Matt Evans considers marrying non-showbiz wife a blessing

Limang buwan pa lang ang relasyon nila noon nang mag-propose si Matt Evans sa misis niya na ngayong si Katrina Fariñas. Paliwanag ni Matt, “E, gusto ko, e. Bigla ko lang naramdaman na... alam mo yun? Sabi nga nila, kahit gaano na kayo katagal, kung naramdaman mo na walang hindrance na mangyayari…"


Itinuturing ni Matt Evans na blessing ang pagpapakasal niya sa kanyang non-showbiz wife na si Katrina Fariñas.

Ngayon ay three months and a half nang buntis si Katrina sa una nilang anak ni Matt.

Ayon sa former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate, mula nang ikasal sila noong October 2013 ay pumapasok na ang ilang mga trabaho sa kanya bago pa nagsara ang nakaraang taon.

Kabilang na rito ang pelikulang Bride For Rent, na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ginagampanan dito ni Matt ang papel bilang kapatid ni Kim.

SURPRISE WEDDING. Sa presscon ng pelikula noong Martes ng gabi, January 7, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, naikuwento ni Matt sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa biglaang pagpapakasal niya noong isang taon.

Nalaman lang ng publiko na ikinasal na ang aktor nang mag-post siya sa social media ng ilang larawan na kuha sa wedding reception nila.

Ayon kay Matt, “Kasi inisip namin, ’Wala namang mababago pag ikinasal tayo. Oo, papel, may singsing, pero tayo pa rin yun, e.’

“Five months na kami nun. Biglaan lang talaga.

"Nag-uusap lang kami. Sabi ko, ’Gusto mong pakasal na tayo?’

“Nagulat siya. Akala niya nagbibiro lang ako.

"Tapos, nag-propose ako sa kanya.

“Yung mga engge-engagement ring? Wala na. Wala nang ganun.

"Nung ikinasal kami, sabay-sabay na yun.

“Actually, nasa car lang kami nun, e.

"Natatandaan ko, Thursday yun ng umaga, papunta kami ng taping.

“Yun nga, sabi ko, ’Pakasal na tayo.’

"Tapos hindi siya naniniwala. Sabi ko, ’Gusto mo, Linggo, e.’

“E, walang office ng Sunday.”

Twenty-five years old si Matt, at ang misis niyang si Katrina ay 26 naman.

Ano ang naisip ni Matt at nag-propose siya agad?

Sagot niya, “E, gusto ko, e. Bigla ko lang naramdaman na... alam mo yun?

“Sabi nga nila, kahit gaano na kayo katagal, kung naramdaman mo na walang hindrance na mangyayari…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang buwan kong inisip talaga.

"Kasi, parang kapag biglaan kang ikinasal, parang may naiisip kang meron kang hindi in-enjoy.

"Pero ako, wala, e."

FORMER LIVE-IN PARTNER. Hindi kaya nangulila lang si Matt sa isang makakasama dahil naranasan na niya ang makipag-live-in?

Matatandaang naka-live-in noon ni Matt si Johnelline Hickins, anak ng dating bold star na si Coca Nicolas.

Sa kasamaang-palad, noong 2012 ay nagkaroon ng isyu sa kanilang pagsasama.

Humantong pa ito sa pagsasampa ni Johnelline ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, o Violence Against Women and their Children Act, laban kay Matt.

May isang anak na babae sina Matt at Johnelline.

Read: Matt Evans arrested for allegedly hitting live-in partner

Sagot naman ni Matt tungkol sa sinasabing pangungulila umano niya, “Yun ’yon.

"Isa pa yun, inisip ko rin yung sa dating nangyari.

"Hindi na rin, kasi isang taong mahigit na, e.

"Kumbaga, totally moved on na ako.

“Marami pang nangyari. Kumbaga, nagkaroon pa ako ng Reunion [movie].

"Marami nang dumaan na masasaya na mas dapat kong pagtuunan ng pansin."

Kumusta na sila ngayon ni Johnelline?

Sagot ni Matt, “A, okey na po.

"Medyo inaayos na lang. Inaayos na lang yung sa kaso.

"And I’m hoping na this year matapos na ito."

Nakakapag-usap na ba sila? Magkaibigan na ba sila?

“Through attorneys na lang namin,” sagot ni Matt.

Paano na ang visiting rights niya sa kanilang anak?

“Wala namang problema sa visitation rights ko.

"Basta, nabibisita ko naman yung bata.

"Siguro lang medyo bata pa yung bata kaya hindi ko pa nakukuha.

“Tingin ko naman, pag nakakalakad na siya nang husto... ngayon kasi hindi pa masyadong nakakalakad na puwede mo talagang dalhin.

“Pag old enough na yung anak ko, maipapasyal ko na siya.

"Hindi naman nila ipinagdadamot, e."

MATT’S WIFE. Ano ang nakita ni Matt na katangian ni Katrina at pinakasalan niya ito agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Siguro yung pinaka nakita ko sa kanya, na kahit na anong maging sitwasyon ko sa buhay ko, masasabi ko na yung asawa ko, nandiyan siya palagi para sa akin.

“Nasubukan ko na siya, e.

"Kasi naging kami nung nakita niyang bagsak ako.

"Nung umangat ako, nandiyan pa rin siya, ganun pa rin siya.

“Kumbaga, yung sarili niya... like ngayon, buntis siya, parang imbes yung sarili niya ang iniintindi niya, mas ako pa, e.

"Siya pa yung nahihiya sa akin na hindi siya nakakakilos, hindi siya nakakagalaw.

“Siya pa yung nagsasabi sa aking, ’Mag-relax ka lang...’ Lahat, e!

"Kumbaga, kung puwede niyang hatiin ang katawan niya para magawa niya lahat, gagawin niya, e.”

Ano naman ang pinaglilihian ng misis niya?

“Ngayon kasi, nagpapabili ng mangosteen. Mahilig siya sa mga round.

"Nung nakaraan, gumagawa naman siya ng tacos.”

Ano ang gusto nilang maging anak—lalaki o babae?

Sagot ni Matt, “Kahit ano, basta healthy.

"Yun ang katuwiran ko lagi, e. Iba talaga pag malusog yung bata."

Noong binata pa si Matt ay aminado siyang mabarkada, kahit na noong may ka-live-in siya. Pero nabago raw ito nang magpakasal na siya.

“Yun nga ang sinasabi ko na, dati, nakabukod ako sa sarili ko, na may sarili akong bahay, tapos yung mga kaibigan ko nakakapunta.

“Ngayon, wala na talaga.

"Ang barkada ko na lang tuwing umaga, basketball. Yun na lang.

"Alas-nuwebe ng gabi, pag walang trabaho, tulog na kami.

“Ang sarap, e. Iba rin. Iba rin pala.

"Yun ang sinasabi na pag inikot ka ng Diyos, iikutin ka talaga Niya."

Ano ang natutunan ni Matt sa nakaraan niyang relasyon na ina-apply niya ngayon? O ano yung mga bagay na iniiwasan niya ngayong gawin sa pagsasama nila ng kanyang misis?

Aniya, “Hindi naman sa iniiwasan...

"Hindi ko naman sinabing masama yung mga nangyari sa akin bukod sa mga...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayun, yung mga negatibong nangyari, iniiwasan na lang yun.

“Ngayon, kung anuman yung napulot ko at naaral ko nung mga panahong yun, yun na lang ang kini-keep ko.

“Lahat nung masasama, talagang tapon na.

"Kasi, kahit isipin mo nang isipin, mai-stress ka lang, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN