Watch Now

Binay, Poe, Roxas, Duterte challenged to name donors of billion-peso pre-campaign funds

Mar 7, 2016
<p>"If you look at the civil-service rules, gift-giving should be moderate. But if it is reaching millions of pesos worth, that's a different story. There could be a violation of civil service rules, as well as the anti-graft rules," said Comelec Commissi

Kinuwestiyon ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang source of funds na ginastos para sa pre-campaign ads, mula March 2015 hanggang January 2016, na umabot ng P6.7 billion.

Kaugnay ito ng datos mula sa Nielsen Media kung saan makikitang top pre-campaign spenders ang presidential candidates na sina Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe, at former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Ito ay sa kabila ng kaalamang nagsimula lamang ang official campaign period noong February 9, 2016.

Read: Binay, Roxas, Poe named as top TV ad spenders in 2015

ROXAS-ROBREDO. Si Roxas, standard-bearer ng Liberal Party, ay gumasta ng halagang P969,173,267 para sa kanyang TV at radio ads mula August 2015 hanggang January 2016.

Para sa buwan ng Enero, umabot ng P234,961,626 ang ginasta ni Roxas para sa TV ads at P56,184,136 para sa radio ads.

Ang katambal ni Roxas na si Camarines Sur Representative Leni Robredo ay gumasta ng P273,856,544 para sa sariling TV at radio ads mula November 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa buwan ng Enero, nagkakahalaga ng P89,810,523 ang ginasta ni Robredo para sa kanyang TV ads at P352,800 sa radio ads.

Umabot ng P92,326,469 ang naitalang gastos para sa TV at radio ads ng tambalang Roxas at Robredo noong Enero.

Hiwalay pa rito ang ginasta ng ibang senatorial candidates sa ilalim ng Liberal party.

BINAY-HONASAN. Si VP Binay, standard-bearer ng United Nationalist Alliance, ay gumasta ng halagang P1,050,065,096 para sa TV, radio at iba pang ad placements mula noong June 2015 hanggang January 2016.

Pagpasok ng Enero ngayong taon, nagkakahalaga ng P347,470,186 ang ginasta ni VP Binay para sa TV ads at P14,760,488 para sa radio ads.

Ang running mate ni VP Binay na si Senator Gringo Honasan ay gumasta ng P29,673,341 para sa kanyang solo ads.

Para sa tambalang Binay at Honasan, umabot ng P64,607,324 ang ginasta para sa kanilang pre-campaign ads.

POE-ESCUDERO. Si Grace Poe ay gumasta ng P1,016,414,123 para sa TV at radio ads mula August 2015 hanggang January 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Enero ngayon taon, nagkakahalaga ng P207,012,211 ang ginasta ni Senator Poe para sa TV ads at P67,074,614 para sa radio ads.

Ang katambal ni Senator Poe na si Senator Chiz Escudero ay gumasta ng P2,776,000 para sa kanyang solo ads.

DUTERTE-CAYETANO. Si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay gumasta ng P146,351,131 para sa kanyang pre-campaign ads.

Unang umere ang political ad ng alkalde noong March 2015.

Ngunit nang mga sumunod na buwan ay walang inilabas na pre-campaign ad si Mayor Duterte, hanggang sa opisyal niyang inanunsiyo ang kanyang kandidatura bilang presidente noong December 2015.

Pagpasok ng Enero ngayong taon ay nagkakahalaga ng P10,105,180 ang ginasta ni Mayor Duterte para sa kanyang TV ads.

Ang running mate ng alkalde na si Senator Alan Peter Cayetano ay gumasta ng P419,002,456 para sa kanyang solo pre-campaign ads mula April 2015 hanggang January 2016.

Umabot naman ng P62,630,621 ang pre-campaign ads ng tambalan nina Mayor Duterte at Senator Cayetano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito, mayroon ding naitalang ginasta si Senator Cayetano at Taguig City Mayor/re-electionist Lani Cayetano para sa kanilang pre-campaign ads na nagkakahalaga ng P87,885,089.

DEFENSOR-SANTIAGO-MARCOS. Samantala, tanging si Senator Miriam Defensor-Santiago ang walang naitalang ginasta para sa pre-campaign TV and radio ads.

Gayunman, ang katambal ng senadora na si Senator Bongbong Marcos ay gumasta ng P252,503,856 para sa kanyang pre-campaign ads mula noong June 2015.

TRILLANES. Samantala, ang independent candidate na si Senator Antonio Trillanes ay gumasta ng P8,953,380 para sa kanyang pre-campaign ads.

Ayon sa ulat ni Malou Mangahas ng PCIJ, responsibilidad ng mga kandidato na maging bukas sa publiko tungkol sa pinagmulan ng kanilang pre-campaign funds.

Paliwanag ng batikang journalist, “By reason and logic, the billions of pesos they have spent on pre-campaign ads could have come only from three sources: their own money, their yet unnamed donors, or public funds and purses.

“By the data enrolled in their 2014 or latest SALN filing, many of the candidates who had already run up millions of pesos in ad bills before Feb. 9 have neither sufficient net worth nor cash on hand or in bank to be able to finance their pre-campaign ads.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SALN of Binay, Defensor-Santiago, Duterte, Poe, Roxas show multi-million-peso increase

ANTI-GRAFT RULES ON ACCEPTANCE OF DONATIONS. Kung galing man sa “donors” ang nabanggit na pre-campaign funds, may paalala si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Christian Lim sa mga kandidatong tumatanggap ng cash donations.

Kaugnay ito ng probisyong nakapaloob sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nagbabawal sa isang public official na gamitin ang posisyon nito sa gobyerno upang manghingi o tumanggap ng regalo, porsiyento at anumang materyal na bagay para sa pansariling kapakinabangan.

Sabi ni Commissioner Lim, ayon pa rin sa ulat ni Mangahas, “If you look at the civil-service rules, gift-giving should be moderate.

“But if it is reaching millions of pesos worth, that’s a different story.

“There could be a violation of civil service rules, as well as the anti-graft rules.”

Bukod dito, naglabas din ng posisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nagbabawal sa lahat ng korporasyon na magbigay ng donasyon sa sinumang kandidato o political party upang maiwasan ang partisan politics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parte ng Bureau of Internal Revenue (BIR), iginiit ni Commissioner Kim Heneras na 30 percent ang karampatang buwis para sa cash donations ng isang donor sa isang tao na hindi maituturing na kadugo o kaanak hanggang sa fourth civil degree of affinity.

Sabi ni Henares, “The direct implication to the media, we expect them to report a six-billion-peso revenue from all these ads.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"If you look at the civil-service rules, gift-giving should be moderate. But if it is reaching millions of pesos worth, that's a different story. There could be a violation of civil service rules, as well as the anti-graft rules," said Comelec Commissi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results