MMFF denies allegations of mishandling funds; will answer charges in court

Ayon sa tagapagsalita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Marichu Maceda, walang nangyaring katiwalian sa pondo mula sa mga kinita ng MMFF para sa beneficiaries nito. Naibibigay raw sa mga ito ang kanilang share mula sa amusement tax earnings.


Mariing pinabulaanan ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF), sa pamamagitan ng kanilang spokesperson na si Marichu Maceda, ang alegasyong may nangyayaring katiwalian sa amusement tax earnings ng MMFF.

Ayon sa petisyong inihain ng Film Academy of the Philippines (FAP), hindi diumano naibigay sa beneficiaries ng MMFF ang kanilang porsiyento sa kinikita ng taunang filmfest, mula 2002 hanggang 2008.

Sa inihaing “Petition for Mandamus” ng FAP noong Miyerkules, January 15, sa Quezon City Regional Trial Court, nakasaad dito na may P82 million pa raw na hindi naibibigay ang ahensiya sa mga benipisyaryo nito, ayon na rin sa audit report ng Commission on Audit (COA).

Read: FAP petitions court to stop turnover to MMDA of amusement tax from MMFF 2013 earnings

Ngunit sa ulat ng abs-cbnnews.com kahapon, January 16, dinepensahan ni Maceda ang Metro Manila Development Authority (MMDA), organizer ng MMFF.

Saad nito, "Wala akong nakitang anomalya because [MMDA] Chairman [Francis] Tolentino has been very transparent.”



“WE RESPECT THEIR OPINIONS…” Dagdag pa ni Maceda, hindi sila ang namamahala ng MMFF mula 2002 hanggang 2008.

“Alam mo, lahat ng mga ’yan, they are opinions. And we respect their opinions.

"Pero hindi ’yan ang batas.

"You cannot just impose your opinion on everybody."

Patuloy pa niya, ang pondong nalikom mula sa amusement taxes na ibinibigay ng local government units (LGUs) ng Metro Manila sa buong festival ay buo pa rin, at ito ay iginagawad sa beneficiaries, kasama na ang FAP.

Ang beneficiaries ng MMFF bawat taon, bukod sa FAP, ay ang mga sumusunod: Mowelfund, Motion Picture Anti Film Piracy Council (MPAFPC), Optical Media Board (OMB), at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pero inirereklamo ng FAP kung bakit taun-taon ay lumiliit ang pondong natatanggap nila mula sa kinikita ng MMFF.

Paliwanag ni Maceda dito, "Thirty percent ang amusement taxes dati. Napababa nila sa 10 percent.

"Tapos sa Quezon City, which comprises of about 30 percent of theaters ng buong Metro Manila, zero ang amusement tax.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FACTORS AFFECTING AMUSEMENT TAX REDUCTIONS. Sa hiwalay na ulat ng InterAksyon.com, ipinaliwanag ni Maceda ang iba pang kadahilanan kung bakit lumiliit ang bahagi na napupunta sa beneficiaries.

Una, noong 2003, ibinaba ng Quezon City, Manila, Caloocan, Malabon, at San Juan ang kanilang amusement tax rate mula 30 percent to 15 percent.

Pangalawa, noong 2006, mula 15 percent, ibinaba ng Quezon City sa zero ang kanilang amusement tax rate.

Lahat naman ng iba pang LGUs ay nagbawas din ng kanilang amusement tax rates hanggang 10 porsiyento, alinsunod sa Local Government Code of 1991.

Pangatlo, noong 2011 sumunod din ang pamahalaan ng Marikina sa Quezon City sa pagtakda ng zero percent amusement tax rate.

Pang-apat, ibinaba naman ng Pasay City mula 10 percent to 5 percent, ang kanilang amusement tax rate.

Panglima, ang mga sinehan sa Resorts World Manila ay tax-free dahil nasasakupan ito ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Law.

Panghuli, ang pagsasara ng maraming mga sinehan.

Sabi pa ni Maceda, “Thus, even if the MMFF gross revenues increase, the amount given to beneficiaries may decrease due to these factors.”

Sinabi rin nitong sasagutin ng executive committee ng MMFF sa korte ang alegasyon ng FAP.

Wala rin daw basehan ang grupo sa kini-claim nilang P82 million amusement tax proceeds mula 2002 hanggang 2008.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN