Daniel Matsunaga denies transferring to another network anew

Ayon sa Brapanese model na si Daniel Matsunaga, kuntento siya sa pangangalaga ng TV5 sa kanyang career. Ini-enjoy rin daw niya ang pagiging single dahil alam niyang darating ang babaeng nararapat sa kanya sa tamang panahon.


Itinanggi ni Daniel Matsunaga ang balitang ikinukunsidera niyang muling lumipat ng istasyon.

Naging laman kasi sa ilang threads sa Internet ang diumano’y kawalan ng proyekto ng model-actor sa TV5.

Two years ang non-exclusive contract ni Daniel sa Kapatid network, at sa June 2014 pa ito magtatapos.

Ang huling proyekto niya sa TV5 ay ang Misibis Bay, na nagtapos noong August 2013.

Bago naging contract artist ng TV5 si Daniel ay lumabas muna siya sa mga programa ng GMA Network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa model-actor, itinanggi nito ang balitang nagbabalak na naman siyang lumipat ng network.

“Transfer? No, no, no...

"Well, mali ’yan, kasi… I’m with TV5 and I’m very happy here.

"And, well, this is anything that my management will decide.

“You know, they are the ones who know what’s best for me… what’s not.”

Masuwerte rin daw ang pasok ng 2014 sa kanyang career.

“Blessed, I’m very blessed, and I’m very thankful to TV5 for giving me the opportunity.

“And I’m very happy.

"I just came in from Boracay, enjoying with my friends. God is always good.”

REPLACEMENT BRIDE. Isa pa, may bagong show si Daniel sa TV5—ang Replacement Bride.


Kasama niya rito sina Jasmine Curtis Smith, Arci Muñoz, at Edgar Allan Guzman.

Sa first taping day ng bago niyang telesine sa TV5, noong Martes, January 7, sa may Quezon City, nakausap ng PEP si Daniel.

Kuwento pa nito sa kanyang role, “Isa akong architect na about to get married.

"And there’s an accident, kasi si Jasmine, pumasok siya sa church.

“Well, it’s a… mali siya, kasi ano, akala niya kaibigan niya or something…

"She stalls my wedding, and then my whole life after that with my supposedly wife, hindi natuloy.

“So ano, after that, my fiancée [Arci], she thinks I’m cheating on her with Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then yung story, I always go to Jas to help me.

"Her name here is China, I always go to to China ‘coz she has to fix it, you know, yung relationship ko… and I am slowly falling in love with China.”

Sa Pebrero mapapanood sa TV5 ang Replacement Bride.



NOT LOOKING FOR LOVE RIGHT NOW. Matagal nang single si Daniel.

Ang huli niyang naging kasintahan ay si Heart Evangelista, ngunit nagkahiwalay sila noong unang bahagi ng taong 2012.

Read: Daniel Matsunaga reveals breakup with Heart Evangelista happened while he was in Brazil

Nai-link na din siya kay Kris Aquino, pero hanggang trabaho lang daw sila.

Read: Daniel Matsunaga dismisses rumor linking him to Kris Aquino

Sa ngayon ba ay may idini-date na siya?

Natawa si Daniel at sinabing, “Wala, wala pa. Single pa rin. Pero masaya.”

Seryosong bawi nito, “Single. Wala pa rin.

"It’s hard to find, it’s hard to find.

“I’m focusing kasi sa trabaho, and I’m not really looking for it right now, you know.

"Someday it’s gonna happen, e… in the right time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN