Rose Fostanes cannot work as professional singer in Israel

Sa pagkapanalo ni Rose Fostanes sa X Factor Israel, dasal niya mabigyang pansin ang kundisyon ng mga nagtatrabahong caregiver sa Israel. Bukod sa hindi kalakihan ang bayad sa kanila, hindi rin daw maayos ang mga tinitirhan nila.

“Not all workers and cleaners from the Philippines are in a position like this: It’s like Cinderella, you know,” sabi ni Rose.


Nagbunyi ang maraming Pinoy at maging ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel nang tanghaling grand champion si Rose Fostanes sa season one ng X Factor Israel.

Read: Pinay caregiver Rose Fostanes declared winner in X Factor Israel

Ngunit naging panandalian ang kanilang pagbubunyi pagkatapos nilang malaman na hindi maaaring magamit ni Rose ang kanyang pagiging champion sa contest dahil nakatali ito sa isang kontrata bilang caregiver.

Anim na taon nang nagtatrabaho sa Israel si Rose bilang caregiver.

Nakasaad sa Israeli law na hindi maaaring kumita si Rose sa ibang trabaho maliban sa pagiging isang caregiver.

Ibig sabihin, hindi siya maaaring maging isang professional singer sa Israel dahil hindi siya residente rito.

Ayon sa spokeswoman ng Israel’s Population And Immigration Authority: “She can only work as a caregiver, according to the law.

“Of course she can sing—anyone can do that—but not as a professional.”

Kumalat sa social media ang congratulatory messages para kay Rose nang kumalat ang pagkapanalo niya sa X Factor Israel.

Maging si President Benigno “Noynoy” Aquino III ay nagpaabot ng mensahe, sa pamamagitan ni Secretary Edward Lacierda, para sa kanyang pagkapanalo.

Sabi ni PNoy, “We know the situation she was in and we are very proud that she has again given the Philippines pride in the showcase of her talent.

“The Filipino has an innate advantage when it comes to the arts… It clearly shows that the excellence of the Filipino can be expressed anywhere, everywhere, when they are given the opportunity to show their talent.”

LGBT COMMUNITY. Isa lamang si Rose sa sampung milyong Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa isang interview ni Rose ay inamin niyang mayroon siyang girlfriend sa Pilipinas na ang pangalan ay Melinda Adel.

Nag-alala raw ang girlfriend ni Rose na baka makaapekto ang pag-asa nitong manalo sa X Factor Israel dahil sa pag-amin nitong isa siyang lesbian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit mas lalo pang napamahal sa Rose sa marami dahil sa pagiging totoo nito.

Ayon pa sa Pinay caregiver, ang mga inaalagaan niya sa Tel Aviv ay mga miyembro ng LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transsexuals) community roon.

Isang dahilan din kung bakit nanalo si Rose ay dahil sa suporta ng LGBT community sa Israel.

Nagkaroon pa nga ng Facebook page na "That’s My Tomboy of Israel" para makakuha ng maraming boto si Rose sa X Factor Israel.

Dahil sa nakuha niyang boto, natalo ni Rose ang mga kalaban niya sa finals na sina Eden Ben Zaken (girls category); Uri Shakiv (boys category), at Fushion (group category).

Ang tawag ngayon kay Rose ay “the newest star of Israeli reality television” dahil kahit saan daw ito magpunta ay pinagkakaguluhan siya ng fans.

Hindi nga makapaniwala si Rose na nangyayari sa kanya ang lahat ng ito.

Aniya, “Sometimes I am telling myself, ‘Is it true that it happened to me?’

“At least I can express and show the people that I have also talents and it’s not too late for me to shine.”

Maikukumpara ang mala-Cinderella story ni Rose sa nangyari sa Scottish housewife-turned-singer na si Susan Boyle nang maging finalist ito sa Britain’s Got Talent noong 2009.

Naiba ang buhay ni Susan dahil mula sa pagiging simpleng maybahay ay naging singing sensation siya sa United Kingdom.

Sa pagkapanalo ni Rose, dasal niya mabigyang pansin ang kundisyon ng mga nagtatrabahong caregiver sa Israel.

Bukod daw sa hindi kalakihan ang bayad sa kanila, hindi rin daw maayos ang mga tinitirhan nila.

Sa isang crowded apartment sa Tel Aviv nakatira si Rose kasama ang ilan pang caregivers na tulad niya.

“Not all workers and cleaners from the Philippines are in a position like this: It’s like Cinderella, you know,” sabi ni Rose sa isang interview na in-upload sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN