Marian Rivera mum about reported movies with John Lloyd Cruz and Derek Ramsay

Masayang ibinalita ni Marian Rivera na malapit na nilang ipamahagi ang mga bangka sa ilang pamilya sa isang isla sa Cebu na nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013. Umaasa rin ang Kapuso actress na maabot nila ang kanilang target na 100 na bangka.


Usap-usapan ang dalawang pelikulang gagawin ni Marian Rivera para sa Regal Entertainment ngayong 2014.

Ayon sa kumakalat na balita, ang magiging leading men ng Kapuso actress sa dalawang proyektong ito ay mula sa kalabang TV networks.

Sa presscon ng bagong primetime series ng GMA na Carmela kagabi, January 16, maingat si Marian sa pagbibigay ng detalye tungkol sa movie projects niya.

Sabi niya, “Well, dalawa ang gagawin ko sa Regal this year.

“Hindi ko alam kung puwedeng sabihin kasi… si Mother [Lily Monteverde, Regal matriarch], magtatampo na naman yun.”

Pero sabi rin ng aktres, “Hindi ko pa sure… yung isang leading man na makaka-partner ko ay galing sa Channel 5, yung isa ay Channel 2.”

Hula naman ng entertainment press: Ang taga-Channel 5 o TV5 ay si Derek Ramsay, at ang taga-Channel 2 o ABS-CBN ay si John Lloyd Cruz.

Matagal bago nakapagsalita si Marian nang hingan ng kumpirmasyon kung ang dalawang nabanggit na aktor nga ang magiging leading men niya.

“Ang hirap magsalita, e,” sambit niya.

“Actually, nabanggit yun sa akin ni Mother.

“Pero alam niyo naman ang soap operas and movies, hangga’t hindi pa nagro-roll ang camera, maraming puwedeng magbago.”

Pero okay sa kanya na maging leading man sina John Lloyd at Derek?

Sagot ni Marian, “Wala akong reklamo sa kung sino ang maging leading man ko.

“Mas gusto ko yung nagta-try ng mga bagong leading man, para at least bago naman.

“Saka wala namang masama na mag-try nang mag-try.

“Trial and error na lang yun pagdating sa pelikula, kaya subok lang nang subok.

“Hangga’t maganda ang pelikula ay go lang nang go.”



ADOPT-A-BANCA PROJECT. Kinumusta rin ng press kay Marian kung ano na ang development sa kanyang Adopt-A-Banca project.

Ito ang proyektong inisyatibo mismo ni Marian para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda sa isang isla sa Cebu.

Read: Marian Rivera proposes livelihood program instead of relief goods for Yolanda victims

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalita ng Kapuso Primetime Queen, “Ayan, pupunta ako sa Cebu sa Saturday and Sunday [January 18 and 19], kasi meron kaming Sinulog do’n.

“At sa Sunday, makikipag-meet na ako dun sa pinaka-sponsor namin, kung saan kami makikipag-team para sila ang mag-asikaso ng mga nagdu-donate, magdi-distribute.

“So, ang maganda niyan, mag-uusap kami… dun na kami magtutous kung ilan na ang napondo namin, at dun na kami magre-release kung ilang bangka ang idi-distribute namin itong next month [February].

“So, ongoing siya.

“At nakakatuwa at nakakataba ng puso talaga na ang daming gustong mag-donate!

“So, iyon, sana yung target ko, makuha ko na yung ilang pamilya na gusto kong ma-target, sana magawa ko siya.”

Isandaang bangka ang target ni Marian.

Bawat isang bangka ay nagkakahalaga raw P30,000 dahil may kasama na itong motor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN