Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."

Kim Chiu on keeping her lovelife private: “Nakikita niyo kung paano kami, kung papaano kami ma-in love. Yun na yun. Lahat naman tayo, meron tayong mga hindi dapat i-share or dapat i-share. Pero, it’s our choice, and I hope you guys respect it.”


Nag-iwan ng hindi magandang impresiyon sa ilang invited press ang naging tugon ni Kim Chiu sa isang tanong sa grand launch ng bagong pelikula niya, katambal ang ka-loveteam na si Xian Lim, kagabi, January 7.

Ginanap ang press conference ng Bride For Rent sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

During the presscon proper, tinanong ng veteran entertainment columnist na si Aster Amoyo sina Kim at Xian kung ano na ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Kadalasan kasi ay sinasabi ng dalawang "inspirasyon" nila ang isa’t isa at "very special" ang bawat isa para sa kanila, ngunit walang direktang pag-amin kung ano nga ba ang estado ng relasyon nila.

Ang pinakamalapit na sagot na nakuha ng press mula kay Kim ay ang pag-amin nito noong "exclusively dating" na sila ni Xian.

Read: Kim Chiu promises to be open about her next relationship

Kagabi, sa presscon, sabi ni Aster: “We want an honest answer.

"Kasi, nauumay na rin kami minsan. Palagi kaming nabibitin.

"May tinatanong kami, kung anu-anong pasikut-sikot ang isinasagot sa amin.

"We want an honest answer: Nasaang level na kayo ng inyong relasyon at kayo na ba, kung saka-sakali?"

Dagdag ni Aster: "We will respect kung ano ang sagot niyo."

Si Kim ang unang nagbigay ng kasagutan sa tanong.

Saad niya, “Ako, ano, sinagot na rin namin ‘to last presscon naming dalawa.

"We don’t owe you any of our personal lives, siguro.

"Kasi, you can think naman what you think, as long as you’re happy when you watch us on TV.

“Nakikita niyo kung paano kami, kung papaano kami ma-in love. Yun na yun.

“Lahat naman tayo, meron tayong mga hindi dapat i-share or dapat i-share.

"Pero, it’s our choice, and I hope you guys respect it.”

Sinegundahan naman ito ng moderator ng presscon na si Ethel Ramos, at sinabing yung malulungkot na nangyayari kay Kim ay ibinabahagi naman daw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY MOMENTS. Nang ang columnist/comedian/radio-TV host naman na si Ogie Diaz ang nagtanong, sinabi nitong hindi niya alam kung fair ba na tila hindi maibahagi ni Kim ang masasayang sandali ng buhay niya.

Lalo pa nga’t tila bagay raw sa bago nilang pelikula na Bride for Rent kung aamin na sila na nga ni Xian.

Sabi naman ni Kim, “Hindi naman po lahat ng malulungkot shinare [shared] ko. Siyempre, may masasaya rin.

"Yung mataas ang rating ng soap, blockbuster, nakakuha ako ng Best Actress award... marami rin naman po akong shinare.”

Natatawang sabi naman ni Ogie, reaksiyon daw ng ilang entertainment press sa sinabi ni Kim ay “press releases” lang naman daw ang mga iyon.

Tugon ni Kim, “Hindi naman po yun press release.

“Siyempre, utang ko rin naman po ang success ko sa mga tao.

"Na kayo [entertainment press], utang ko rin sa inyo kung ano ang narating ko ngayon.

"Siyempre, sa mga tao rin.

"At saka, yung buhay ko, simula nang lumabas ako sa TV, open book na siya.

“Kasi, nagsimula ako sa Pinoy Big Brother, alam nila kung saan ako nanggaling.

"And I also have respect for myself.

"May mga bagay na gusto akong i-share sa inyo at may mga bagay na sana, akin lang.

"Kasi, minsan lang yun."

Si Kim ang kauna-unahang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition, ang reality show ng ABS-CBN kung saan una siyang nakilala noong 2006.

LESSONS LEARNED. Tinanong naman si Kim kung may natutunan ba siya sa buhay kaya itinatago na lang niya sa sarili ang mga bagay na iyon.

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Katulad ng past relationship niya?

“Oo naman, lahat naman tayo may natutunan.

"Tulad dito sa movie, lahat ng tao, may kanya-kanyang role sa lahat ng taong nakikilala natin.

"Ako, may role ako kay Direk [Mae Czarina Cruz] sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May role ako kay Xian sa buhay niya.

“May nakikialala tayong tao. May natutunan tayong lesson.

"Hindi siya basta tao lang na dadaan lang sa buhay mo na wala kang natutunan it’s either good or bad.”

Ang huling nakarelasyon ni Kim ay ang dating ka-loveteam at housemate niya sa PBB Teen Edition na si Gerald Anderson.

Nalaman lang ng publiko ang totoong namagitan sa kanila nang mag-break na sila.

"WE DON’T OWE YOU AN EXPLANATION." Sinabi ni Ogie na posibleng ma-misinterpret ang naging pahayag niya na “we don’t owe you an explanation,” at baka isipin na nagtataray siya.

Paliwanag naman ni Kim, “Yun na nga po ang sabi ko sa inyo kanina.

"Sabi ko naman, utang ko sa inyong lahat kung nasaan ako.

"Simulan natin sa Pinoy Big Brother, hindi naman ako mananalo kung hindi dahil sa boto ng mga tao.”

Biro naman ni Ogie, puwede kayang yung pag-amin ni Kim ng relasyon nila ni Xian ang maging bayad niya sa "utang" na iyon?

“Grabe ka!” natatawang sagot ni Kim. “Lahat naman.”

Nang ang kolumnistang si Roel Villacorta ang nagtanong, tahasan nitong sinabi: “Tutal, ayaw niyong umamin, iisipin na lang namin na isang palabas lang ‘to.

"To tell you frankly, na-offend ako.

"Nakisimpatiya ako noong iwanan ka ni Gerald. Nakiiyak ako sa ‘yo, Kim.

“Ano ‘to, pampelikula lang ba ang sweetness na ‘yan? Kasi, daig niyo pa ang totoong relasyon.

"Parang niloloko niyo lang kami?”

Malumanay na tugon naman ni Kim, “Ay, aabot na po ba tayo sa ganun?”

Ngunit sa huli ay humingi na rin ng dispensa sa sinabi niyang "we don’t owe you any of our personal lives."

“At saka, sorry po, yung term ko… sorry talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN