Paul Santiago on daughter Miss International Bea Rose Santiago: "Hindi ko puwedeng sirain ang anak ko."

Umaasa ang ama ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago, na si Paul Santiago, na mapatawad siya ng anak matapos nitong maglabas ng hinaing sa Facebook bilang sagot sa binitawang pahayag ng anak na inabandona sila nito.


Humingi ng paumanhin si Paul Valencia sa anak na si Miss International 2013 Bea Rose Santiago sa paglalabas niya ng sama ng loob sa Facebook.

Ngunit iginiit nito na hindi niya kailanman pinabayaan ang anak na beauty queen.

"Alam ko naman na alam niya na hindi ako nagpabaya sa kanya... ako naman, kahit ano ang gawin ko, anak ko pa rin ’yan," pahayag ni Paul sa maiksing panayam sa kanya ng GMA News kahapon, January 17.

Sinabi rin Paul—kasalukuyang konsehal ng Mandaon, Masbate—na baka hindi alam ni Bea na nagpapadala siya ng pera sa ina nito noong araw.

Iginiit din nito na hindi niya maaaring sirain ang sariling anak.

"Hindi ko puwedeng sirain ang anak ko. At the end of the day, kaming dalawa ang magkasama."

Proud din daw si Paul sa narating ni Bea.

Sa huli,

Matatandaang naghayag ng sama ng loob si Paul sa Facebook account niya noong January 8, pagkatapos sabihin ni Bea sa interview niya sa Buzz Ng Bayan, noong Janaury 5, na inabandona siya ng kanyang ama noong sampung taong gulang pa lamang siya.

Sa naturang post, ipinagtanggol ni Paul ang sarili at sinabing gumagawa lamang ng “web of lies” ang kanyang anak.

Sa bandang dulo ng post, humingi ng public apology si Paul mula kay Bea.

Read: Bea Rose Santiago’s father slams Miss International 2013 for her "web of lies"; wants public apology from daughter


Burado na, at presstime, ang naturang Facebook post ni Paul.

Matapos nito, umiiwas naman si Bea na makapanayam ng media dahil baka lumaki pa raw ang alitan nila ng ama.

Read: Miss International Bea Rose Santiago still mum about feud with her dad


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN