Jessy Mendiola on failing to get Dyesebel role: "If it’s meant to be, it’s meant to be. If it’s not, it’s not."

Hindi raw pinanghihinayangan ni Jessy Mendiola kung hindi man napunta sa kanya ang role na Dyesebel. Sabi ng Kapamilya actress, "Hindi ko naman puwedeng iboluntaryo ang sarili ko, ‘Ako na lang, ako na lang!’ Ako, I have Maria Mercedes. Sa dinami-dami din ng mga artista dito sa ABS, para sa akin, napaka-unfair kung sa akin ibibigay, heto na naman."


“Sabihin na lang natin, if it’s meant to be, it’s meant to be. If it’s not, it’s not.”

Ito ang sagot ni Jessy Mendiola tungkol sa hindi pagkakapili sa kanya ng ABS-CBN upang gumanap bilang bagong Dyesebel.

Ang gaganap sa pamosong Pinoy comic character ay ang actress-TV host na si Anne Curtis.

Read: Anne Curtis is the new Dyesebel; faces the press for the first time after slapping incident

Ngunit bago ianunsiyo na si Anne ang napili bilang bagong Dyesebel, maraming pangalan ng Kapamilya actresses ang sinabing pinagpilian.

Kabilang na nga rito si Jessy, na kasalukuyang napapanood sa primetime series na Maria Mercedes.

Sa panayam ng PEP.ph kay Jessy sa dressing room ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, January 20, ipinahayag ng young actress ang kanyang damdamin tungkol dito.

Saad niya, “Actually, gusto kong magtrabaho sa dagat, kasi napamahal ako sa dagat, Paraiso pa lang.

“Tapos, natuto pa akong mag-swimming sa Paraiso.”

Ang Paraiso ang afternoon soap ng ABS-CBN na pinagbidahan noon nina Jessy at Matteo Gudicelli.

Patuloy ni Jessy, “Pero iba ang pinapangarap ko kasi.

"Himpapawid ang gusto ko, action ang gusto ko.

“Nananalig din naman ako, pero alam mo naman ang ibang tao, sabihin nila, ‘Ayan na naman.’

“Tingnan na lang natin kung ano ang dumating sa future.

“Kung ano ang dumating sa akin, tatanggapin ko.

“Ako, naghihintay lang naman ako.”

Ngunit para kay Jessy, bagay kay Anne ang maging Dysebel.

“Anne Curtis, she’s definitely beautiful, and I’m sure she will give the role justice.

“Basta ako, kung ano ang para sa akin, para sa akin. Kung ano ang hindi…”

Wala rin daw siyang panghihinayang na naramdaman kung hindi man napunta sa kanya ang role.

Sabi ni Jessy, “Hindi, kasi ibinigay yun kay Anne, sa kanya yun.

“Hindi ko naman puwedeng iboluntaryo ang sarili ko, ‘Ako na lang, ako na lang!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I have Maria Mercedes.

“Sa dinami-dami din ng mga artista dito sa ABS, para sa akin, napaka-unfair kung sa akin ibibigay, heto na naman.

“Pero bakit hindi?

“Kaya lang kasi, for now, pahinga na muna siguro ako.

“Saka maganda ang casting ng Dyesebel, bongga.”



MARIA MERCEDES. Speaking of Maria Mercedes, hanggang ngayong linggo na lang ito mapapanood sa ere.

Kumusta ang mga huling araw ng taping nila?

Sabi ni Jessy, “Okay naman, masaya naman kami, kasi tumagal naman ang show namin kahit papaano.

“Kahit for airing na kami, kalahati pa lang nasu-shoot, masaya pa rin kami.

“Ayun, siyempre pagod lahat, kasi araw-araw kaming nagte-taping.

“Pero worth it naman kasi nagugustuhan naman ng mga tao.”

Dagdag niya, “Weird yung pagiging close ng set namin.

“Kasi before, nung simula nung Maria, sobrang nangangapa kami sa isa’t isa, hindi pa kami ganun ka-close.

“Hanggang sa gitna, hanggang sa nagkaroon na nung… siyempre pag airing na yung show, di ba, uso yung sa set nababago yung istorya, for airing na ang lahat, every day na kayong nagte-taping, biglang naging malakas yung bonding.

“Weird nga, kung kailan ngarag na lahat ng tao, nagkakainitan na ng ulo, kung kailan nagkakapikunan na, dun naging close ang lahat, nagkaroon ng heart-to-heart talk.

“Dun din nagkaroon, ‘Uy, sige na, bati na tayo.’

“Yun ang napapansin ko sa set, so ironic siya.

“Pero in a way, nakakatuwa, kasi parang nakikita ko na magkikita pa rin kami kahit wala nang taping, kasi naging close kami sa dulo ng show.”



IMBIBING MARIA MERCEDES. Napamahal na raw kay Jessy ang kanyang karakter bilang Maria Mercedes, lalo’t marami siyang natutunan sa pagganap niya sa nasabing karakter.

Pahayag niya, “Sobrang dami kasi, sa totoo lang, nahirapan ako.

“Turning point yun nung naging CEO na siya, naging fierce-fierce.

“Sabi ko, ‘Dysuko, paano ko ba itatawid itong fierce-fierce na ito?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasanay ako dun sa mahirap si Mercedes, tomboy-tomboy.

“Ang bilis ng mga pangyayari na bigla na lang siyang naging mayaman.

“Siyempre, wala na kaming oras para mag-deliberate kasi for airing na ang lahat.

“Sa set na lang namin lahat ginagawa—yung look, yung nuances niya, yung arte ni Mercedes na naging mataas, naging mayaman.

“Yung pagiging willing, saka adjustments bilang actress sa set, saka yung nagagahol yung oras na show…

“First time kong magkaroon ng sobrang laki na title role, talagang first time ko na magkaroon ng teleserye sa primetime.

“Siyempre, di maiiwasan na napupuna ka ng ibang tao.

“Siyempre baguhan ka, siyempre yung mga kasama ko mga beteranang mga aktor, mga sanay na sila sa primetime.

“Ako, baguhan lang.

“Nakakakaba na pagkatapos ng lahat ng ito, ano kaya ang kasunod? Ano kaya ang susunod na soap?

“Pero alam naman yun ng Star Magic at ng management na one project at a time ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN