Kim Chiu defends controversial answer to the entertainment press; says she apologized

Paliwanag ni Kim Chiu tungkol sa kanyang naging pahayag na hindi nagustuhan ng ibang miyembro ng entertainment press: “Kahit artista kami, may nararamdaman din kami kapag nasisindakan kami o iba na yung linya ng pagtatanong."


"Akala ko kagabi, magugunaw na ang mundo ko. Hindi naman pala."

Ito ang pahayag ni Kim Chiu nang hingan ng reaksiyon pagkatapos maging kontrobersiyal ng kanyang sagot sa press conference ng Bride For Rent kagabi, January 7.

Kaninang hapon, January 8, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng bloggers si Kim sa bloggers’ conference ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Xian Lim.


CONTROVERSIAL STATEMENT. Nagsimula ang isyu dahil sa sagot ni Kim na “We don’t owe you any of our personal lives,” nang tanungin ng veteran entertainment columnist na si Aster Amoyo tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian.

Hindi nagustuhan ng ilang miyembro ng entertainment media ang naging tugon ni Kim, lalo na si Aster na nag-walk out umano.

Read: Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."



KIM WAS AFFECTED. Samantala, aminado si Kim na hindi siya nakatulog kagabi dahil sa nangyari.

Pero dahil na rin sa suporta ng fans nito sa social media, ito ang naging isa sa mga status niya sa Instagram:

“people will hate you, rate you, shake you and break you. but how strong you stand is what makes you." good morning!!!:) today is another day!:) God bless everyone!:) #goodvibes #spreadthelove #thankful #grateful brideforrent jan 15 na!:)”

Read: Kim Chiu losing sleep over brouhaha on Xian Lim issue

Sa bloggers’ conference kanina, sinabi ni Kim na dahil sa words of encouragement ng kanyang mga tagasuporta, mas okay na ang pakiramdam niya ngayon.

"Talagang there’s a rainbow after a little rain," sabi ni Kim patukoy sa kanyang fans.


KIM SAYS SHE APOLOGIZED. Nakulitan ba siya sa paulit-ulit na tanong ng press tungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian?

"Medyo lang,” sagot ni Kim.

“Siyempre, tao rin naman kami.

“Kahit artista kami or something, may nararamdaman din kami kapag medyo nasisindakan kami or medyo iba na yung klase ng pagtatanong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, humingi naman siya ng sorry sa naging sagot niya sa presscon.

Itinanggi rin ni Kim ang balitang may nag-walk out na miyembro ng press nang mapikon.

"Wala namang nag-walk out. Saka nag-sorry naman ako agad,” diin ng Star Magic artist.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN