Vice Ganda admits he and Kris Aquino briefly set aside their friendship for MMFF box-office supremacy

Muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang komedyante at host na si Vice Ganda (pangatlo mula sa kaliwa) ngayong Lunes ng hapon, January 13. Dumalo sa contract signing ang top executives ng Kapamilya network na sina (L-R) Cory Vidanes (broadcast head), Eugenio “Gabby” Lopez III (chairman), Charo Santos-Concio (president), Laurenti Dyogi (TV production head), at Deo Endrinal (business unit head).


Muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network ang komedyante at host na si Vice Ganda ngayong hapon ng Lunes, January 13, 2014, sa ELJCC Building ng ABS-CBN, sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Tatlong taon ang bagong kontratang pinirmahan ni Vice.

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Broadcast Head Cory Vidanes, TV Production Head Laurenti Dyogi, at Business Unit Head Deo Endrinal.

Sa nasabing okasyon ay nagsalita rin si Vice Ganda hinggil sa pahayag ni Kris Aquino na naapektuhan ang pagkakaibigan nila dahil magkalaban ang kanilang mga pelikula sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Ang pahayag ni Kris ay ipinalabas kaninang umaga sa Kris TV.

Read: Kris Aquino admits MMFF competition affected her friendship with Vice Ganda

Kasama si Kris sa My Little Bossings, na pinagbibidahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, at ang bunsong anak ng TV host-actress na si Bimby Aquino Yap.

Si Vice naman ang bida sa comedy movie na Girl Boy Bakla Tomboy.

Mahigpit na magkalaban ang dalawang pelikula para sa topgrossing movie ngayong MMFF.

Noong nakaraang taon ay nagkasama sina Kris, Vice, at Ai-Ai delas Alas sa MMFF entry na Sisterakas.

Ang Sisterakas ang topgrossing movie noong MMFF 2012, at may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino movie of all-time dahil sa kinita nitong P393 million.

Samantala, nag-tweet ang Star Cinema ngayong Lunes, na higit na sa P420 million ang kinita ng Girl Boy Bakla Tomboy.

Hinihintay pa rin ang pag-anunsiyo kung magkano na ang kinita ng My Little Bossings, na siyang nanguna sa takilya sa kabuuan ng MMFF, batay sa figures na inilabas ng Metro Manila Development Authority.


VICE SPEAKS UP. Sa ulat ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN News Online ngayong araw, kinumpirma ni Vice na naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Kris.

Subalit agad din niyang nilinaw na nagkaayos na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay kami kasi nag-uusap pa din kami,” paniniyak ni Vice.

“Kagabi, magkausap pa din kami.

"Sabi niya, ’Oy, congrats, magko-contract signing ka na, tapos ako naman ang susunod."

Pagpapatuloy ni Vice, "Kaya nga lang, hindi kami nakapag-usap [nang personal] kasi umalis nga siya.

“Pero noong nandoon siya sa London, nagte-text pa din kami.”

Kadarating lang ni Kris mula sa halos dalawang linggong bakasyon sa London, kapiling ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Pagpapatuloy pa ni Vice tungkol kay Kris, "Tinext niya, ’Hoy, I just bought you a pair of Louboutin.’

"Tapos, sabi ko, ’Thank you.’

"Tapos sabi niya, ’Sa akin, may gift ka ba sa akin?’

"Sabi ko, ’Wala pa, e. Ano ba ang gusto mo?’

“Tapos hindi siya sumagot. ’Hindi ka na sumagot, feeling ko di mo na iaabot yung gift ko, kasi wala pa akong gift sa iyo.’

"Tapos tumawa lang siya.

"So, sobrang okay kami."


FRIENDLY COMPETITION? Sinabi ni Vice na naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Kris dahil pareho nilang pinaghirapan ang paggawa ng kani-kanilang pelikula para sa MMFF.

"Siyempre, kaya nagkaganoon ay pareho naming kinarir yung dalawa naming pelikula.

“Sobrang karir siya, sobrang karir din ako.

“Yung panandalian, di muna namin naiisip yung friendship.

"Ang naiisip lang namin ay kailangan naming karerin ang pareho naming pelikula," sabi ng It’s Showtime host.

Ngunit masaya naman daw siya sa tagumpay ng pelikula nina Kris.

"Happy para sa kanila at para sa akin, siya din naman ay happy siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN