Luis Manzano shrugs off negative reactions about his rekindled romance with Angel Locsin

Kung sakaling magkabalikan sila ni Angel Locsin, gusto ni Luis Manzano na maayos nilang dalawa ang komunikasyon. Paliwanag ng TV host-actor, "Dun kami nagkulang. Be clear on what we want... better and open communication. May times na we both meant well, pero iba ang nagiging dating. Talk about it, maaayos at maaayos yun."


"Wala naman akong pakialam sa opinyon ng iba."

Ito ang sagot ni Luis Manzano nang tanungin kung ano ang reaksiyon niya sa pambabatikos sa ginawang pag-amin ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin na mahal pa rin siya nito.

Read: Angel Locsin admits she still has feelings for ex-boyfriend Luis Manzano

Dagdag pa ng Kapamilya TV host-actor, "It’s so funny, kasi two to three years kami na no talk, walang kahit ano.

"Wala na akong pakialam sa kanila.

"Ako, nabubuhay naman ako para sa sarili ko, para sa mga mahal ko."

Ayon kay Angel ay hindi nawala ang feelings niya para kay Luis.

Pinagtaasan naman ito ng kilay ng ilan, lalo’t kagagaling lang daw ng aktres sa pakikipagrelasyon kay Phil Younghusabnd, at si Luis naman kay Jennylyn Mercado.

Sabi ni Luis tungkol dito, “Oo siyempre, pero with respect din naman sa mga naging partners din naman namin, we just got to rekindle—yun ang perfect word na we rekindle things.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis pagkatapos ng live appearance niya sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 20.

NO RECONCILIATION YET. Pero nang tanungin namin kung may balikan na bang naganap sa pagitan nila ni Angel, iginiit ni Luis na hindi pa sila nagkakabalikan ng aktres.

"Wala pa, kaya kong sabihin nang diretsahan na wala pa.

"As of this interview, wala pa," sabi niya.

Kung magkakabalikan ba sila ay aaminin nila ito at hindi itatago sa publiko?

Tugon ni Luis, “Siguro naman, we’re a little bit open than before.

"Yes, of course, sasabihin naman namin.

"Mapapansin din naman ng ibang mga tao."

Sa past interviews ni Angel, nabanggit nito na kapag nakipag-break na siya sa kanyang boyfriend ay hindi na niya ito binabalikan.

Ngunit parang kinain ngayon ng aktres ang mga sinabi nito dahil bukas ito ngayon sa pakikipagbalikan kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw namang magbigay ng komento ni Luis tungkol dito.

Paalala pa niya sa amin, “Naalala mo sa interview namin, second to the last, na hindi ko naman masasabi ‘yan. Sino ba naman ako para sabihin ‘yan?

"I guess it happens, na we can’t count love out."



LET’S GET SLOW. Marami ang nabibilisan sa mga pangyayari, mula sa naging pag-amin ni Angel hanggang sa mga kaganapan ngayon.

Para naman kay Luis, gusto niyang unti-untiin ang mga bagay-bagay at ayusin ang mga dapat ayusin.

Isa na rito ang komunikasyon na masasabi niyang naging problema nila ni Angel noon.

“Kaya nga hindi pa kami...

"Sabi ko nga, for not talking, not texting or speaking for two years, three years, I didn’t expect this will happen.

"But I’m happy it did.

“Siguro sa past relationship namin ni Angel, it’s to be better in communicating with each other.

"Dun kami nagkulang.

"Be clear on what we want... better and open communication.

"May times na we both meant well, pero iba ang nagiging dating.

"Talk about it, maaayos at maaayos yun."

THE VISIT. Noong nakaraang Bagong Taon ay nagpunta si Luis sa bahay ni Angel, pero hindi niya inabutan ang dating kasintahan dahil tulog na ito.

Ngunit inamin ni Luis na nasundan ang pagdalaw niya sa bahay ng aktres.

“Yes a few times, yes.

"Inaabutan ko na siya, maaga-aga na ang dalaw ko ngayon, dinner."

Maayos naman daw ang pakikitungo sa kanya ng mga kamag-anak ni Angel.

Sabi ni Luis, "They’ve been nothing to me but nice.

"Very thankful that despite of what happened before, even itong biglaang sulpot ko, sobra-sobra ang init ng pagtanggap nila sa akin."

Kung magkakabalikan silang muli, tiyak na marami na naman ang magmamasid sa kanilang high-profile relationship. Pero bukas kaya si Luis na magkasama sila ni Angel sa isang proyekto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Episodic.

"Siguro mag-guest siya sa Minute [To Win It], mag-guest siya sa Deal [Or No Deal], pero mga ganun lang.

"Pero to have a serye, a movie, parang hindi.

“Showbiz na nga kami, isu-showbiz pa ba namin ang relasyon namin?

"People already talk about it and write, tapos ilalagay mo pa sa spotlight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN