Camille’s character and present it to her as the truth,” paliwanag niya.

Dahil kasi sa isang aksidente ay mabubura ang memory ni Maricar (portrayed by Camille), at dahil nawala naman ang kanyang kasintahan, ipapalit ni Earl ang mukha nito sa nasunog na mukha ni Maricar.

Papaniwalain ng karakter niya si Maricar na siya ang karelasyon nito gayong si Richard ang kanyang tunay na asawa.

Dagdag pa ni TJ, “So I’m basically trying to live a lie. And that’s pretty stressful, di ba? You have to maintain this façade everyday. Everyday!

“So you know, it has nothing to do with... na kailangan laging guwapo.”

Ang mahalaga raw sa kanya ay ang delivery niya ng tamang pag-arte at emosyon.

Pahabol pa niya, “Yeah, yeah, okay na sa akin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN