John Lloyd Cruz on slapping incident with Anne Curtis: “Let it rest... Hindi na magandang pag-usapan."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng reaksiyon si John Lloyd Cruz tungkol sa ginawang pananampal at paninigaw sa kanya ni Anne Curtis sa isang luxury bar noong madaling-araw ng November 23, 2013.

Maiksing pahayag ng aktor tungkol dito: "Diyos ko, wala na, ayoko na talagang ano... Kasi hahaba, hahaba nang sobra dahil may kanya-kanyang versions, e."


Ibinaon na sa limot ni John Lloyd Cruz ang pananampal at paninigaw ni Anne Curtis sa kanya at iba pa niyang kaibigan sa isang luxury bar sa Taguig noong November 23, 2013.

Ayon sa ulat ng ABS-CBNNews.com, nagbigay ng kaunting pahayag ang aktor tungkol sa kinasangkutan nitong eskandalo noong nakaraang taon.

“Let it rest. Hayaan na natin,” saad ni John Lloyd nang makapanayam siya sa taping ng Home Sweetie Home sa loob ng ABS-CBN compound.

THE NOVEMBER 23 INCIDENT. Matatandaang eksklusibong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento ni JR Isaac, editor at publisher ng Circuit Magazine, tungkol sa nangyaring gulo sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng Nobyembre 23.

Kasama raw niya noong mga oras na iyon ang showbiz personalities na sina John Lloyd Cruz, Jake Cuenca, at Phoemela Barranda; at iba pa nilang kaibigan na sina Leah de Guzman, Czarina Sarte, at Nix Alañon.

Nandoon din sa kanilang table ang co-owner ng Privé na si JM Rodriguez.

Nakapuwesto sila sa VIP area sa second floor, na nahati sa dalawang section dahil kasalukuyang ginaganap noon ang hiwalay na private party na inihanda ni Anne Curtis para sa isa niyang kaibigan na malapit nang ikasal.

Ayon sa kuwento ni JR sa PEP, nag-uusap sila ng kaibigan niyang si Lea habang hinihintay ang order nilang drinks sa VIP bar nang biglang may narinig silang boses, sa bandang likuran nila, na sumisigaw ng, “Who’s banging my door?”

Iyon pala ay si Anne, na mukhang galit na galit paglabas nito ng toilet na malapit sa kinatatayuan nina JR at Leah sa VIP bar.

Walang sabi-sabi ay bigla na lang silang pinagsasampal ni Anne, kabilang si John Lloyd na nakatayo sa tabi nila.

Sinigawan pa ni Anne si John Lloyd ng: “You are an addict!”

Pati si Phoemela ay dinuro rin ni Anne at sinabihan ng: “I can buy you, your friends, and this club!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sobrang gulat sa pangyayari ay hindi kaagad nakapag-react si JR, at ganoon din sina Leah at John Lloyd.

Sabi pa ni JR, "JL never said anything the whole time. He kept quiet. He was a gentleman, like I said..."

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends, says sorry and is forgiven, all on the same day

ANNE SAYS SORRY. Pagkatapos lumabas ang ulat tungkol sa naganap na insidente ay nagbigay ng pahayag si Anne sa pamamagitan ng pag-post ng mensahe sa kanyang Twitter account.

"Yes, most of it is true,” pag-amin ni Anne tungkol sa report na lumabas sa PEP.

Aminado si Anne sa kanyang nagawang pagkakamali kaya’t kaagad daw siyang humingi ng tawad sa mga taong sangkot sa eskandalo.

Ngunit kapansin-pansin ang binitawang salita ni Anne na may isang tao umanong nagpasimula ng gulo dahil sa “inappropriate behavior” nito at ng iba pa nitong kasama.

Humingi rin daw ng tawad sa kanya ang taong ito, na ayaw nang pangalanan ng aktres dahil hindi raw siya ang tipong naninira ng reputasyon ng ibang tao.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Dahil sa sinabi ni Anne ay iba’t ibang espekulasyon sa kung ano ang nag-udyok sa kanya na magalit nang husto noong madaling-araw ng Nobyembre 23.

Naging matunog ang usap-usapan na ginawan diumano ng masamang biro nina John Lloyd at Jake si Anne, na siyang naging dahilan ng pagwawala ng aktres.

Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Jake ang alegasyong ito sa kanyang Twitter posts noong December 3 at sa isang panayam ng PEP noong December 12.

Read: Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks."

Read: Jake Cuenca maintains innocence in Anne Curtis slapping, drunken incident: "I didn’t see anything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JOHN LLOYD STILL MUM ON ISSUE. Samantala, naging mailap si John Lloyd tungkol sa isyu sa press conference ng Home Sweetie Home noong December 20.

Iyon ang unang beses na nakaharap ni John Lloyd ang entertainment reporters matapos ng kinasangkutan niyang eskandalo.

Kapansin-pansin din na pagkatapos ng presscon ay kaagad itong umalis at hindi na nagpaunlak ng one-on-one interview sa press.

Ang panayam ng ABS-CBNNews.com kay John Lloyd noong January 14 ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay siya ng direktang komento sa naganap na insidente.

Tinanong si John Lloyd kung paano siya sinuportahan ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa gitna ng pinagdaanan niyang kontrobersiya.

Ngunit imbes na depensahan ng aktor ang sarili niya ay mas mabuting kalimutan na lang daw ang nangyaring gulo.

Ito ang iwas na pahayag ni John Lloyd: "Ano ba ang pinag-uusapan natin? Kung iyong ano pa rin...

“Diyos ko, wala na, ayoko na talagang ano...

"Kasi hahaba, hahaba nang sobra dahil may kanya-kanyang versions, e.

“Hindi naman puwedeng... di ba?"

Hindi na rin daw mahalagang pag-usapan pa kung ano ang naging reaksiyon ni Angelica sa nangyaring insidente.

Sabi ni John Lloyd, “Let it rest, hayaan natin.

"Hindi na magandang pag-usapan, kahit sabihin pa nating kung paano ako sinuportahan [ni Angelica]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN