Yayo Aguila gracefully copes with singlehood: “Hindi ko kailangan ng lalaki para buhayin ako.”

Yayo Aguila talks about the traits she expects from her ideal guy: “Pero ayokong magpakaplastik. Siyempre if there’s someone, di ba? Na mamahalin ko naman at mahal ako at ang mga anak ko, at willing naman mag-provide, why not, di ba? Kasi ang hinahanap ko na lang naman din ngayon yung hindi lang security, hindi lang financial security, kasi kaya kong magtrabaho, e. Pero yung companionship ’tsaka yung ie-embrace kami ng mga anak ko.”


Masaya ang personal life ni Yayo Aguila kahit wala siyang karelasyon sa ngayon.

Mag-aanim na taon na silang hiwalay ng dati niyang asawang si William Martinez.

Ayon kay Yayo, “Masaya ako kasi nakakalabas-labas ako, pag gusto ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yayo sa press launch ng The Borrowed Wife nung Martes, January 14, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Pinagbibidahan nina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna, at TJ Trinidad ang pelikula at mapapanood ito simula sa Lunes, January 20, sa direksyon ni Gil Tejada Jr.

LOVELESS BUT NOT LONELY. Aminado naman si Yayo na mahirap ang walang karelasyon.

Pag-amin niya, “Honestly, mahirap. Kasi may mga nights na parang gusto mo may kasama ka kasi, parang may kayakap ka lang, may kausap ka, may kasama ka.

“May times na ganun.

“Pero ngayon, okey ako kasi ang mga anak ko kasama ko, di ba?”

Gayun pa man, may mga "umaaligid" pa rin daw sa kanya.

“May nanligaw, ganyan," pagtatapat ni Yayo.

Ipinagtapat na rin ni Yayo na nagkaroon siya ng boyfriend.

“Nagkaroon ako ng boyfriend dati, non-showbiz. Ayoko nga ng showbiz!” saad niya.

Nangyari raw ito limang taon matapos nilang maghiwalay ni William.

“Pero hindi naman nagtagal. One year, ganyan.

“Hindi okey yung pagkatao niya,” at tumawa si Yayo.

“Hindi siya okey. Imbes na maging masaya, stressful.

"Ayoko nun! ’Tsaka hindi siya gusto ng mga anak ko.”

Mas bata raw ng kaunti sa kanya ang naturang lalaki.

“Hindi naman yung younger-younger, ha? Mga late thirties, ganyan.”

Naghiwalay ba sila nito bilang magkaibigan?

Sagot niya, “Hindi gaano.”

Sa ngayon ba ay may nanliligaw sa kanya?

“Hindi ko alam kung nililigawan ako nun, pero nagde-date ako.

“Non-showbiz. Wala ngang lumiligaw sa aking showbiz. Bakit ganun?” nangingiti niyang tanong.

COMPANIONSHIP AND MORE. Maganda at seksi pa rin si Yayo. Paano kung halimbawang may manligaw sa kanyang dirty old man o DOM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa," sagot agad ng dating Bagets girl.

“Sa totoo lang, ha, hindi ko sinasabing pag bata gusto ko. Pero kung matanda, ayoko naman yung sobrang tanda,” natatawa niyang pahayag.

Paano kung biyudo na mayaman na kaya siyang buhayin pati ang mga anak niya?

“Alam mo, sa totoo lang, ayokong magpakaplastik, ha. Mahirap maging single parent.

"Pero ako kasi, alam ng lahat yung pagkatao ko, very independent ako at saka I can provide for my children.

“For the longest time, ako ang nagpu-provide sa amin. Hindi ko kailangan ng lalaki para buhayin ako.

“Pero ayokong magpakaplastik. Siyempre if there’s someone, di ba?

"Na mamahalin ko naman at mahal ako at ang mga anak ko, at willing naman mag-provide, why not, di ba?

“Kasi ang hinahanap ko na lang naman din ngayon yung hindi lang security, hindi lang financial security, kasi kaya kong magtrabaho, e.

“Pero yung companionship ’tsaka yung ie-embrace kami ng mga anak ko,” paliwanag ni Yayo.

Ang sex ba, nami-miss niya?

“Alam mo ang plastik ko naman kung sasabihin kong hindi,” pahabol niya.

ON BARON GEISLER. Naitanong naman namin kay Yayo kung ano na ang nangyari sa kaso nila laban kay Baron Geisler.

Read: Baron Geisler files appeal on acts of lasciviousness conviction

Aniya, “Last month nag-follow-up ako. Di ba ano, sabi ng court hindi na-approve yung appeal niya?

“So, hinihintay na lang namin yung lalabas mismo na formal na decision ng court kung...

"Kasi ang alam ko, kulong yun ng six months to two years.”

So, may posibilidad na makulong si Baron?

Pagsang-ayon niya, “Iyon yung pataw dun, e. Pag hindi in-approve yung appeal niya.

“E, sabi nung clerk, ’Hindi in-approve, hintayin mo na lang yung lalabas.”

Kailan lalabas?

Sagot niya, “Hindi ko alam. Hindi ko pa alam.”

Napatawad na raw naman ni Yayo si Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napatawad ko na si Baron, nag-usap na kami sa may ABS [CBN] dati. Nag-sorry siya sa akin, magpa-Pasko two years ago.

“’Tapos sabi niya, ‘Mommy Yay, sorry.’

“Tapos sabi ko, ‘Alam mo, okey lang. Basta magpakabait ka na lang.’

“E, kasi di ba? Parang... Napatawad naman namin siya, e.

"Mabait naman si Baron, e. Maski anak ko napatawad na siya, e.”

Paano kung bumaba ang desisyon at makukulong pa rin si Baron? Pipigilan ba iyon ni Yayo?

Gagawan ba niya ng paraan para huwag makulong ang aktor?

Sagot niya, “Wala na kaming magagawa dun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN